Chapter 14

23 5 0
                                    

TW: THIS CHAPTER CONTAINS SCENES THAT SOME READERS MAY FIND DISTURBING

THIRD PERSON'S POV

Walang awang pinagsususuntok nang mga tauhan ni Rena ang grupo ni Aleyah, lumalaban naman sila pero hindi nila kaya dahil sa sobrang lalaki ng mga katawan at matitigas pa.

Kahit nanghihina lumalaban pa rin sila lalo na sina Dylan at Miku. Habang si Jersey tinabihan ang katawan ni Alliza at Christin nang umiiyak, tila bumabalik na naman ang traumang natamo niya.

"Putangina ka!" Galit na galit na sumigaw si Dylan at pumulot nang isang baril galing sa sahig at ipinutok sa mismong ulo nang tatlong lalaking walang awang pinagsususuntok sina Miku, Rumi, at Aleyah.

Tatlo na lang ang naiwan ngunit nararamdaman na nilang hindi na kinakaya ng mga katawan nila.

The Rivals grab the opportunity at pinagtatadyakan ang mga grupo nila, si Aleyah ang pinuntirya ni Rena.

Wala itong awang pinagsasampal-sampal at pinagsusunsuntok sa sikmura si Aleyah para bang ang laki ng galit nito sa dalaga.

"Mamatay ka na! Sumama ka na sa mama mo sa impyerno!" Galit na galit na sigaw ni Rena sa dalaga at biglang hinawakan ang leeg halos mawalan na ng hininga si Aleyah kahit hirap, ginamit ni Aleyah ang natitira niyang lakas para tuhurin ang pribadong parte sa katawan ni Rena.

Walang oras na inaksaya si Aleyah at pinatay nito si Rena, pagkapatay ni Aleyah 'kay Rena nabaril din kaagad siya dahilan nang pagkatumba niya sa ibabaw ni Rena.

"Aleyah!" Sigaw ni Rumi.

Hirap man ay gumapang pa rin siya sa katawan ni Aleyah at hinila ito paalis sa ibaba ni Rena.

Nabulantang sila nang biglang magsitumbahan ang mga lalaki kanina at bumuluntang sa kanila sina Samuel, Caspar at Arlo na kasama si Della.

"Bakit ngayon lang kayo?" Galit na sigaw ni Rumi habang hawak si Aleyah.

"'W-Wag k-kang s-sumigaw," Hirap na hirap na anas ni Aleyah.

"'Wag ka munang magsalita kasi!" Sabi ni Rumi na halos mangiyak-ngiyak sa itsura ng kaibigan.

"We're sorry, sobrang daming tao kanina habang papunta kami rito at kinakailangan pa naming paalisin ang lahat ng mga istudyante sa loob," Panimula ni Caspar, "Halika na kayo, may ambulance na naghihintay sa inyo sa labas,"

"Ang k-katawan ni J-Jersey," Pipikit-pikit na ani ni Aleyah.

Dinuro niya ang drum kung nasaan ang katawan ni Jersey, kinuha rin nila ang katawan ni Christin at Alliza.

Hindi umalis ang kaluluwa ni Jersey sa tabi ni Aleyah hanggang sa makalabas sila sa Basement.

ALEYAH'S POV

Nasa loob na ako ng ambulance ngunit nandito pa rin ang katawan ni Jersey na nasa tabi 'kong umiiyak.

"Ate," Tawag niya sa 'kin, ramdam ko ang kamay niyang humawak sa 'kin, "Ate, thank you, sa wakas matatahimik na rin po ako," Kaagad na namuo ang luha ko.

Naawa ako sa kaniya, she's too young for this. I wonder what happened to her bakit naging ganito siya?

FLASHBACK

JERSEY'S POV

"Mommy, please, no!" Sigaw ko kay Mommy Rena.

I failed my exam kanina kaya ako nandito sa lab room nila.

Sa sobrang takot 'ko na baka patayin ako nang sarili 'kong ina tumalon ako sa butas na nandito sa loob at pumikit na lamang.

Nang makababa, kaagad akong nagtago sa isang malaking drum at may tinawagan na agent, nanghihingi ako nang tulong sa kanila nang biglang may nagpaputok malapit dito.

Ang sabi ni Ate Elle, 'wag daw ako lumikha ng ingay dahil sa takot 'ko sa mga ingay ng baril hindi 'ko maiwasang maiyak at magulat.

Hanggang sa matagpuan ako nang aking ina.

"Akala mo ba makakatakas ka sa 'kin?" Hinila ni Mommy ang buhok ko at walang awa akong nilunod sa drum na naglalaman ng tubig. "Wala kang kwenta! Bobo! Inutil! Mangmang!" Sigaw niya sa 'kin, parang mas lalo akong hindi makahinga sa pinagsasasabi niya sa 'kin ngayon.

"Mommy! Tama na po! Gagalingan 'ko na po sa susunod!" Pagmamaakawa ko.

"Gagalingan? Naka fifteen ka lang out of thirty sa quiz mo! Nakakahiya ka!" Mommy Rena said.

Inangat niya ako sa tubig at hinawakan nang mariin magkabilang 'kong pisngi.

"Tandaan mo 'to," Duro niya sa dalawa kong mata, "Wala akong anak na bobo!" Huling asik niya bago ako sampalin ng paulit ulit at barilin sa ulo.

END OF FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa room 'ko at kwinento sa 'kin ni Jersey ang nangyari sa kaniya, hindi 'ko maiwasang maawa at maluha sa sinapit niya, wala siyang kwentang ina. Nararapat lamang sa kaniyang patayin siya.

Secret Basement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon