RUMI'S POV
Wala na kaming earpiece ni Aleyah kaya hindi 'ko na alam kung anong nangyayari sa loob pero pang amantala lang naman ito dahil kapag nasa loob na kami ng basement ibabalik din namin.
May kung anong kinakalikot si Aleyah sa cellphone niya kaya tinignan 'ko ito.
She's hacking the cctv sa camera.
"Ano kaya sa tingin mong pinag-uusapan nila?" Bulong ko sa kaniya.
"Papatulugin tayo," Seryoso niyang sagot sa 'kin kaya napatingin ako sa screen ng cellphone niya.
At ayu'n, may nilalagay silang powder sa apat na baso, siguro para sa 'min.
"Pero hindi naman tatalab 'yan sa 'tin," Lakas-loob kong sabi.
"Tatalab, pang-patulog lang naman 'yan," Simpleng sagot ni Aleyah sa 'kin.
Sabagay, ang tinurok at pina-inom lang naman sa 'min nina Samuel kahapon, eh laban sa lason na ituturok nila sa 'min mamaya.
Maya-maya pa ay lumabas si Miku na may dalang tray nang baso, pag-angat namin sa baso naming dalawa ni Aleyah may maliit na camerang nakalagay.
Ah, siguro ikakabit namin 'to sa basement mamaya.
Kinuha namin kaagad 'yun ni Aleyah at nilagay sa bulsa ng panty namin.
Pag-inom namin sa mga baso namin, nandilim kaagad ang paningin 'ko.
THIRD PERSON'S POV
Nang makatulog ang apat ay kaagad lumabas ang apat na tauhan galing sa basement at isa-isang inakay sila Rumi patungo sa loob ng basement.
Kaagad nilang inihiga ang apat sa kaniya-kaniyang mga higaan, tanging si Kian lamang ang nahiwalay sa kanila dahil inilagay siya sa kabilang kwarto kung saan puputulan ka nang dila para hindi ka makakapagsalita.
Hinubaran nila ang tatlo at tanging pang underwear at bra lamang ang itinira nila.
Simula na nilang pag-expirementuhan ang tatlo ngunit gagana nga ba ito?
Sinimulan na nilang turokan ito at kinuhanan ng mga dugo at hibla ng buhok.
"That's what you get kapag bobo ka," Salita ng isang babaeng bulag habang tinitignan ang tatlong pinag-iexperimentuhan sa loob.
Kilala siya bilang Morana Lee, isang spymaster at humahawak sa groupo nila Samuel.
Umalis siya at tumungo 'kay Della na busy sa kaniyang sariling Lab Room.
"Siguraduhin mong tama 'yang ginagawa mo," Warning ni Morana sa dalaga na si Della at tuluyan nang umalis sa basement.
ALEYAH'S POV
Tumayo ako na sobrang sakit ng pwetan 'ko, sobrang dilim at halos wala akong makita, mabuti na lamang ay binalik nila ang damit naming tatlo bago kami hinulog. Kaagad 'kong kinapa ang sobrang liit na flashlight at tinutok 'ko sa dingding ang flash light para tignan kung may camera ba or trap sa paligid pero noong wala naman, sinimulan 'ko nang hanapin ang tatlo.
Una 'kong nakita si Dylan na nasa likuran 'ko, niyugyug 'ko ito nang mahina na ikinagising niya naman.
"Saan tayo?" Ininom niya talaga nang totoo 'yung tubig?
"Nasa pinakababa tayo, mamaya 'ko na ik-kwento. Hanapin natin 'yung dalawa," Binigay sa kaniya ang cellphone ko para gawing flashlight.
Ikinabit 'ko kaagad pabalik ang earpiece 'ko.
"Hello, Sam?" Nakahinga ako nang mabuti nang marinig niya ako.
Hula 'ko kasi nasa pinaka-ilalim kami.
Naaninag 'ko si Rumi na nakahiga rin.
'Wag mong sabihing ininom niya rin?
Niyugyug 'ko siya at nagising din naman kaagad.
"Wala si Kian, hindi 'ko makita," Ani ni Dylan.
Sinabihan 'ko siyang maglakad na lamang at dahil baka kung saan 'yun napadpad, natigil kaming pareho nang may maapakan kaming sobrang lambot.
Halos mapaatras kami nang ang daming katawan na nakakalat, wala silang dugo, hindi sila maputla. Kinapa namin isa-isa at mga buhay pa sila.
"Ate Elle? Kayo ba 'yan?" May narinig kaming boses ng bata at hinahanap ko kaagad ito.
"Diyan lang kayo, hanapin 'ko lang 'yung boses," Sabi ko sabay hiwalay sa kanila.
"Jersey?" Mahina kong tawag sa kaniya.
"Ate Elle? Ikaw ba 'yan?" Sagot niya ulit.
Um-oo ako.
Buhay pa siya? Ilang buwan nang nakalipas simula nung nagreklamo siya, nagtanong-tanong din ako sa mga tao rito kung may kilala ba silang Jersey pero iisa lang ang sinasagot nila, ilang buwan na raw siyang nawawala.
"Nasaan ka?" Tanong ko na naman.
Dahan-dahan lang akong maglakad dahil sobrang dilim at hindi halos maaninag ng ilaw 'ko ang paligid.
"Nasa likod niyo po," Halos manigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.
Unti-unti akong tumalikod at hinarap siya, duguan ang ulo niya at may bala pang nakatanim, naliligo na siya sa sarili niyang dugo.
Buhay pa ba 'to or kaluluwa niya na lang?
"Patay na po ako pero ayaw pa rin po umalis ng kaluuwa 'ko rito," Kwento niya noong time pala na tumawag siya sa 'min pinatay rin pala siya.
Hindi kami natuloy noon dahil bawat pader na aakyatan namin may kuryente at may mga sundalong nakabantay sa loob kaya wala kaming nagawa noon, 'kundi ang mag-pretend bilang isang istudyante.
"Gusto 'ko pa kayong tulungan makatakas at itakas ang iba pang buhay," Nakangiti niyang ani.
Masiyahin siyang bata.
BINABASA MO ANG
Secret Basement
Mystery / ThrillerIsang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba nagpapakamatay sila dahil sa pag-aaral pero dahil nga ba ro'n?