Chapter Sixteen

187 15 2
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang story na ito sa ating YT Channel. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Sixteen

Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang lahat. Nananatili pa ring sikreto ang namamagitan sa amin ni Levi, at tanging si Cass pa lang ang nakaka-alam bukod sa aming dalawa. May mga pagkakataon nga na isasama ako ni Cass sa bahay nina Levi dahil nga doon siya pansamantalang tumutuloy, kunware ay may mga kailangan kaming gawin na projects or assignments pero ang totoo ay tinutulungan lang niya kami ni Levi na magkaroon ng oras para sa isa't isa.

Nakakatuwa kasi sobrang supportive ni Cass sa amin, at gaya nang sinabi niya ay hindi niya pinagsabi kahit na kanino ang alam niya.

"Kuya, sa akin muna siya please!" pakiusap ni Cass kay Levi kaya mahina akong natawa.

Gaya nang mga nakalipas na araw ay sinama ako ni Cass dito pagkatapos ng klase. Kasalukuyan kaming nasa kuwarto ni Levi, at gusto daw akong maka-bonding ni Cass pero ayaw naman akong pakawalan ni Levi.

"Ayoko! He's mine alone!" masungit naman na sagot ni Levi tapos ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa narinig.

"Hindi ko na kayo tutulungan sa susunod!" pagbabanta ni Cass kaya muli akong natawa.

"Malulungkot si Jas kung ganun. Gusto mo ba siyang makita na malungkot?" nakangising sagot naman ni Levi kaya napanguso na lang si Cass.

"Ang hilig mo talagang asarin si Cass. Sige na, babalik ako dito mamaya. Sasama na muna ako sa kanya," wika ko naman kaya si Levi naman ngayon ang napanguso.

"Maghapon tayong hindi nagkita at nagkasama dahil pareho tayong busy. Tapos pagod pa ako sa practice sa soccer! Gusto lang naman kitang makasama at mayakap dito para makabawi sa mga oras na hindi kita nakita atsaka para ma-energize, tapos iiwan mo pa ako?" may halong pagtatampo na wika niya kaya sabay kaming natawa ni Cass.

"Sus! Hindi bagay sayo ang magtampo!" saad ko naman.

"Maghapon na kayong magkasama ni Cass sa klase! Kainis naman, eh!" saad pa niya.

Mahigpit pa akong niyakap ni Levi tapos ay hinalikan sa pisngi. Nang gawin niya iyon ay sakto namang nagbukas ang pinto. Gulat kaming tatlo nina Cass nang makita ang mga magulang ni Levi. Agad na nawala ang ngiti sa kanila na para bang nagulat din sa nakitang ginawa ni Levi sa akin.

"Mom, Dad! Uso po kumatok!" sabi ni Levi tapos ay pinakawalan ako sa yakap niya.

"Aayain lang sana namin kayong mag-dinner," sabi ni tita Love tapos ay pilit pang ngumiti. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Levi na para bang naguguluhan sa nangyayari.

"What's happening here?" seryosong tanong naman ni tito Leroy.

Nakaramdam ako agad ng kaba. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ni hindi nga ako makagalaw mula sa pagkakaupo sa kama. Natatakot ako sa puwede nilang maging reaksiyon kapag nalaman na nila ang tungkol sa amin ni Levi.

"We're dating," walang prenong sagot ni Levi kaya napasinghap ako.

Maging ang mga magulang niya ay narinig kong napasinghap, si Cass naman ay ngumiti at marahang tumango na para bang sinasabi na okay lang iyon at kahit na anong mangyari ay suportado niya kami.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon