CASPAR'S POV
Naka abang ako sa paglabas ni Miku dito sa basement para siguraduhing buhay pa siya.
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Miku kasama si Morana. Bulag si Morana pero alam 'kong malakas ang pakiramdam niyan kaya sinenyasan 'ko si Miku nang palihim na maghihintay ako sa loob ng kotse.
Umalis ako sa puwesto 'ko at lumipat sa canteen nitong unibersidad at 'tsaka tinawagan si Samuel dahil hindi 'ko siya marinig sa spy earpiece.
"Kumusta? Anong balita?" Pakikibalita ko sa ginawang pagsunod ni Arlo.
"May nakita raw siyang bangkay na nililibing," Ani Samuel.
"Ano?" Mahina kong sigaw, "Nakita 'niya' ba 'yung katawan? 'Yung mukha?" Taranta kong tanong.
"Hindi, 'wag sana," Tugon niya.
Pinatay 'ko na ang cellphone 'ko at tinignan ang sinend sa 'kin ni Samuel.
Link 'yun ng lugar kung saan nila nilibing 'yung katawan 'niya,'
THIRD PERSON'S POV
Makalipas ang ilang araw natapos nila ang exam, ang buong istudyante ay hindi halos mapakali sa takot at nerbyos na baka bumagsak sila at maging failure sa mata ng mga magulang nila.
"Kinakabahan ako, Mariya. Ikaw ba?" Tanong ng kaibigan ni Aleyah na si Rose.
"Ako?" Turo ni Aleyah sakaniyang sarili at umiling, "Hindi, ikaw ba?"
"Kinakabahan, kanina pa," Sagot naman ng kaniyang kaibigan.
Lumapit si Aleyah sa dalaga at tinapik tapik sa balikat.
"Okay lang 'yan, ano ka ba? At least, you did your best, 'diba?"
Tila lahat ng mga istudyante ay nagkakagulo at naguunahan maka punta sa unahan ng gymnasium kaya ang dalawang magkaibigan ay hindi maiwasang ma-curious kaya pumunta rin ito.
Si Rose ay hindi mapakali dahil iniisip nito na baka ang kaniyang kaibigan ni Christin ang makita niya.
Habang sa kabilang banda, Si Rumi halos itulak niya lahat ang mga istudyanteng nagtitipon-tipon dahil sa takot na katawan ni Alliza ang bumulaga sa kaniya.
Nang makalapit ang tatlong dalaga sa katawan na nakabitin sa basketball ring, kaagad silang nakaginhawa nang maluwag nang hindi si Alliza or si Christin ang nand'on.
"Kawawa naman,"
"Hala, anong nangyari?"
"Hoy, nakakadiri!"
"Ayoko na!"
"Grabe naman 'yung gumawa nito!"
Usap-usapan nang mga istudyanteng kanina pa nakatipon.
"Surprise! Nagustuhan niyo ba ang aking munting surpresa sa inyo?" Nabulantang ang lahat nang may nagsalita mula sa speaker na nakakabit sa itaas.
"What's happening?" Tanong ng kasamahan ni Aleyah mula sa spy earpiece.
"I don't know, may babaeng nagsasalita sa speaker at may babaeng nakabitin sa basketball ring," Mahinang bulong ni Aleyah at kaniyang itinaas ang kaniyang kwintas sa katawan ng babae.
"Ops, don't be scared yet dahil umpisa pa lang 'yan," Samo't-sari ang mga reaction ng mga istudyante na nasa gymnasium ngayon.
May iba nagagalit at ang iba naman ay umiiyak.
"Naguumpisa pa lang tayo sa exciting part!" Tila isang demonyo ang nagsasalita mula sa speaker kaya mas lalong nagsi-iyakan ang bata.
Napansin ni Aleyah na halos takot na takot na ang dalaga na si Rose, kaya niyakap niya ito at tinakpan ang magkabilang tenga.
BINABASA MO ANG
Secret Basement
Mystery / ThrillerIsang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba nagpapakamatay sila dahil sa pag-aaral pero dahil nga ba ro'n?