Chapter 9

16 6 0
                                    

ARLO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARLO'S POV

Tahimik lang akong nakamasid sa hindi kalayuan habang tinitignan silang may binubungkal sa ibaba.

Gotchu!

Kanino kayang bangkay 'yun?

Kinuhanan 'ko lang sila ng picture at umalis na pero s'yempre, gusto 'kong magkaroon ng thrill 'to kahit papaano, bumaba ako sa sasakyan at sinitsit ang isa nilang kasama, namutla ito tila nakakita ng isang multo.

"Naliligaw kasi ako, par. Saan ba palabas nito?" I asked.

Halos mautal-utal siya pero naituro niya rin naman kaagad kung nasaan.

'Yung totoo, eh talagang naliligaw ako, hindi ako pamilyar sa daanan. Mukhang bundok kasi ang napasukan 'ko, tinapik 'ko ang balikat niya bilang pasasalamat at umalis na.

"May bangkay silang nililibing," Ani ko kay Samuel.

MIKU'S POV

Nandito pa rin ako sa lamesa 'ko, hin-hacked 'ko ang bawat computers na nandirito at hinahalungkat ang dapat halungkatin.

Ang daming documents at files bawat computers, nauubusan ako nang oras, maikli lang ang oras 'ko dahil mamaya dadating na ang ibang mga teachers.

Nang sa wakas nahanap 'ko na ang dapat 'kong mahanap, kaagad 'kong finorward 'kay Samuel ang files. Files na naglalaman nang mga experiments.

Mabuti na lang at naligpit 'ko na ang mga kalat 'ko bago pa dumating ang isang babaeng naka-shade at may kasamang lalaki sa likuran, may hawak na mahabang stick ang babae.

"You," Duro niya sa 'kin kaya kinunutan ko ito nang kilay, "Follow me," Dagdag nito at lumabas.

Sumunod kaagad ako at inayos ang maliit 'kong camera na nakakabit sa i.d lace 'ko.

Pasimple akong sumulyap sa camera na nakakabit sa mismong pintuan ng basement.

"Magiingat ka," Paalala ni Samuel.

Nang makapasok kami, mukha siyang ordinaryong opisina. May pintuang naka-hilera sa bawat pader, bawat pader may mga label.

Nagkunwarian akong luminga-linga para makita ni Samuel ang itsura.

Sumunod lang ako sa kaniya na parang buntot hanggang sa may code na naman at kinapa-kapa niya ito at 'tsaka may tinype sa passcode at bumukas. May bumungad sa 'min na tao at pinasuot kami protection para sa sarili.

'Para saan 'to?' Tanong ko sa sarili ko.

Naglakad pa rin kami hanggang sa nakarating kami sa isang silid na masangsang at mapanghi ang amoy, tumatagos sa mask ang amoy at gusto 'kong masuka ngayon, itong silid na 'to puno ng machines at injections, halos ang sahig ay madulas dahil sa tubig at dugo na naghahalo.

May nakita akong dalawang babeng istudyante na nakahiga at walang mga malay.

'Christin Fellen, Alliza Soriano,' Basa ko sa mga names ng students.

Gagawin ba nila sa kanila ang mga 'yun?

Nasagot kaagad ang tanong 'ko nang biglang may tinusok sila na ikinagising nang dalawa, tila ba wala sila sa kanilang sarili.

"Kunin mo 'to," Utos sa 'kin ng isang ginang at ibinigay ang kanilang dugo, "Ibigay mo 'kay Della," Nagulat ako sa pangalan na binanggit niya.

Nagtungo ako sa opisina ni Della, nabulantang ako sa silid niyang may pack ng mga dugo at hibla ng mga buhok.

Bumalik ako sa silid kung saan pinage-experimentuhan nila ang dalawang babae, may pinainom sila na ikinalisik ng mga kanilang mata at kinuhanan ng hibla ng buhok.

Nakita 'ko kung paano sila manggigil at kulang na lang kainin ang kanilang sarili. Hinulog silang dalawa sa isang butas na parang paslide.

"Ah! Ah!" Malalim nilang sigaw nang sila ay mahulog animoy nagaaway at naguunahan bumaba.

Lumipat kami sa isang silid na may isang babaeng naka-kadena ang mga paa at wala ng dila.

"Ah! Ah! Ah! Kha!" Wala akong maintindihan dahil nga sa wala na siyang dila.

Kita 'ko kung paano niya baliin ang katawan at ang ulo niya, tila ba gusto niyang makawala at kainin nang buhay ang babaeng kasama 'ko.

Tumingin ito sa 'kin nang masama.

"Ah, Ah! Kha! Ah!" Anas niya at dinuruan kami.

Who are you?

"Ah! Ah!" Malakas na sigaw niya at dinuruan kami nang sunod-sunod.

Ang stick na hawak ng babae ay biglang tumulis at itinusok sa babaeng walang dila na ngayon ay nakahandusay na sa sahig, may lumabas din mga bula galing sa bibig niya.

"Patayin niyo na ang isang 'yan," Utos ng babae animo'y walang konsensya.

Secret Basement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon