Chapter 13

18 5 0
                                    

ALEYAH'S POV

"Hoy, jusko, Mariya," Napa-sign of the cross si Dylan nang makita niya si Jersey.

"Siraulo," Batok sa kaniya ni Rumi.

Naglakad ulit kami at ngayon medyo maliwanag na dahil nagtipon-tipon lahat ng liwanag na galing sa mga ilaw namin.

"Si Alliza!" Sigaw ni Rumi at tumakbo kaagad sa katawan ni Alliza.

Wala itong kahit isang saplot kaya pinatalikod si Dylan.

Huhubarin na sana ni Rumi ang damit niya pero naunahan siya ni Dylan, malaking tao si Dylan kaya magmumukhang dress ang damit niya 'kay Alliza.

"Babae ka, baka mapasukan ka nang lamig," Ani ni Dylan at ibinigay ang damit kay Rumi.

"Salamat,"

Nagulat kaming lahat nang biglang tinulak siya ni Alliza.

"Bitawan mo 'ko!" Nanlililisik na sigaw ni Alliza.

"Aw, so sweet naman, talagang hinahanap niyo pa sila," Biglang sulpot ng isang babaeng naka-stick.

'Morana Lee,' Ani ko sa isip.

Kilala 'ko ang stick niya.

"Morana?" Tawag ko sa kaniya.

"Oh? Hi, Aleyah my dear," Ani Morana.

Biglang may mga lalaking nag si-sulputan sa likod niya at kasama si Miku.

"Anong ibig sabihin nito?" Rinig kong bulong ni Rumi.

"'Wag kayong mag-alala, hindi kalaban si Miku, he's here to save you. Sila Morana ang tinatraydor niya at pina-ikot niya," Ani ni Samuel sa earpiece namin.

Sabay kaming nakahinga nang maluwag ni Rumi.

ARLO'S POV

Nandito kami ngayong tatlo sa Teacher's Building habang si Samuel at Miku ay magkasamang pumunta sa basement, nagpanggap si Samuel bilang isa sa mga tauhan ni Morana habang si Miku naman ay nagpapanggap pa rin bilang ako.

"Arlo, go inside," Mahinang bulong sa 'kin ni Caspar.

Dahan-dahan akong pumasok at inihagis ang sleep bomb, hindi namin sila pwedeng patayin.

Lumabas kaagad ako at ni-locked sila sa loob, narinig 'ko ang mga kaniya-kaniya nilang sigaw.

We wear a mask at inihanda na ang mga pangturok na pangbalik sa kanila sa katinuan.

SAMUEL'S POV

Pagpasok 'ko nang basement, nakakita ako nang bukas na silid, sinilip 'ko 'to at nakatalikod ang tao kaya kaagad akong pumasok nang nakadapa at dahan-dahang tumayo sa likuran niya at itinusok ang infection sa bandang balikat niya.

Ganun ang ginawa 'ko sa mga tao sa lab room, medyo nahirapan pa ako dahil ang dami nila.

"Sa likod mo!" Sigaw ni Della.

Bumalik na sa katinuan si Della dahil siya pala ang taong nakatalikod kanina.

Mabilis akong kumilos at sinipa ang kamay niya dahilan nang pagkahulog sa baril niya, hinawakan 'ko ang isa niyang kamay, pinahiga at do'n 'ko tinurakan ang balikat niya.

Nakasunod sa 'kin si Della habang may hawak din na injection. Siya pa rin naman 'yung Della'ng kilala namin, napa-ikot lang siya ni Morana at ginawang demonyo.

Napasok kami sa silid kung nasaan ang machines na kumokontrol sa mga taong pinagiex-perimentuhan nila, itong silid na 'to ay nag lalaman ng mga switches. Pinutol at pinagsisira naming lahat 'yun ngunit isa lang ang tinira namin, switch ng ilaw.

"Anong ibig sabihin nito?" Rinig kong ani ni Rumi sa earpiece niya.

Nandun na ba sila?

"'Wag kayong mag-alala, hindi kalaban si Miku, he's here to save you. Sila Morana ang tinatraydor niya at pina-ikot niya," Kaagad kong tugon.

Lumipat kami ni Della nang puwesto, sinundan 'ko lang siya dahil may gusto raw siyang iligtas na lalaki bago pa raw mahuli ang lahat.

ALEYAH'S POV

"Ah!" Sigaw ni Dylan.

Inaatake kami ng mga tauhan ni Morana.

Mabilis akong umilag sa pagkakasipa ng isang lalaki at mabilis na inagaw ang baril sa kaniya at inihagis 'kay Miku upang mabirilin si Morana.

Mismong tatay ni Morana ang nag utos sa 'min na patayin ang mismo niyang anak at isusunod namin ang kaniyang ina.

"Nagkita ulit tayo," Naanig ko ang mukha ng nasa harapan ko.

Si Xian, kapatid ni Miku.

Tinutukan niya ako nang baril sa ulo pero dahil tanga siya, naagaw 'ko, nakaluhod siya sa 'kin habang hawak 'ko ang mga kamay niya.

"Ito, para sa ate 'ko," Binaril ko siya kung saan niya mismo binaril ang ate ko noon, "Ito 'kay Miku, sa pangt-traydor mo sa kapatid mo," Sa ulo ko mismo tinutuk ang baril at ipinutok.

Nang maubos na ang tauhan ni Morana, biglang nagbukas ang ilaw at may bumukas na pintuan sa gilid. May lumabas na anim na lalaki lahat sila may mga armas na dala at huling lumabas ang ina ni Morana, kilala bilang Ms. R.

"Shit," Bulong ni Miku sa tabi ko.

Nagpabilog kaming lahat, Ako, si Rumi, Dylan at Miku.

"Back up," Rinig kong bulong ni Miku sa earpiece niya.

"Masyado silang marami, anong gagawin natin?" Ani Dylan.

"Take this," Ani ni Miguel at may kung anong binigay kay Dylan.

"Oh? Don't worry, isa-isahin 'ko naman kayo," Inosente ngunit demonyitang anas ni Rena o kilala bilang Ms. R, "Uunahin 'ko itong paborito 'kong si Aleyah,"

Lumapit siya sa 'kin kasabay ng mga tauhan niya, hinawakan niya ang baba 'ko pero kaagad 'ko ring hinawi.

Secret Basement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon