Chapter 8

25 6 0
                                    

RUMI'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RUMI'S POV

Nandito ako sa kwarto naming dalawa ni Aleyah, tinapik-tapik niya ako dahil kanina pa ako naluluha.

"Maliligtas natin siya, mabubuhay siya," She's trying too hard para mapagaan ang pakiramdam ko pero hindi gumagana.

I know mukhang oa but it's my first time magkagusto and I want to pursue her so bad, ayoko siyang mawala sa 'kin.

"Paano? Paano kung pagpasok natin wala na siya? Huli na ang lahat," Tugon ko.

Tinampal niya ako nang mahina sa balikat.

"Don't be negative nga! Paano mo naman maliligtas si Alliza kung puro ka riyan iyak? Sige nga? Paano mo siya maliligtas kung mahina ka?" Inis niyang ani, "Kung maghihina-hina ka, paano mo siya maiuuwi nang buhay at humihinga?" Yugyug niya sa 'kin animoy ginigising ako sa kahinaan.

"Hindi 'ko sinabing bawal kang maging mahina, my point is maging malakas ka kung gusto mo pang mabuhay 'yung taong gusto mo," Huling sabi niya at bago ako nilayasan to give me a time to think.

She has point, bawal akong magmukmok, magalit, umiyak dahil hindi siya maliligtas kung pati ako manghihina.

Can't wait na dumating ang examination.

MIKU'S POV

Ilang linggo nang nakalipas at mas nalalapit na ang exam para sa mga students kaya kapansin-pansing lahat ng istudyante ay busy.

Gaya nang pinagkasunduan, I wear a mask na kamukha ni Arlo at paano ako naalis sa unibersidad na 'to? Simple, pinalabas 'kong pinatay ako.

Unang araw 'ko bilang Professor, one of my dream job.

"Mr. Abraham, good morning!" Bati sa 'kin ni manong guard at yumuko ako bilang respeto.

Pati kaya mga janitor at guard dito, 'ginaganun' din? Pero parang hindi naman, mukha naman silang normal.

"Morning, Prof," Bati sa 'kin ng mga students.

It feels great to be a Professor pero hindi sa ganitong klaseng university.

"Uy, Prof. Abraham!" Lapit sa 'kin ni Aleyah na gusto pang makipag-apir.

Tarantado talaga 'to.

"Hoy, Mariya!" Tawag sa kaniya nang isang babae, may kaibigan na kaagad siya? Bago 'yun, ah? "Siraulo ka talaga, Prof natin 'yan!" Sita sa kaniya nang babae.

"Pasensya na po kayo," Panghihingi niya nang tawad at yumuko na napansin niya sigurong hindi nakayuko si Aleyah kaya hinawakan niya ito sa ulo at pinayuko rin, gusto kong matawa sa kinalalagyan niya.

Sinenyasan 'ko silang umalis na bago pa ako matawa nang tuluyan.

"'Wag mo nang ulitin 'yun, ah?" Maangas na sigaw ng babae na kasama ni Aleyah kanina.

Bantot pala ng pekeng name ni Aleyah pakinggan.

Dumiretso ako sa lamesa ni Arlo, napansin 'kong nakaandar ang cctv malapit sa lamesa 'ko kaya may kinalikot ako sa cellphone 'ko at pinatay ito, tumingala ulit ako sa cctv, nakapatay na ito.

SAMUEL'S POV

"He's doing great," Bulong sa 'kin ni Arlo na katabi ko habang minamanman si Miku sa camera.

Sinenyasan lang kami kung mag-usap ni Arlo sa loob ng sasakyan dahil kausap 'ko ngayon si Ms. R, binibigay 'ko kasi sa kaniya ang information, fake information at mukha naman siyang naniniwala. Uto-uto.

Pinatay 'ko na ang tawag at ngumiti 'kay Arlo.

"Success," Bakangiti kong ani sa kaniya.

"Napaniwala natin siya," Ani ko at napuno nang tawanan ang sasakyan.

Pagkatapos nang tawanan namin bumaba nang sasakyan si Arlo upang sundan ang kotse ng pinaghihinalaan namin.

"Anong nangyayari riyan?" Pakikibalita ko kay Caspar sa spy earpiece.

"Wala pa akong balita, nandito pa ako sa cleaning room dahil inutusan akong maglinis sa hallway," Tugon niya at pinagmamasdan ko lang isa-isa ang mga footage.

Zinoom 'ko ang isang footage kung saan kitang-kita ang pintuan ng basement nila, may isang babaeng naka-porma at may hawak na stick ang pumasok do'n kasunod nito ang dalawang lalake, si Miku ang isa.

'Morana Lee,'

Paano? Paano nangyari 'yun?

Secret Basement Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon