Prologue

204K 3.1K 392
                                    

Prologue

            Napangiti siya habang nakatingin sa magandang set-up ng garden kung saan nagaganap ang party. Maraming ilaw na iba-iba ang kulay pero ang pinakagusto niya ay iyong mga pink na cherry blossoms na nasa buong paligid. Wala siya sa Japan pero feeling niya ay nasa Japan siya ng mga oras na iyon.       

            Sabi ng mommy niya anniversary daw ng ninang Amber niya at ng tito Landon niya kaya kailangan silang pumunta. Ayaw sana niya kasi gusto niyang maiwan sa bahay na ilang bahay lang ang layo mula sa bahay nila. Ang ayaw kasi niya ay ang nagsusuot ng mahahabang bestida na gaya nalang ngayon. Halos hindi na makita ang mga paa niya dahil sa haba ng suot niyang dress na color white na may halong peach at kulay na wala sa kanyang thirty six crayons, may ribbon sa may bandang tiyan niya. May malaking ribbon din siya sa ulo niya kasi nga daw sagabal ang mahaba at kulot na buhok niya. Sabi ng mommy niya hindi nito alam kung saan daw nito namana ang kulot niyang buhok pero hindi naman daw pangit kasi bagay sa mukha niya ang kulot. At kapag mas humaba pa daw iyon ay mas maganda daw tingnan wala naman siyang pakialam.

            Inilibot niya ang kanyang tingin upang hanapin ang parents niya. Agad niya itong nakita na masayang nagsasayawan sa gitna ng ground kanina pa nagsimula ang party at iyong mga anak ng tito at tita niya ay masayang naglalaro na. Hindi kasi siya makasabay sa mga ito dahil mas matanda sa kanya ang mga iyon.

            Hinanap nalang niya ang kapatid niya na mukhang wala din malamang nagsusuot na naman iyon kung saan may langgam at may uod.

            “Ate!” napalingon siya sa maliit na boses na tumawag sa kanya agad na sumilay sa mukha niya ang isang malaking ngisi ng makilala niya iyon. Si Larennce. Ang bunsong anak ng ninang Amber niya. Nasa ilalim ito ng mesa kung saan siya nakaupo at mukhang may pinagtataguan. Mabilis siyang pumasok sa ilalim ng mesa at nagtakip ng bibig upang pigilan ang mapatawa sa ayos nilang dalawa.

            Mas matanda siya ng isang taon kay Larennce or Renz, six years old si Larennce at matalino ito sa edad nito. Sila ang close, siya, si Renz at ang kanyang younger brother na si Xancho na ilang buwan lang ang tanda kay Renz. Sabi ng mga matatanda ay inseparable sila at syempre siya ang ate kaya siya ang nagbabantay sa dalawa.

            “Nakita mo si Xancho?”

            “Nasa pond binibilang ang mga kinakain na mosquitoes ni Mr. Froggy.” Bumungingis ito kaya mas lalong nawawala ang mga mata nito, singkit kasi si Renz. Samantalang iyong kuya niya na mas matanda sa kanya ng limang taon ay malalaki ang mga mata na mana sa daddy Landon nito. “Hinahanap ka ni kuya.” Tukoy nito sa kapatid nito. “Galit na iyon.”

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon