Chapter Four

277 15 0
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang story na ito sa ating YT Channel. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click  niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,


Chapter Four


"Jas! Mabuti naman at nakabalik ka!" excited na saad ni Cass nang makita akong paparating kasama si Levi.

"Ayaw nga pumayag ng mama niya, but I used my charm to convince her," mayabang na sagot ni Levi kaya nagtawanan ang lahat, ako naman ay napangiwi na lang bago umupo sa tabi ni Cass.

"Thank you, Kuya Levi!" masayang sagot ni Cass bago ako muling binalingan ng tingin. "Nagdala ka ng extra clothes? Mag-night swimming tayo!" marahan na lang akong tumango sa sinabi niya.

"Sir Levi, kain muna daw po kayo ng dinner kasabay ang mga magulang niyo," sabi ng isang may edad na babae na lumapit sa amin.

"Sige, Manang Lorna. Susunod kami," sagot naman ni Levi.

Marahang yumuko ang kasambahay tapos ay naglakad na papasok. Ang mga kasama ko naman sa mesa ay nagsitayuan na rin kaya kahit na nahihiya ay sumunod na ako sa kanila papasok sa bahay.

"Jas! Buti at nakabalik ka," nakangiting sabi ni Tita Love nang makita ako. "Hon, siya iyong sinasabi ko kanina. Scholar siya ng Imperial University, siya rin ang naglinis ng mga isda," masayang pagkukuwento pa niya sa isang may edad na pero guwapong lalaki na nasa tabi niya. Malamang ay siya ang tatay ni Levi, kamukhang-kamukha niya, eh!

"Magandang gabi po," nahihiyang bati ko ay bahagya pang yumuko.

"Nice to meet you, Jas. Tito Leroy na lang," nakangiting saad naman niya sa akin kaya marahan akong tumango.

"Maupo na kayo para makakain na tayo. Alam ko naman na atat na kayong uminom ng alak," sabi naman ni Tita Love kaya nagtawanan sina Levi at ang tatlo niyang kaibigang lalaki.

Hindi man lang ako nakaramdam ng excitement doon kasi hindi naman ako umiinom. Ewan ko lang kina Cass, Sasha at Monique. Pero underage pa si Cass, kaya malamang ay hindi siya papayagang uminom mamaya. Sina Sasha at Monique ay kasing edad ko lang na disi-otso.

Ang daming putahe ang nasa mesa. May fried chicken, may ulam na may mga sarsa at gulay. Meron nga ring carbonara at lasagna doon. Parang pasko. Pero kahit na pasko ay hindi ko naranasan na magkaroon ng ganito karaming handa sa amin. Dalawa lang naman kasi kami ni mama, at nasanay na ako na iyong sasakto lang sa aming dalawa ang handa sa tuwing may okasyon.

Pero kahit na gaano pa karami ang masasarap na putahe sa hapag ay iyong paksiw na bangus pa rin ang pinili ko. Napansin ko na napatingin sa akin sina Cass, Sasha, Monique, at maging ang mga kaibigan ni Levi dahil doon at hindi ko alam kung bakit.

"Jas, huwag kang mahihiya, ah? Kumain ka lang," may halong pag-aalala na wika ni Cass.

"Uy, ang sarap kaya neto. Favorite namin ni mama ang paksiw na bangus. Lalo na iyong maraming talong at ampalaya, tapos sakto lang ang pagkaka-asim," mahabang kuwento ko naman.

Narinig kong napahagikgik si Tita Love dahil sa sinabi ko, si Tito Leroy naman ay napangiti na lang.

"Hindi kasi gusto niyang sina Levi at Cass ang amoy ng paksiw, hijo," sabi naman ni Tito Leroy.

Pilit na lang akong ngumiti dahil sa narinig at hindi na sumagot. Hindi ko naman kasi gusto na may iba na namang isipin si Levi. Kumukulo pa naman ang dugo niya sa akin, at lahat ng kilos at sinasabi ko ay mali para sa kanya. Baka sabihin niya na pabida na naman ako. Mas maigi na iyong umiiwas ako sa gulo.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon