Chapter 3

27 8 0
                                    

RUMI'S POV

"Pst! Yuta?" Tawag na naman sa 'kin ng isang lalaki.

Kanina pa ako naiinis dito, ah?

"What now?" Irita kong sagot

"Sungit! Hanap ka ni Alliza," Ulol, ako pa uutoin nito, eh nasa labas kami.

Bwisit, ba't ba nandito 'yan? Kainis! Wala ba 'tong pasok or wala ba siyang schedule ngayon?

Paano 'ko naman lilibutin 'tong buong univ at magmasid kung may panay buntot sa 'kin?

"Pwede ba? Mamaya mo na ako kulitin," Iritang-irita kong taboy.

"Nasaan ka ba kasi pupunta? Sama ako," Para siyang bata na hindi mahiwalay sa nanay.

"Mambababae ako," Seryoso kong sabi.

"Edi sama,"

Tumalikod ako,

"Pwede bang manuntok?" Tanong ko kay Samuel.

"Pwede naman para mas mabilis kang makapasok sa basement," Sarcastic niyang sagot.

Nagpatuloy lang akong naglakad at hinayaan siyang sumunod sa 'kin, mapapagod din naman ang isang 'yun. Balak 'kong dumaan sa room nila Aleyah para tignan kung anong kalagayaan niya.

"Try to check Miku sa clinic mamaya, sabihin mo pinsan mo siya," Mahina kong bulong sa spy earpiece ni Aleyah nang makadaan ako sa room nila.

I don't know pero masama ang pakiramdam 'ko about kay Miku, parang may gagawin sa kaniyang masama 'yung mga nurse. Hindi makakapag-katiwalaan ang mga tao rito, ultimo mga istudyante.

Naglibot-libot pa ako, hanggang mapunta ako sa pinaka-dulong building, hindi rin basta-basta makakapasok dito dahil may guard na nakabantay at need ng card para makapasok. I saw Caspar sa second floor.

"Ganap na ganap, ah?" Biro ko sa kaniya, "May is-send ako, subukan mong i-solve," Sabi ko.

'1415114423'

Anak nang pucha, ito na 'yun? Dali naman nilang gumawa ng code, pati siguro bata, eh mahuhulaan nito, eh. Tap Code lang naman 'to.

Wala pang minuto na-solved 'ko na kaagad.

TO : SAMUEL

Pass code, D.E.A.T.H

Tinext 'ko kaagad 'kay Samuel ang passcode na sobrang dali.

"Tsk, hindi man lang hinirapan," Bulong ko sa sarili ko at nakapamulsang naglakad papuntang library.

Dahil alam 'ko mas maraming code ro'n, pansin 'kong hindi na nakasunod sa 'kin 'yung lalake kanina. Sus, takot pala 'yun.

ALEYAH'S POV

Pinalabas na kami ni Arlo, si Arlo ang Prof namin today. Sinenyasan 'ko siyang pupuntahan si Miku.

Gaya ni Rumi, masama rin ang pakiramdam 'ko 'kay Miku. Tangina, baka pinutulan na 'yun nang mga paa kawawa naman 'yun or 'di kaya putulan nang daliri. Paano na 'yun makakapag-hack?

"Hi, Mariya!" Bati sa 'kin nang babae.

Sa pagkakakilala 'ko, si Christin 'to at ang nasa likuran niya ay Rose.

"Hello? Anong maitutulong 'ko?" Pananalita ko nang mabilis.

"Wala naman, itatanong sana namin ku. . ." Hindi ko sila pinatapos dahil sobrang-sobra akong nagmamadali.

"Yes pero mamaya na lang sana, okay lang ba? May kailangan kasi akong puntahan," Ani ko sabay takbo.

Jusko, hindi ako mapakali.

Nang makarating ako sa clinic, kaagad akong kumatok. Tinaasan ako ng kilay nang bakla na nurse.

Kung hindi lang ako nagpapanggap, baka na-jumbag 'ko na 'to.

"Sino sila?" Pangbungad niya sa 'kin.

Napansin 'kong naka-open ang zipper at hindi naka-butones ang short niya kaya kinunutan 'ko siya nang noo.

"Pinsan 'ko," Mataray kong tugon.

Luminga ako sa direksyon ni Miku na mahimbing ang tulog, mukhang okay naman siya; wala siyang dumi, hindi gusot ang pantalon niya pati ang damit niya.

"Pinagnanasaan mo ba pinsan 'ko?" Pagtataray ko.

Aba, hindi lang siya ang may karapatang magtaray, ano!

"What are you talking about?" Aba, aba. Mas tumataray ang kaniya.

Kahit hirap na hirap akong itaas ang isa 'kong kilay, pinapamukha 'ko pa rin sa kaniya na mas maldita ako.

"Kahit tulog or gising pa 'yang pinsan 'ko, never kang papatulan! Tse!" Hawi ko sa bawi ko at kekembot-kembot na pumunta kay Miku para gisingin.

Bwisit siya, pagnanasaan niya pa si Miku.

Dumating si Arlo na nanghihingi nang gamot at inaya niyang lumabas sa clinic 'yung nurse para raw mag-usap at ako naman, s'yempre kaagad akong nagkabit ng tig-iisang camera bawat higaan dito sa room, naglagay rin ako ng sobrang liit na cam sa desk name niya.

"All good," Bulong ko sa spy earpiece ko.

Ginising 'ko si Miku, wala pa yatang balak bumangon.

"Bumangon ka na," Bulong ko sa tenga niya at kiniliti gamit ang buhok ko.

Nagising naman siya, nauna kaming umalis bago sila pumasok sa clinic.

ARLO'S POV

"Nakita 'ko siya," Rinig ko sa kabilang linya na ani ni Caspar.

Naglalakad na ako pabalik sa teachers office.

"Sino?" Tugon ko.

"Della," Maikli niyang sagot.

I heard a loud bang sa linya niya kaya natanggal 'ko ang spy earpiece 'ko.

Secret Basement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon