Chapter Two
"Saan na naman ba tayo punta?" tanong ko kay Cassie na hila-hila ako ngayon. Sa totoo lang ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina sa soccer field, maging iyong mga sinabi sa akin ni Levi at ang nakita kong ginagawa nila ni nurse Alyana kanina sa clinic. Pero nagpasya na lang ako na huwag masyadong pansinin ang mga bagay na iyon.
"Basta! Sumama ka na lang!" masayang sagot niya.
Pagkadating namin sa parking lot at pinapasok niya ako sa sasakyan nilang Fortuner. Medyo nakadama nga ako ng hiya kasi mataman akong pinagmasdan ng driver niya na nasa loob na ng sasakyan. Nang pareho na kaming makasakay ay umalis naman na kami.
"Jas, iyong totoo, hindi ba sinadya ni kuya ang nangyari kanina?" mahina at seryosong tanong niya, pilit naman akong ngumiti bago umiling.
"Hindi talaga!" sagot ko. "Akala ko nga pagti-trip-an niya ako, pero mukhang hindi naman dahil kaibigan kita. Hindi ba ang bait niya kasi itinakbo niya ako agad sa clinic, tapos bumalik pa siya para masigurado na okay lang ako?" mahabang dagdag ko pa.
"Why do I feel like you're lying?" tanong niya kaya marahan kong kinagat ang ibabang labi ko. "Anyways, kung hindi ka naman pala niya binu-bully ay hindi ko na kailangang mag-alala," dagdag pa niya.
Medyo naguluhan ako sa huli niyang sinabi pero ipinagkibit ko na lang ng balikat. Mayamaya lang ay nakita kong pinasok ni manong driver ang sasakyan sa isag subdivision. Medyo nakakalula tignan ang mga bahay kasi malalaki halos lahat.
Pagkalipas din ng ilang minuto ay muli niyang pinasok ang sasakyan sa isang nakabukas at malaking gate. Halos lumuwa ako sa laki ng bahay. Hindi ko nga alam kung bahay pa ba ang itatawag ko rito o mansiyon na.
"We're here!" masayang wika ni Cass nang huminto na ang sasakyan.
Sabay naman kaming bumaba mula ro'n at ang mga mata ko ay hindi maalis sa napakalaking bahay. Sa gilid ay may isang malaking hardin, at sa dulo naman no'n ay isang swimming pool. Agad naman akong nakaramdam ng kaba nang mapansin na may tao sa poolside, ang lakas kasi ng tawanan nila.
Pinakatignan ko iyon mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang mapagtanto na sina Levi iyon, at ang mga kaibigan niya at ka-team sa soccer.
"B-Bakit tayo nandito?" mahina at halos pabulong na tanong ko kay Cass.
"Gusto lang kitang maka-bonding!" malawak ang ngiting sagot niya. "Atsaka nag-text na ako kay Tita Esper, pumayag siya na dito ka na rin mag-dinner para naman daw malibang ka at hindi puro pag-aaral ang inaatupag mo. Basta ihatid ka na lang daw namin pauwi sa inyo," mahabang dagdag pa niya, ang tinutukoy niya ay si mama.
"Sigurado ka ba na okay lang na nandito ako, Cass? Hindi ba nakakahiya?" may halong pag-aalangang tanong ko.
"Oo naman! Nagsabi na rin ako kina Tito Leroy at Tita Love!" masayang sagot niya.
Halos manlumo ako nang mapagtanto na kina Levi nga ang bahay na ito. Ilang araw lang kasi nang mabanggit sa akin ni Cass na gusto raw ng mga parents niya na dito siya tumira sa bahay nina Levi dahil mas malapit sa university. At ang mga binanggit niyang mga pangalan ay ang natatandaan kong pangalan ng mga magulang ni Levi na sinabi rin niya noon sa akin.
"Bakit sina Sasha at Monique hindi natin kasama?" tanong ko pa.
"Nauna na sila dito! Ang tagal mo kasing matapos sa paglilinis sa soccer field kanina, ako lang ang naghintay sa 'yo!" paliwanag niya. "Let's go!" dagdag pa niya at mabilis akong hinila papunta sa poolside.
BINABASA MO ANG
Paper Planes (BL Story)
General FictionWe often feel like we're paperplanes, trying to fly high with hopes. But just like paperplanes, we easily get broken as we land at the surface of grief.