Chapter Forty Six

75K 1.7K 86
                                    

Chapter Forty Six


            Inamoy niya muna ang kape na iniimon niya at inalam kung tama lang ba ang init baka kasi mapaso ang dila niya. Nasa loob pa rin siya ng cabin, wala si Jair. Hindi niya alam kung saan ito ngayon pero sa tingin niya mas mabuti na rin na wala ito sa tabi niya ng magising siya dahil hindi niya alam kung ano ang mukhang maihaharap sa lalaking iyon. Nahihiya siya dito dahil sa inasta niya kagabi, kinailangan pa siya nitong patulugin upang kumalma ang kanyang sistema.

            Napabuntong-hininga siya habang nakamasid sa buong resort, dalawang araw na sila doon pero ngayon lang niya naappreciate ang ganda ng buong paligid. Pero hindi din nagtagal ang pag-aappreciate niya sa lugar na iyon dahil ng maalala na wala si Jair sa loob ng cabin nila ay may naisip na naman siya... na baka... naalala na naman niya ang naisip kagabi bago siya magwala.

            Agad niyang ibinaba ang kape na hawak niya at hindi pinansin ang pagtilamsik ng mainit na tubig sa balat niya. Nanuot ang init sa kanyang kamay pero wala siyang pakialam dahil mas importante sa kanya na mahanap ngayon si Jair.

            "Jair?" lumabas siya sa kwarto, "Jair!" hinanap niya ito sa buong cabin pero wala ito. Agad siyang lumabas ng bahay at tatawid na sana ng may mahagip ang kanyang mga mata. Isang pigura na nasa tabi ng isang malaking kahoy, nakakubli pero nakikita niya na para bang pinapakita nito sa kanya ng sadya. Magagabi na rin kaya mas lalong hindi makikita ang bahaging iyon ng lugar.

            Mukhang napansin ng pigurang iyon na napapansin na niya ito, mabilis siyang naglakad papunta doon lalo na ng lumabas ito.

            "S-sino ka?"

            Nakatakip ang mukha nito maliban sa bibig nito na nakangisi sa kanya, chills were running throughout her body, her chest were pounding so hard that it almost rip her heart out, nahihirapan na rin siyang huminga.

            "Natatakot ka na ba Xyler?" para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa boses na narinig niya. "Is it fun?"

            "I-ikaw?" mahinang tanong niya.

            "May iba pa ba?"

            "Hindi ba nakakulong ka?"

            Tumawa ng malakas ang kaharap niya. "Too bad Xyler masyadong mabait si Jair para ipakulong ako, I begged to him. Sinabi kong hindi na ako magpapakita at naniwala naman siya." Tumawa lang uli ito.

            Nanlumo siya sa kanyang narinig pero tinibayan niya ang kanyang loob. "Wala naman akong ginawang masama sa iyo."

            "Anong wala? Inagaw mo siya sa akin Xyler ako dapat ang minahal niya at ako dapat ang maikakasal sa kanya pero inagaw mo siya sa akin."

            "Kahit kailan wala akong inagaw sa iyo."

            "Akin si Jair! Akin siya at walang magmamay-ari sa kanya kundi ako lang kaya nga kung ikaw pa rin ang pipiliin niya mas mabuting mamatay nalang siya. Set him free and he'll live or marry him and he'll die."

            Mariin niyang kinagat ang kanyang labi. "Bakit kailangan mo pa siyang patayin? Ako nalang ang patayin mo total kapag patay na ako pwede na kayong dalawa hindi ba?"

            Umiling ito. "Ayoko nga selfish ako Xyler kapag pinatay kita kahit na magkatuluyan kaming dalawa alam kong ikaw lang ang iisipin niya. Kung patay na siya hindi ka na niya iisipin at papatayin ko rin ang sarili ko para magkasama kaming dalawa."

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon