Chapter Five

265 17 3
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang story na ito sa ating YT Channel. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,


Chapter Five

"Kumusta naman ang mga naunang linggo mo sa Imperial University, Jas?" tanong sa akin ni Marcus sa gitna ng inuman.

Nakakalahati na nila ang laman ng isang buong bote, samantalang iyong isang baso na binigay nila sa akin ay halos hindi ko pa nagagalaw. Natikman ko naman na, ang kaso ay sobrang pait kaya pakonti konti lang ang iniinom ko. Medyo nahihilo na nga rin ako sa konting iyon.

"Okay naman..." sagot ko. "Masaya matuto, tapos masaya ring magkaroon ng mga bagong kaibigan," dagdag ko pa.

"Pero ang tahimik mo ano? Mahiyahin ka ba talaga?" tanong naman ni Yael.

"Ganito lang siguro talaga ako, pero marunong naman akong makisama," sagot ko.

"Kapag may nang-bully sa 'yo sa university isumbong mo sa amin, kami ang bahala," nakangiting wika rin ni Van kaya maging ako ay napangiti na rin.

"Iyang si Levi pinagti-trip-an ako," pagsusumbong ko naman.

Muntik ko nang sampalin ang sarili kong bibig dahil sa sinabi ko. Medyo nahihilo na kasi talaga ako kahit na konti pa lang ang naiinom ko. Iyon na rin marahil ang dahilan kung bakit malakas ang loob ko na sabihin iyon. Gaya nang sinabi ko ay hindi naman kasi talaga ako umiinom.

"Excuse me?" halatang naiirita na saad ni Levi.

Natahimik naman ang tatlo pa naming kasama, pero pilit na tumawa si Marcus para mapagaan ang awra.

"Palabiro ka pala, Jas," saad pa niya. Alam ko naman na sinasalba lang niya ako sa alanganing sitwasyon, at gusto kong magpasalamat sa kanya dahil doon.

"As far as I know, we're not close enough for you to make fun out of me," ani Levi at tinaasan pa ako ng isang kilay.

"Bro, relax! Nagbibiro lang naman siya," pagtatanggol naman sa akin ni Marcus.

"At pati kayo na-uto na ng baklang 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Levi.

"Bro, okay naman si Jas, ah? Kung susubukan mo lang siyang kilalanin makikita mo na mabuti siyang tao. Hindi naman lahat ng kagaya niya—"

"Whatever!" pagputol ni Levi sa sasabihin ni Marcus.

Masyado akong kinakabahan na kaharap ko siya ngayon. Masyado akong intimidated sa kanya. Bigla rin akong nakuryoso kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya, at kung bakit ganito na lang ang galit niya sa akin.

"Jas, akyat lang kami saglit, ah?" nakangiting paalam sa akin ni Cass na umaahon na sa pool kasama sina Sasha at Monique, marahan naman akong tumango.

Pinanuod ko pa silang makaalis, at nang wala na sila sa paningin ko ay marahan na lang akong yumuko. Sa totoo lang ay gusto ko nang magpaalam kina Marcus at magpahinga na, ang kaso ay nahihiya akong magsabi. At isa pa ay hindi ko alam kung saan ako matutulog dito.

"Jas, sumama ka na lang sa amin sa pagtulog mamaya. Naka-ready na iyong isang guest room. May isang king size bed naman doon, at isang extra na kama sa baba. Puwede tayong apat doon," wika ni Yael, ang tinutukoy niyang kasama namin ay sina Marcus at Van. Ngumiti na lang ulit ako at tumango.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon