Eherrrrmmm... *cough* *cough*
Finally natapos ko na rin siyang isuulat, dumating sa point na napagod ako at nagsawa dahil gaya ng una kong sinabi hindi ko talaga sila main priority mas priority ko ang mga series stories ko at ang mga stand in stories ay kapag nagmemental block ako. Pero sa bandang huli natapos ko rin itong story na ito.
Ang dami kong tawa sa story na ito ang dami kasing floods of emotions dito. Alam niyo iyong kapag nagbabasa ka ng comments sa naunang chapter galit na galit kayo kay Jair tapos sa susunod na chapter ay kay Xyler naman kayo galit tapos paikot-ikot lang? Iyon ang nangyari kaya natatawa nalang ako para kasing nagkaroon ng roller coaster emotions.
May nagtanong sa akin, anong part sa story na ito ang iniyakan ko habang sinusulat ko? Iyon iyong nagbroke down si Xyler at iyong umiyak siya ng umiyak sa pagkamatay ni March. May tanong din, bakit ko pinatay si March dito? Because I feel like Renz and his story was too easy at hindi siya challenging, March is an epitomy of every woman's dream. A dream man whom we want to have but we can never have because reality speaking walang kasing perfect niya at walang taong kasing bait niya.
Everyone wants their love story and how can I write a love story na walang challenge? Kaya naisip kong hindi sila pwede ni Renz na magkatuluyan dahil masyadong perfect silang dalawa, sabihan niyo na akong bitter (slight) pero ganoon nga. And then I end up making Aizen's character, sa isip ko kamukha siya ng crush kong car racer hahahahaha... Ayoko siyang ipamigay pero hindi ko siya pwedeng itago sa baul kaya ayun naisip kong may someone na mas bagay sa kanya.
Yes, si Renz and si Aizen ang partner. Kung titingnan niyo kasing mabuti medyo mahirap ang magiging love story nilang dalawa. Pareho kasi silang naiwan at nagmahal, si Aizen mahal talaga niya si Xy at kung itatanong niyo kung sino iyong babaeng kasama niya that's his story to tell, tapos si Renz na sobrang mahal si March. Who wouldn't love him he's an ideal partner after all. Paano nila magagawang makamove on?
Habang tumatagal ako sa pagsusulat, nagbabago din ang takbo ng isip ko. Kung dati ayoko ng medyo madaming kachurvahan ayoko pa rin naman, ayoko iyong may karibal and so on but I need to grow too. Part sila sa story eh, they are the spice of a story but I still don't like them. I want to write something that would challenge me as someone who writes stories. Kagaya ng kay Hexel.
Sa totoo lang sa story niya ako nachallenge, at napapaisip ako kung paano ko siya ipapasok sa bawat stories ng sisters. Hanggang ngayon she's still a mystery kasi... and it will be like that.
Hindi ko itatanong kung nag-enjoy ba kayo sa story ni Xy and ni Jair, dahil kung ako ang tatanungin niyo hindi ko rin alam eh. Basta ito na iyon, makikita niyo pa rin sila sa ibang stories lalo na sa story ni Eon at ni Aleeyah.
Thank you for reading this story, this is six months in the making and swear to God muntik ko na itong idelete dito. Hindi talaga ako sanay sa maraming chapters na story, hindi ko lang namalayan na ganito na pala iyon kahaba and in the near future hindi ako magsasalita baka makapagsulat din ako ng ganito kahaba pero kapag dumaitng iyon, iyong story na iyon muna ako magfofocus at wala ng kasabayan dahil mahirap magsabay ng stories.
Again thank you very much for all your support and understanding, this is a six months in a making story and yet sumusubaybay pa rin kayo. Thank you for not giving up on me.
Now, Waiting on a Feeling is finally signing off.
BINABASA MO ANG
Waiting on a Feeling (COMPLETED)
RomanceCOVER MADE BY: Minah Jae Catchline: "I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped." Teaser: Xyler Faith is a control freak and she wants to have control on everything she has. She doesn't want to be dictated and her family...