Chapter One

428 16 0
                                    


Chapter One

Ilang araw na ang lumipas mula nang maka-ingkuwentro ko sa cafeteria si Levi at sinabi niya na ako ang next target niya. Kinabukasan no'n ay kinakabahan akong pumasok, pero nang matapos ang araw na iyon na wala namang nangyaring hindi maganda sa akin ay para akong nakahinga ng maluwag.

Ngayon ay nasa may soccer field ako. Inutusan kasi ako ng isa sa mga professors namin na tumulong sa paglilinis dito, sa laki kasi ng university ay kulang ang mga janitors para mapaki-usapan sa mga ganitong trabaho. Kaya madalas ay nakiki-usap ang mga professors sa mga gaya kong scholars, tapos ay binabayaran naman kami.

Kumbaga ay tulong na rin sa amin para magkaroon kami ng extra income na siyang nakakatuwa.

"Hoy, bilhan mo nga ako ng maiinom!" narinig kong saad ng isang pamilyar na boses habang nagwawalis ako kaya nag-angat ako ng tingin.

Hindi nga ako nagkamali, si Levi iyon na nakapang-soccer attire at mayabang na nakangisi sa akin.

"Ayon ang mga bottled water, oh!" sagot ko at itinuro pa ang cooler na may lamang mga tubig.

"Gusto ko ng Gatorade, bilhan mo 'ko!" aniya at agad na hinagis sa akin ang five hundred peso bill. "Keep the change," mayabang na dagdag pa niya kaya nagtawanan ang mga kasama niya.

"Wala ka bang sariling paa? Hindi mo ba nakikita na busy kami rito?" may halong pagsusungit na saad ko kaya tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Ayaw mo?" mahina pero may halong pagbabanta na saad niya.

Napalunok naman ako ng laway kasi bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. Siguro ay mas maigi na utusan na lang niya ako lagi kesa i-bully niya ako. Gaya nito, sa akin na raw ang sukli. Madali lang naman gawin ang sinabi niya.

"Heto na nga!" sagot ko na lang at agad na dinampot ang pera na nasa may damuhan.

Binitawan ko muna sa gilid ang hawak kong walis tapos ay naglakad na palayo. Nagulat ako at agad na napangiwi nang maramdaman ang malakas na pagtama ng bola sa likod ng ulo ko. Agad akong natumba padapa at nakaramdam ng hilo.

Rinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga lalaki dahil sa nangyari, samantalang ako ay pilit na umupo kahit na parang nagdidilim ang paningin ko dala ng labis na hilo at sakit na natamo.

"J-Jas, okay ka lang?" may narinig akong nagtanong pero hindi ko na nagawang sumagot pa.

Bigla na lang kasing nagdilim ang lahat at hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nagising naman ako na nasa university clinic na. Pilit akong umupo sa clinic bed at napangiwi nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng likod ng ulo ko, nang hawakan ko iyon ay may maliit na bukol pala akong natamo.

"Gising ka na pala," wika ng nurse at ngumiti pa sa akin nang makita ako. "Magpahinga ka na muna riyan, excuse ka naman na sa mga professors mo," wika niya tapos ay naglakad na palayo.

Napabuntong hininga naman ako nang maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Sigurado ako na si Levi ang sumipa ng bola na tumama sa akin. Habang nakaupo sa kama ay bahagya akong nakaramdam ng kaba nang makita siyang pumasok sa clinic at mayabang na ngumisi sa akin.

"Okay ka na ba?" tanong niya, kunware ay nag-aalala kahit na alam kong labas naman iyon sa ilong.

"Ano bang problema mo, ha?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka kasi dinala kita rito?" pa-inosenteng tanong naman niya pabalik.

"Bakit ako magpapasalamat, eh ikaw ang dahilan kung bakit kinailangan mo akong dalhin dito?" naiinis na saad ko naman kaya mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon