Hello, guys! Uploaded na rin po ang hanggang Chapter 15 ng story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!
lovelots,
Chapter Twelve
Nagising ako kinabukasan na wala na sa kuwarto ang mga kasama ko. Medyo nagulat pa nga ako pagkamulat ko sa mga mata ko kasi nasa kama ko. Pagkahiga ko kagabi sa sofa ay agad din akong nakatulog, kaya hindi ko na namalayan ang pagpasok ni Levi sa kuwarto. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakatulog agad pagkatapos niya akong halikan.
O baka naman nalasing lang ako ng sobra kagabi kahit na konti lang ang nainom ko tapos ay panaginip ko lang iyon? Hindi ko alam!
"Gising ka na," bahagya akong napalingon sa pinto nang marinig ang boses ni Levi. Agad din akong nakaramdam ng kaba dahil doon. "Maghilamos ka na, kakain na tayo ng agahan niyan. Tapos papasyal daw tayo," dagdag pa niya kaya tumango na lang ako.
Hinila ko ang travel bag ko na nasa sofa tapos ay nagmamadali nang pumasok sa banyo. Hindi ko siya magawang tignan ng diretso sa mata kasi naaalala ko iyong ginawa namin kagabi. Pagkatapos kong maligo at magbihis, inakala ko na wala na siya sa kuwarto. Pero pagkalabas ko ay naabutan ko siya na nakaupo sa sofa.
"Can we talk?" seryosong tanong niya.
"Tungkol saan?" pagmamaang-maangan ko.
"Alam naman nating pareho Jas kung tungkol saan," seryosong sagot niya kaya nanlumo ako. "Have a seat," aniya at tinapik pa ang puwesto sa tabi niya. Kinakabahan man ay lumapit pa rin ako doon at umupo.
"Sorry sa nangyari," agad na wika ko kahit na siya naman ang humalik sa akin, natatakot kasi ako sa puwedeng mangyari at mas maigi na iyong umiwas ako agad sa gulo. Baka masira pa ang bakasyon namin dahil dito. Hindi ko gusto na mangyari iyon.
"Bakit ka nagso-sorry kung ako naman ang humalik sa 'yo?" tanong niya kaya natigilan ako at napabuntong hininga.
"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?" tanong ko.
"Hindi rin alam, Jas," aniya tapos ay sumandal pa sa sofa. "Basta gusto kitang halikan kaya... iyon ang ginawa ko. Na-offend ba kita?" marahan naman akong umiling.
"Huwag mo na lang uulitin. Hindi ko kasi gusto na masira itong bakasyon, mas lalong hindi ko gusto na masira ang nabuo na nating pagkakaibigan," sagot ko.
"Pero gusto kitang halikan ulit..." aniya na siyang kinagulat ko. "Hindi ko talaga alam, Jas. Naguguluhan na ako sa sarili ko! Lalaki ako at kahit na minsan ay hindi naging kuwestiyon iyon! Kaya hindi ko alam kung bakit wala akong ibang makita ngayon kung hindi ang mga labi mo!"
Malungkot akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Baka infatuated ka lang kasi madalas tayong magkasama these past few days, Levi. Hindi na puwedeng maulit iyon dahil may girlfriend ka na!" giit ko naman.
"I already broke up with her," aniya na kinagulat ko na naman. "Tatlong araw na rin ang nakakalipas. I caught her cheating on me. Pero walang ibang may alam. Hindi ko sinabi kahit na kina Marcus. Kaya hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa niyang magpunta rito," mahabang saad niya.
Bahagya akong napatango sa narinig. Kaya pala nang sinabi kagabi ni Marcus na magpupunta ngayon si Alyana rito ay 'bakit' ang naging tanong niya at parang hindi man lang siya na-excite.
BINABASA MO ANG
Paper Planes (BL Story)
General FictionWe often feel like we're paperplanes, trying to fly high with hopes. But just like paperplanes, we easily get broken as we land at the surface of grief.