Chapter Nine

227 16 1
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Nine

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang ini-stalk ang social media profile ni Levi. Ang dami kasi niyang posted pictures. Meron mga kasama niya ang mga magulang niya, merong mga sina Marcus ang kasama, merong puro pagkain, pero mas marami iyong mag-isa siya at may mga topless pictures pa siya.

Gano'n pa man ay ingat na ingat ako sa pag-scroll down kasi natatakot ako nab aka mapindot ko ang heart button at malaman pa niya na ini-stalk ko siya. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa damuhan sa isang hardin sa university na malapit lang sa soccer field.

Alas tres na ng hapon at maagang natapos ang klase namin ngayon. Ang mga kaibigan ko ay umuwi na, ako naman ay naghihintay pa ng alas kuwatro para makapaglinis ulit. Sayang din kasi ang extra na kinikita ko rito. Lalo na't desidido na akong sumama bukas kina Levi sa Tagaytay, at kahit pa naman sinabi ni Levi na walang gagastusin ay iba pa rin ang may dala ako na sariling pera.

Gala ko iyon, at hindi ko naman gusto na iasa pa kay mama ang gastusin kahit na willing naman siyang bigyan ako ng pera. Alam ko rin kasi na may mas mga importanteng bagay na puwede naming paggamitan ng ibibigay niya sa akin kung sakali.

"Grabe, ang guwapo talaga," bulong ko sa sarili ko habang titig na titig sa isa niyang picture.

Selfie niya iyon sa salamin habang nasa gym. Wala siyang suot na pang-itaas na damit at pawis na pawis ang buong katawan at mukha. Litaw na litaw ang maganda niyang katawan at sobrang guwapo talaga niyang tignan. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung may parte ba sa kanya ang puwedeng itapon. Parang perpektong perpekto na kasi siya.

Sabi nila ay hindi raw natin makukuha ang lahat. Pero parang hindi naman totoo. Parang nasa kanya na kasi ang lahat. Mayaman, matalino, guwapo at magaling pa sa sports. Sobrang suwerte ng babaeng makakatuluyan niya. Kung sakaling naging totoong babae kaya ako may chance na maging kami? Mahina na lang akong natawa sa kabaklaang naisip ko.

Habang abala sa pagtingin sa iba pa niyang mga pictures ay may tumamang papel sa ulo ko. Nang mahulog iyon sa kandungan ko ay napangiti ako nang makita ang isang eroplanong papel. Obvious naman kung kanino galing ito. Si Levi lang naman ang mahilig na gumawa ng paper planes na may sulat at ihagis sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at binuksan.

Busy? Kain tayo!

Iyon ang nakasulat. Napaka-iksi pero sobrang nakakakilig pa rin sa part ko. Agad ko namang iginala ang paningin ko sa paligid para hanapin siya. Nakita ko siya na nakapang-soccer attire na tapos ay mag-isang nakaupo sa may bench sa may soccer field. Ngumiti pa siya sa akin at kumaway. Kumaway din ako sa kanya at agad na tumango tapos ay naglakad na palapit.

"Ang aga ata ng practice niyo?" tanong ko pagkalapit sa kanya.

"Alas tres dapat, pero hindi naman natuloy. Magpahinga na muna daw kami sabi ni coach. Tinatamad naman na akong bumalik sa klase kaya nagpasya akong tumambay na lang dito, tapos nakita kita," sagot niya kaya marahan akong tumango. "Ikaw, bakit ang aga mong nandito? Hindi ba alas kuwatro pa kayong naglilinis?" tanong niya pabalik.

"Alas tres kasi natapos ang klase namin ngayon. Ang tatlong maria umuwi na. Ako naghihintay ng oras dito. Sayang kasi ang extra na income," sagot ko.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon