Simula

776 23 2
                                    


Simula

Napangiti ako nang makita ang napakalaki at sobrang eleganteng gate ng Imperial University. Halos dalawang linggo na rin mula nang magsimula ang klase, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Patuloy pa rin akong namamangha sa mga nakikita ko sa unibersidad.

Sobrang saya lang sa feeling na dito ako nag-aaral.

Sino ba namang hindi sasaya, eh nabigyan ako ng full ride scholarship. Isa ang Imperial University sa pinakamalaki at pinakamagandang unibersidad sa bansa. Madalas nga puro mga anak ng celebrity o mga pulitiko ang nag-aaral dito, o basta galing sa mayamang pamilya.

Ako nga pala si Jasper Reyes, labing walong taong gulang. Business Management ang kursong kinuha ko rito sa Imperial University.

Noong una nga ay kinakabahan ako kasi ang akala ko ay mabu-bully ako rito. Hindi ba't gano'n naman sa mga pelikula at libro? If someone didn't come from the same socio-economic background, normall ay mabu-bully.

Iyon ang bagay na kinatatakutan kong mangyari lalo na't hindi ko naman gusto ng gulo. Ang gusto ko lang ay maging tahimik ang buhay ko rito at makapagtapos para mabigyan ng magandang buhay si Mama.

Pero mali pala ako ng inakala. Kahit kasi puro mayayaman ang mga estudiyante rito, lalo na ang mga kaklase ko ay ang daming mababait. Hindi ko ni minsan naramdaman na magkaka-iba kami ng estado sa buhay. Hindi nila pinaramdam sa akin iyon.

"Good morning, Jas!" nakangiting bati sa akin ng kaklase kong si Cassie.

Isa si Cassie Imperial sa mga kaklase at kaibigan ko. Pamilya rin niya ang nasa likod ng unibersidad na ito. 17 years old pa lang si Cassie, pero may pagkamatangkad siya. Maganda si Cassie at puwedeng puwede pumasok bilang artista, feeling ko nga ay papasa rin siyang beauty queen.

Mas matangkad pa nga siya sa akin, eh. 5'2 lang kasi ang height ko. Hindi ko alam, pero mula noong 4th year high school ako ay hindi na ako mas tumangkad pa. Pero lagi naman nilang sinasabi na kung gaano raw ako kaliit, ay siyang laki naman ng utak ko.

Para sa akin ay hindi naman talaga ako matalino, masipag lang talaga akong mag-aral.

"Good morning, Cass," nakangiting bati ko naman pabalik.

Mahina akong natawa nang ibagsak niya ang noo niya sa desk. Medyo napalakas ata iyon kasi napangiwi pa siya.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" tanong ko.

"Gusto kasi nila Mom na tumuloy na muna ako kina Tita Love at Tito Leroy kasi mas malapit daw ang bahay nila dito sa university," nanlulumong saad niya.

"Oh, eh ano namang problema ro'n?"

"Meaning, makakasama ko si Kuya Levi sa bahay!" aniya at umirap pa. "Lagi kasi iyong nagdadala ng kaibigan sa bahay nila, tapos madalas hanggang madaling araw sila mag-inuman at nag-iingay. Paano ako makakapag-aral ng maayos?" mahabang dagdag pa niya.

"Baka makinig naman sa 'yo kung kakausapin mo ng maayos," mababa ang boses na saad ko.

"Ewan ko! Bahala na," aniya.

Tipid na lang akong ngumiti at nagpasyang magbasa na lang ng notes habang naghihintay sa professor. Ilang saglit lang ay nagsimula na ang klase. Hindi ko namalayan ang oras at mabilis lang naman iyong natapos. Hanggang sa dumating na ang lunch at sabay kaming nagpunta ni Cassie sa cafeteria.

Sa toto lang ay sanay naman akong kumain ng mag-isa, at bago ako pumasok sa unibersidad ay gano'n na ang in-expect ko na mangyayari. Pero dahil nga mababait naman ang mga kaklase ko, ay lagi akong may kasama na siyang nakakatuwa.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon