Chapter Thirteen

212 16 2
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang hanggang Chapter 15 ng story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Thirteen

"Wow! Ang ganda rito!" namamanghang saad ko habang iginagala ang mga mata sa People's Park pagkababa namin ng sasakyan. Gaya nang napag-usapan ay umalis kami agad para pumasyal pagkatapos kumain ng agahan.

"Ngayon ka lang nakapunta rito?" tanong ni Levi sa akin, ngumiti naman ako at tumango. Sobrang saya ko! Dati ay sa mga social media posts lang ng mga kakilala ko nakikita ito, pero ngayon ay nandito na ako.

Mukhang magsasalita pa sana si Levi pero hindi na niya nagawa kasi biglang kumapit sa kaliwang braso niya si Alyana at ngumiti pa sa akin. Umarte naman ako na hindi napansin iyon tapos ay patakbong nagpunta sa mga nagbebenta ng souvenirs. Pinilit ko ang sarili ko na mag-enjoy kahit na ang totoo ay nakakaselos ang makita na laging dumidikit si Alyana kay Levi.

Akala ko ba hiwalay na sila? Pero bakit ganun? Sa huli ay pilit na lang akong ngumiti habang ginagala ang mga mata sa mga souvenirs. Iniisip ko kasi kung ano ang puwede kong bilhin at maibigay kay mama pagkauwi ko. Nagpasya naman ako na bilhan na lang siya ng tatlong t-shirts. Ang mura lang kasi!

Aalis na sana ako pero agad na natigilan nang makita ang isang keychain. May disenyo itong paperplanes kahit na gawa naman sa kahoy. Si Levi ang una kong naalala at agad akong napangiti.

"Bibili po ako neto!" sabi ko sa nagtitinda. "Dalawa po!" dagdag ko pa.

"Isulat mo rito ang gusto mong ilagay kong sulat," sabi ni manong tapos ay inabutan pa ako ng papel at ballpen.

Saglit akong nag-isip. Tapos ay nagpasya na pangalan ko na may puso sa dulo ang isa, tapos ay pangalan ni Levi na may puso rin sa dulo ang sa isa pa. Alam ko na parang ang OA, pero gusto kong ibigay ang isa sa kanya mamaya.

"Heto na," ani manong nang matapos tapos ay nagbayad naman ako.

"Ang cute," gulat akong napalingon sa gilid ko at agad na nakita ang nakangising si Sasha.

"H-Hinahanapan ko rin kayo! Nauna lang ang kay Levi!" agad na wika ko dala ng kaba, naging tunog defensive na naman ako kaya mas lalong lumala ang kaba sa dibdib ko.

"Jas, nakita ko ang ginawa niyo ni kuya sa Jacuzzi kagabi," aniya at ngumiti pa sa akin. "Kaibigan mo ako kaya hindi mo kailangang magsinungaling sa akin. At isa pa, gusto ko na maging masaya ka kaya susuportahan kita sa mga desisyon mo. Hindi ko alam kung ano ang meron kayo ni kuya, pero kung hindi pa kayo ready na sabihin sa iba, okay lang! Hindi ko rin ipagsasabi," mahabang dagdag pa niya kaya pilit na lang akong ngumiti sa kanya.

"Pasensiya na, Cass. Hindi ko rin kasi alam kung paano nangyari. Masyadong mabilis..." nahihiyang wika ko kaya mahina siyang natawa.

"Come on, Jas! Hindi ko kailangang humingi ng pasensiya. At isa pa, parang ang cute ng idea na kayo ang magkakatuluyan! Nakaka-excite!" may halong kilig na wika niya tapos ay kumapit pa sa kaliwang balikat ko. "Pero ingatan mo rin ang puso mo, ah? Hindi ko gusto na masaktan ka." Napangiti ako dahil sa sinabi niya tapos ay mabilis na tumango.

"Thank you, Cass!" may halong saya na sagot ko.

"Alam ko na nagseselos ka, pero huwag kang mag-alala, aalis na rin naman 'yang si Alyana after lunch!" aniya at humagikgik pa kaya mahina rin akong natawa.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon