Chapter Two

112K 2.3K 128
                                    

Chapter Two

            Kapag daddy na niya ang kaharap niya ay nangangatog na ang tuhod niya, inis na inis siya kay Jair. Halos lahat ng pakiusap ay ginawa na niya para hindi sila nito isumbong ng ihatid sila nito. Sinamaan pa nito ng tingin si Kuya Eon samantalanga wala naman itong ginagawang masama sa kanila. Nang hawakan kasi siya ni Eon kanina ay kulang nalang ay suntukin ito ni Jair, mabait kaya si Eon hindi katulad ng sumbungero na iyon. Mahiwa sana ang atay niya ng scalpel!

            Nang dahil sa pagsusumbong nito ay heto mapapagalitan na siya ng daddy niya, ang mommy naman niya ay sinermunan na siya.

            “How many times do I need to tell you not to drive Xyler Faith?” buong pangalan na iyan kaya alam niyang galit na talaga ang daddy niya. “At sinama mo pa ang kapatid mo sa kabaliwan mong iyan. Para saan pa at may driver ka tapos magdadrive ka?”

            Humugot siya ng malalim na buntong-hininnga. “Ang OA naman kasi daddy eh bakit si Xancho tinuruan mong magdrive bakit ako hindi pwede? Ang daya naman halatang may favoritism.” Hindi niya napigilang usal at halata sa boses niya ang sama ng loob niya sa kanyang ama, napansin niyang natigilan ito tapos ay napasulyap sa mommy niya. “Kung hindi mo ako tuturuan eh di magpapaturo ako sa iba.”

            “Anak, hindi naman sa ganoon. Huwag mong isipin na may favoritism I love you and Xancho you are my angels.”

            “Bakit siya tinuruan mo bakit ako hindi?”

            “Ayokong maaksidente ka.”

            “Bakit si Xancho gusto mong maaksidente kaya mo tinuruan siyang magdrive? ANg bad mo daddy!” hindi niya napigilang pakli, sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagtawa ng mommy niya habang ang daddy naman niya ay napipilan mukhang hindi nito mahanap ang dila nito.

            “Magpahinga ka na Xy.” Utos nito sa kanya.

            “Ganyan naman kayo palagi eh.”

            “Xy, nakita ko ang mommy mo ng maaksidente siya ng kotse ayokong mangyari sa iyo iyon. Si Xancho lalaki siya-.”

            “Ang unfair nasaan ang itinuturo niyong gender equality daddy iyong walang lamangan at lahat pantay-pantay? Malaki na ako dad hindi na ako bata.” Tumayo na siya mula sa pagkakaharap sa ama “Tama nga kayo dad kailangan ko ng magpahinga because I will never understand.” At patakbong tinungo niya ang kanyang silid at inilock iyon.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon