Chapter Forty Eight

82.1K 1.5K 89
                                    

Chapter Forty Eight


            KAHIT na ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin tumitigil ang katawan niya sa pangangatal kahit hindi naman siya nilalamig. Nayakap niya ang kanyang sarili habang ninanamnam ang malamig at masarap na hangin na bumabalot sa kanyang katawan. She wanted to rid of the blanket covering her body but she's too afraid to let it go. Hanggang ngayon ay tila sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang muntik ng nangyari sa kanya, it seems so surreal. Parang hindi totoo, para kasing sa mga telenobela at sa sine lang niya nakikita ang mga ganoong eksena.

            "Coffee?" napatingin siya sa paper cup na nasa harap niya, she wants coffee right now pero alam niyang hindi iyon makaktulong sa kanya sa mga oras na iyon. Mas dadadagdagan lnag ng likidong iyon ang kaba na nararamdaman niya.

            "I'm good." Hindi na nagpumilit sa kanya ang nagbigay ng kape sa kanya sa halip ay inilapag nalang nito iyon sa tabi niya at hinila ang upuan upang harapin siya. Agad na dumako ang mata niya sa braso nitong may nakawrap na gauze... she can't rid from her mind that time na tumarak sa braso nito ang patalim na iyon. Sa braso lang ito natamaan pero pakiramdam niya ay titigil na ang puso niya, mabuti nalang at sa braso lang ito nasaksak or else baka anon a rin ang nangyari sa kanya.

            "You are still shaking pwede ka namang maghintay sa cabin." Malumanay na sabi nito habang hinahaplos nito ang pisngi niya. The moment she felt his heat on her cheeks ay tila may kung anong humukay sa loob ng katawan niya at dumaan sa kanyang mga mata. She's crying again. "Tahan na Xy hindi naman ako nasaktan-."

            "Anong hindi?" nanginginig na tanong niya. "Hindi ka pa pala nasaktan sa lagay na iyan?" inis na hinampas niya ito bahala na kung masaktan man ito, she just need to put her emotions at ease and the only way for her to do it is to hit him with all her strength. "Nakakaasar ka talaga!" wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao lalo pa at nasa labas lnag naman sila. Hindi din naman ito nagtangkang pigilan siya sa kayang ginagawan pananakit dito.

            "I'm sorry baby, I'm sorry I was almost late." Naipaliwanag na nito sa kanyan kung bakit nahuli ang mga ito. Ang sabi ni Jair hindi nila agad nahanap ang cabin ni Gabrielle dahil natanggal ang numero nito kasama ang numbers sa kalapit na cabin kaya kailangan pa nilangg tumawag sa receptionist. Planado ang lahat, matalino ang babaeng iyon dahil maliban sa pagpapapunta sa kanya ay may plan B pa ito kung sakaling may nasabi nga siya kay Jair.

            Jair said someone is helping that insane woman, the guy who removed the numbers is the same guy who distracted the police officers from coming the resort. Kailangan pa rin nilang imake sure na safe ang mga customers doon kaya it really takes time. Nasabi na sa kanya ni Jair na baka matatagalan and she needs to buy some time. Hindi niya inaasahan na mapoprovoke pala niya ng husto ang baliw na babaeng iyon.

            Gabrielle is crazy, iyon ang sinabi ni Jair. Alam daw nito na may nararamdaman ang babae dito pero dahil nga sa wala naman itong nararamdaman sa babae kaya mas pinili nalang nitong panatalihin ang pagkakaibigan nilang dalawa. Akala ni Jair ay tanggap na ni Gab iyon lalo pa at sinabi na nito ang nararamdaman nito sa kanya. That move she did five years ago, iyong muntik na siya nitong itulak ang breaking point.

            She's dangerous, he kept her closer para mabantayan na rin ito but if keeping Gabrielle closer to him means danger to her, he'd rather push Gab away to keep her safe. Pinatawad ni Jair ang babae ng magmakaawa ito, it's a lapse on his part na hindi agad nalaman na may problema nga si Gab hanggang sa dumating sa point na ganito, na kailangan pa niyang umalis at masaktan ng husto.

            "It's okay Jair as long as you are safe." Aniya dito. "Nasaan na siya?"

            "Dinala na siya sa mental hospital, she needs to be taken care. I am sorry kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ang lahat ng ito." Hingi uli nito ng paumanhin sa kanya.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon