Chapter Forty-One

67.8K 1.6K 149
                                    

Chapter Forty-One



            "Baby princess, lumabas ka na sa room mo nandito na ang mga bisita." Tinapos niya ang pagtitipa ng mga messages sa kanyang laptop ng marinig ang boses ng mommy niya.

            "I'm almost done mom, bababa na rin ako." Aniya, kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya dahil kailangan pa niyang ayusin ang kanyang sarili. She's still wearing her bathrobe, her hair isn't done yet and she doesn't even have her make-up. Masyado siyang naging absorb sa pagtatrabaho na nakalimutan na niya ang sarili niyang engagement party sa taong hindi pa niya nakikilala. Pinilit niyang alisin si Jair sa isip niya dahil kapag mas lalo niyang naiisip ang lalaking iyon ay mas lalo siyang nakakaramdam ng sakit. But she'll rather be engaged to someone than him.

            Hindi pwede.

            Lalo na at may natanggap na naman siyang letter ngayon. Tiningnan niya ang isang papel na ibinigay sa kanya ng kanyang sekretarya kanina ng makita niya ang itim na envelope ay kinutuban na agad siya. Dahil iyon na iyon ang sulat na natanggap niya five years ago... the same fear creep into her when she stare at the letter.

            Binuksan niya ang drawer na nasa ilalim ng kanyang bed, may secret compartment ang higaan niya. Doon niya nilalagay ang mga importanteng bagay na ayaw niyang makita ng kanyang mga magulang o nino man. Kinuha niya ang isang envelope na katulad ng natanggap niya.

            She opened the old one and read the letter.

            Xyler Faith Sebastian,

            Kapag pinilit mong magkasama kayo ni Jair I won't hesitate to kill him. Kung hindi siya magiging akin walang pwedeng magmay-ari sa kanya. Nabalitaan kong aalis ka, good... kung aalis ka hindi ko siya guguluhin pero kapag nanatili ka I swear to God I'll kill him.

            No one should know about our deal, dahil hindi ako mangingiming pati mga magulang mo ay idadamay ko.

 

            Hindi niya alam kung sino ang sender ng sulat na iyon pero may palagay na siya kung sino. Si Gabrielle, wala lang siyang ebidensya na ito talaga dahil ang sabi naman ni Jair ay umalis na ito. Hindi nila alam kung saan ito nagpunta at para bang naglahong parang bula. Ginamit lang niya na rason ang paghahanap sa sarili para makaalis, sinaktan niya ang mga taong mahal niya para lang sa kaligtasan ng mga ito. She can't bear to see her family and especially him, hurting because of her bad decision.

            Mas lalo niyang napatunayan na hindi nga niya kayang masaktan ang mga mahal niya ng mawala si March. Kaibigan pa lang niya ang nawala pero parang napipiraso na ang puso niya sa sakit paano nalang ang mga magulang niya, si Xancho at si Jair. Mas gugustuhin niyang makita si Jair na may mahal ng iba keysa siya pa rin ang mahal nito pero nanganganib naman ang buhay nito.

            Wala siyang pwedeng pagsabihan maliban kay Hexel, she asked Hexel for help, kaya nga sabi niya malaki ang utang na loob niya dito. Dahil ito ang nagsisigurado sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

            She opened the second letter and managed to read every words written on it.

            Xyler Faith Sebastian,

            Akala mo ba hindi ko alam? Bakit kailangan mo pang bumalik? Hindi kita patatahimikin kapag nakipaglapit ka pa kay Jair. He is mine and mine only, I won't forgive you kapag ipinilit mo pa ang sarili mo sa kanya. Nasa paligid lang ako, you may not know it but I am observing your every move.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon