ANG SIMULA
CASPAR'S POV
Nasa safe house kaming lahat, narinig kasi naming bukas na ie-experimentuhan ang mga students na bagsak kaya nandito kaming lahat sa safe house, except 'kay Miku na naiwan sa unibersidad.
"I made this, here," Abot ko sa kanilang dalawa ng singsing na may patulis.
Binigyan 'ko rin sila ng kwintas na pwedeng ipanghambalos at ipangsaksak, marami akong ginawa para sa mga ganitong bagay. Mas mabuti ng laging handa, kesa sa wala.
Ngayon, nandito kami sa isang silid para i-injection sa kanilang dalawa ang likido na laban sa lason na pwede nilang matamo kapag nasa loob na sila ng basement, ginawa 'to ni Edrake, our scientist. Pinasadya talaga ni Samuel at Arlo 'to para sa dalawa para hindi sila madala ng lason. Marami kaming ginawang gamot para sa mga taong buhay pa sa loob ng basement na 'yun at lalong-lalo na 'kay Della.
Maya-maya rin ay dumating si Miku na basa dahil siguro sa ulan.
"Open niyo 'yan, nandiyan lahat ng mga evidence, cctv footage. Kung paano nila patayin ang mga istudyante," Bato sa 'min ni Miku sa laptop niya at kumaripas ng takbo paakyat.
Ang dalawa na si Rumi at Aleyah ay tumungo sa training room kasama si Arlo para ihanda sila para bukas.
Habang kami ni Samuel, tinitignan namin ang files at documents na nakuha ni Miku.
"After mo riyan, i-zoom mo ang names na makikita mo riyan and collect it. Do background check each of them and send it to me, I'll print it para maasikaso 'ko na ang mga folders," Ani Samuel.
"Copy, bossing!" Nakangisi kong sabi kay Samuel.
THIRD PERSON'S POV
Halos kaunti na lang ang mga istudyante ngayon simula nung mangyari ang iksidente na 'yun kahapon.
"Inaanyayahan 'ko kayong pumunta lahat sa auditorium!" Sigaw ng isang ginang sa speaker.
Tila na-trauma na ang mga istudyante rito kaya nagtutulakan itong pumasok sa auditorium.
Nang makapasok na ang iba, nagsimula nang magsalita ang ginang na kanina ay nasa speaker.
"Mariya Santos,"
"Yuta Michiko,"
Tawag ng ginang sa mga pekeng pangalan nina Aleyah at Rumi.
"Dylan Remolador,"
"Kian Buente,"
"These are the students who will go to the teacher's building!" Bakas sa tono ng speaker ang pagkatuwa.
Ang mga istudyante ay isa-isa nang nagsisi-alisan at ang apat na lamang ang natira.
"Mag-iingat ka!" Paalala ni Rose sa kaniyang kaibigan na si Aleyah bago ito lumabas nang tuluyan sa auditorium.
"You have extra pills, right?" Ani ni Samuel sa earpiece ng dalawa at kaagad naman sumagot ang dalawa, "Give it to them,"
Binigay nang dalawa ang pills na nasa bulsa nila. Talagang pinasadya 'yun nila Rumi dahil alam nilang bukod sa kanilang dalawa may masasamang istudyante.
Nag-alinlangan pa ang dalawang binata ngunit ininom din naman kaagad nila.
"Sa tingin mo, 'tol? Anong gagawin natin do'n?" Tanong ni Kian sa kasamahan na halatang kinakabahan.
"Baka suspension?" Tugon naman ni Dylan na nag-iisip.
Habang ang dalawa naman ay tahimik lang na naglalakad at hinahanda na ang sarili.
"Hide your earpiece bago kayo makatapak sa teachers building," Samuel's command.
BINABASA MO ANG
Secret Basement
Mystery / ThrillerIsang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba nagpapakamatay sila dahil sa pag-aaral pero dahil nga ba ro'n?