Chapter Forty-Two

69.9K 1.5K 52
                                    

Chapter Forty-Two


            NAKAMOVE ON na siya sa sinabi ni Jair sa kanya noong isang araw, masakit pero wala naman kasing mali sa sinabi nito. He doesn't know that she's hurting and she doesn't have any intentions to let him know that, pero ang hindi niya maiaalis sa sistema niya ay ang natanggap niya kaninang umaga habang nasa opisina siya. The same black envelope at ito iyong laman ng envelope na iyon.




            Hindi ka talaga marunong makinig babae ka, binalaan na kita pero hindi ka nakinig. Makikita mo ang hinahanap mo, naisip mo pa talagang magpakasal sa kanya. You will be punished my little Xyler. Just wait and see.


             I saw you broke down when your bestfriend died, kaibigan mo pa lang iyon paano nalang kung pamilya mo na. I want to see you in the verge of insanity.


           


            Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon kahit anong isip ang gawin niya ay wala siyang matinong plano. That person is trying to rid her off, she already called Hexel. Si Hexel lang ang pwede niyang pagsabihan ng lahat, she's sending her information and she has people who can keep her family safe. At least nakakahinga na siya ng maayos malaman ng may nagbabantay sa kaibigan niya at mahal niya sa buhay.


            But she can't guarantee their one hundred percent safety, she needs to locat that person before the wedding day. Baka kasi sa kasal pa nila ito manggugulo. Ayaw din niyang i-asa ang lahat kay Hexel dahil marami na itong iniisip at dumagdag pa siya. She needs to act on her own, pinapahanap din niya si Gabrielle. Sana lang hindi malaman ng kung sino man na nasa likod ng lahat ng ito ang aksyon niya.


            Her phone rang, it's her brother calling bigla siyang kinabahan kaya agad niya iyong sinagot. "Xanch?"


            "Ate, nasa hospital ako ngayon."


            "Ano?"


            "Don't over react, hindi ko pwedeng sabihin kay mommy na naaksidente ako dahil ayokong malaman ni daddy. Pwede bang ikaw nalang ang maghanap ng rason kung bakit hindi ako makakapunta sa dinner mamayang gabi? I can't walk properly right now."


            "What do you mean by accident? Anong nangyari sa iyo?" kinakabahang tanong niya.


            "Nawalan ng break ang kotse ko ate, muntik na akong makaaksidente pero wala namang nasaktan."


            "You can't walk and you are telling me na walang nasaktan?" tumaas ng ilang decibels ang tono ng boses niya. "God, Xanch."


            "I am really okay ilang stitches lang naman-."


            "Anong ilang stitches papatayin mo ba ako sa takot?"


            Tumawa lang ito sa kabilang linya. "Its okay sis, someone will take care of me."

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon