Chapter Eleven

199 15 5
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang hanggang Chapter 15 ng story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Eleven

"Nakakapagod ang biyahe, ano?" sabi ni Marcus habang nasa poolside kaming lahat.

Umiinom ulit kami, pero as usual ay pakonti konti lang ang akin habang sina Cass at Sasha ay juice ulit ang iniinom. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang lasa ng alak, pero dahil malamig dito ay parang ang sarap sa feeling ngayon. Ang init kasi sa loob.

"Pagod kasi tayo sa soccer practice kanina, kaya kahit na hindi naman gaanong malayo ang biyahe ay parang sobrang nakakapagod pa rin," sabi naman ni Van na tinanguan naming lahat.

Alas diez na ng gabi, at hindi ko inaasahan na tatagal pa sila ng ganito sa inuman gayong pagod nga ang lahat. Kung sabagay ay mukhang malalakas naman talaga silang uminom.

"Ah! Bahala kayo, basta ako gusto ko nang magpahinga para may energy ako bukas!" ani Sasha at tumayo na mula sa kinauupuan.

"Nauubusan ka pala ng energy, Sasha?" may halong pagbibiro na tanong ko naman na tinawanan nilang lahat.

"Nagtataka nga rin ako sa sarili ko!" pagsakay niya sa biro ko at natawa pa.

"Sasama na ako kay Sasha," sabi naman ni Cass at agad na tumayo. "Okay ka lang ba rito, Jas?" tanong pa niya sa akin.

"Bakit naman hindi? Hindi naman namin siya ire-rape dito!" pagbibirong sagot ni Levi kaya natawa sina Marcus, kami naman nina Cass ay napangiwi.

"That's not the point!" giit ni Cass. "Kapag nalaman ko na pinagtripan mo na naman si Jas lagot ka talaga sa akin kuya!" may halong pagbabanta na dagdag pa niya kaya mas lalong lumakas ang tawanan.

"Hindi ko na gagawin iyon! Alis na nga!" pagtataboy naman ni Levi sa pinsan niya.

Nagkibit na lang ng balikat si Cass bago sila naglakad ni Sasha papasok sa loob ng bahay para magpahinga na. Kami nina Levi, Marcus, Yael at Van na lang ang natira sa poolside.

"Kayo ba, hindi pa ubos ang energy niyo?" tanong ko naman.

"Ubusin namin itong isang bote," sagot ni Levi. "Puwede ka naman nang magpahinga na kung gusto mo. Okay lang," nakangiting dagdag pa niya.

"Hindi, okay lang! Hintayin ko na kayo," nakangiting sagot ko naman.

"Swimming tayo sa Jacuzzi mamaya, para presko sa pagtulog!" suhestiyon pa niya kaya tumango na lang ako.

"Pupunta nga pala ng maaga si Alyana rito bukas, bro!" sabi ni Marcus kay Levi na siyang kinagulat ko.

Hindi naman ako sumabat sa usapan nila. Hinayaan ko lang sila at nakinig lang ako.

"Bakit?" tanong ni Levi.

"Anong bakit? Malamang gusto ka niyang makasama! Alam mo naman na sa ganitong mga okasyon lang kayo nagiging libre!" sagot naman ni Marcus.

"Alam mo na ang tungkol kina Alyana at Levi, hindi ba Jas?" tanong naman ni Yael kaya pilit akong ngumiti at tumango. "Pinsan ni Marcus si Alyana," dagdag pa niya kaya bahagya na lang ulit akong tumango.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon