Chapter Five
BAGO sila pumasok sa room ay hinarap muna niya si March na natuod na naman, wala ng kulay ang mukha nito at rinig na rinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. Wala pa man ay pinagpapawisan na ang kanyang dance partner and she hates it when he is like this.
“March.” Untag niya dito. Napatingin lang ito sa kanya. Malakas niya itong niyugyog para magising ito. “March I want that one point zero for grade. Please, umayos ka.”
“P-pero si Jair iyon paano kung magalit siya sa akin?”
“He won’t pero ako kapag hindi ko nakuha ang grade na iyon kapag pumalpak ka I swear hinding-hindi kita mapapatawad, hindi ka na makakalapit pang muli sa crush mo.” Nanlaki naman ang mga mata nito.
“I-I don’t have one!” pasigaw nitong sabi.
“Huwag mo akong gawing tanga Jose Marcelo kapag ako nagalit sa iyo hinding-hindi mo na siya makikita pa.” banta niya dito saka ito napalunok.
“Naman eh pakiramdam ko ako si Leonardo de caprio nasa pagitan ako ng nag-uumpugang mga bato. Bakit ba kasi kailangan mo pang kalabanin si Jair hinalikan ka nga niya-.”
“He didn’t kissed me!” pasigaw na pagtatanggol niya sa sarili.
“Nakita ko iyon.”
“At kapag nagalit ako sa iyo hahalikan kita sa harap ng lalaking iyon at sa harap ng crush mo sa tingin mo sino ang mas dehado sa ating dalawa? Ako walang mawawala sa akin kapag hinalikan kita pero ikaw maraming mawawala sa iyo pati na si crush mo.”
Sinabunutan nito ang sarili nito. “O sige na, gagalingan ko na.”
Tumango-tango siya. “Good, good, tandaan mo kapag nagkamali ka patay ka sa akin.”
“I understand pero sana huwag sumobra iyong last practice natin sumobra ka na halatang ginagalit mo si Jair. Paano kung magalit na iyon sa iyo? Patay tayong dalawa.”
BINABASA MO ANG
Waiting on a Feeling (COMPLETED)
RomanceCOVER MADE BY: Minah Jae Catchline: "I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped." Teaser: Xyler Faith is a control freak and she wants to have control on everything she has. She doesn't want to be dictated and her family...