TW : SUICIDE
MIKU'S POV
"I'm your Professor Xham, I'll be your prof in the entire semester,"
To be honest, she's kinda scary at masasabi 'kong totoo 'yun dahil ang mga istudyante rito, eh halos hindi maipinta ang mga mukha.
"Mag-iingat ka sa kaniya," Warning sa 'kin ni Sam, Samuel.
"Bakit?" Mahina kong tugon.
"Trip niya ang mang-akit ng mga bagong istudyante, kagaya mo," Sagot niya.
"Maganda naman siya, so why not?" Biro ko na ikinatawa ko nang mahina.
Hindi naman napansin 'yun nang ibang tao na nandito.
"Ikaw talagang bata ka," Asik niya sa 'kin.
Hinayaan 'ko lang si Xham na magsalita sa harapan, hindi naman talaga ako nandito para mag-aral, eh. I grab my sketch pad at nag-guhit guhit na lang ako nang kung anu-ano.
Balak 'kong iguhit ang buong classroom na 'to, matagal-tagal na rin akong hindi gumuguhit.
Napansin 'ko ang babaeng nasa akin ang tingin at wala sa prof nila.
Nginuso 'ko siya na sa prof ang tingin hindi sa 'kin.
"Ms. Fredley and Mr. Delos Santos!" Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang pati pangalan ko, eh nadamay, "What are you two doing?" Galit na galit niyang tanong.
"Gumuguhit?" Patanong ko ring sagot sa kaniya.
"In my office! Now!" Gigil na gigil niyang ani.
"Hala ka, 'tol. Good luck!" Tapik sa 'kin ni Dylan.
Susunod pa sana sa 'kin si Cessy pero pinigilan siya ni Xham na sumunod sa 'min.
Ano naman kayang gagawin namin sa office niya? Papaluhurin sa asin? Sa munggo?
"Kung anong iiutos, gawin mo na lang," Ani ni Sam.
SAMUEL'S POV
Now, I know kung paano nila tratuhin ang mga students nila. Hindi kinayang panoorin ang ginawa ni Xham 'kay Miku kaya I told Arlo na mag-disguised muna at patulugin si Xham, mabuti na lang at nakuha 'ko ang kailangan 'kong malaman bago patulugin ni Arlo si Xham.
"No cctv?" I asked them kung wala bang cctv sa office ni Xham.
"Meron pero it doesn't work anymore. I turned it off kanina," Hanga rin ako sa galing ni Miku when it comes to hacking.
Hindi ako nagkamaling kunin siya sa grupo namin.
"Okay, good job. Go to clinic, Miku. Para kunwari nilason ka, here, drink this para uminit ang katawan mo," Rinig kong usapan nila Arlo sa kabilang linya.
While me, patuloy 'ko lang mino-monitor ang dalawa na si Aleyah at Rumi. Okay naman sila, wala pang nangyayari, hindi pa nagpapakita ang dapat 'kong makita.
Habang nagbabantay, may kumakatok.Tinabunan 'ko ang mga machines, computer at binuksan nang kaunti ang bintana ng van.
"Hello, Sir? Bawal ho mag-parking dito, pasensya na ho," Ani ng body guard sa pinarking-an ko.
"Sige, boss. Sensya na," Sabi ko at umalis na pwesto kanina.
Nakita 'kong may bakante ro'n sa karinderya banda kaya nagtanong ako sa babaeng nakabantay kung pwede bang mag-park, um-oo naman siya kaya kaagad akong nag-park.
"Sam? Sam, nandito na siya," Dinig kong sabi ni Rumi at Aleyah, talagang sabay pa sila.
"Sino?" Mahina kong tanong at habang nakatingin sa likuran baka kasi may matamaan akong kotse or motor sa likod.
"'Yung mga teachers na nakita ni Jersey noong mga gabing napunta sa basement," Paliwanag ni Aleyah pero sobrang hina.
"Okay, okay. Good, magmasid lang kayo pero 'wag kayong papahalata," Huling habilin ko.
ALEYAH'S POV
"Ah!" Dinig kong sigaw nang isang istudyante sa hallway.
"Hey! May nagkaklase rito, hinaan mo ang boses mo!" Suway nang Prof nila.
"M-Ma'am," Pawis siya animoy hinabol nang isang mamamatay tao.
Napahawak siya sa dalawa niyang tuhod habang hinahabol ang hininga.
"May nagb-bigti po," Halos hirap ang babaeng magsalita.
"Hayaan mo na 'yan, may kukuha rin diyan," Ani nang Prof nila na para bang balewala lang sa kaniya.
"Ho? Hindi niyo ho ba ito isusumbong sa Principal?" Wow, hanga ako sa katapangan ng isang 'to.
"Are you questioning me right now, kid?" Iritang tanong ni Prof.
"No, Ma'am pero mali ho kasing balewalain natin siya," Paninindigan niya.
I want to help her pero ayokong maging masyadong halata.
"Ayoko nang maraming satsat, in my office now!" Halos mabingi kami sa sigaw niya.
Sobrang lakas ng boses niya at masakit pa, nag-echo sa buong class room. Siya 'yung tipong tao na hindi mo gugustuhing marinig na sumigaw.
Tinignan 'ko silang umalis habang nakahawak sa chin 'ko.
Boring naman nun, hindi niya man lang kinaladkad 'yung babae? Eh, ganun naman ginagawa niya sa ibang tao na ayaw niya. Yup!
I know her, I used to know her kaya I'm not surprise if ganun siya pero ako? Hindi niya ako na-recognize.
CASPAR'S POV
"Robert!" Tawag sa 'kin ng isang babaeng may dalang sako, sangsang pa ng amoy, "Pakilagay nito, ro'n banda," Duro niya sa pinakadulong hallway.
Nandito ako ngayon sa pinaka-dulong building, walang classroom dito. Malayo 'to sa building ng mga students, dito kasi ako nakatoka ngayon. 'Buti na lang at nakipag-swap sa 'kin si Mang Kanor.
"Okay po," Sagot ko at binuhat ang sako.
Sobrang tapang ng amoy at talagang sumisipa sa ilong, kulang na nga lang, eh sumuka ako.
"Mag-manman ka at kung kaya pa, try to put a camera banda riyan," Sam's command.
Napunta ako sa dulo nitong hallway, I noticed a code sa pader. I took out my phone and captured it.
After 'kong ilapag ang sako sa harap mismo ng pader na 'to, naglagay ako nang camera sa poste na harap na harap sa pader kung saan may code.
"Umalis ka na, may paparating na tao," Ani ni Sam kaya kaagad akong lumiko kung saan walang tao.
Bumalik kaagad ako sa pwesto 'ko kanina at nagsimulang mag-mop sa sahig.
Natigil ako sa ginagawa 'ko nang makita 'ko ang isang familiar na babae na papunta sa dulo ng hallway, may dala siyang maleta at umaagas na dugo.
So she used her skill sa masamang paraan?
Knew it.
BINABASA MO ANG
Secret Basement
Mystery / ThrillerIsang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba nagpapakamatay sila dahil sa pag-aaral pero dahil nga ba ro'n?