Chater Eight

226 15 2
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Eight

Bahagya akong napalingon kay Levi na nakaupo sa bench. Wala na ang mga kasama niya at medyo madilim na sa soccer field. Medyo late kasi silang natapos sa practice ngayon, kaya late na rin kaming matatapos sa pagliligpit ng mga naiwan nilang gamit.

"Levi, mauna ka na kaya para makapagpahinga ka na? Alam ko naman na pagod ka sa practice. Okay lang ako!" wika ko.

"Okay lang!" sagot naman niya.

Nagkibit na lang ako ng balikat dahil sa narinig. Ilang sandali lang ay pasimpleng lumapit sa akin ang isa sa mga kasama kong naglilinis.

"Parang boyfriend lang ang peg niya, 'te! Haba ng hair mo at hinihintay ka ng isang Levi Hernandez," bulong niya. "Sabihin mo ang totoo, mangkukulam ka ano? Ginayuma mo siya ano?" pagbibiro pa niya kaya sabay kaming natawa.

"Loka-loka!" sagot ko at marahan na siyang itinulak palayo sa akin.

Sa totoo lang ay nakakakilig din ang ideya na hinihintay niya ako ngayong matapos para maihatid na pauwi. Noong gabing magka-usap at magka-ayos kami, ang in-expect ko ay at least magiging civil ang pakikitungo niya sa akin. Pero parang sobra pa ang nangyari.

Nakakakunsensiya tuloy na sinabihan ko siyang pangit ang ugali kahit na sa utak ko lang. Well, gano'n naman kasi ang pinakita niya sa akin noong una kaya iyon ang naging first impression ko sa kanya! Mag-a-alas siete na ng gabi nang matapos kami sa ginagawa. Agad ko namang nilapitan si Levi at sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot ng university.

"Pasensiya ka na, dapat talaga nauna ka na, eh! Alam ko naman na pagod ka sa practice!" wika ko nang makasakay na kami sa sports car niya.

"Okay lang talaga," aniya at ngumiti pa sa akin bago pina-andar ang sasakyan. "Libre mo na lang ako ng dinner!" dagdag pa niya at ngumisi pa.

"Luh, wala naman akong pera! Kung gusto mo sa bahay ka na lang kumain. Ipagluluto na lang kita," sabi ko naman.

"Sige ba! Kailangan ko rin kasing maka-usap ang mama mo. Ipagpapa-alam kita para sa lakad natin sa Friday," sagot niya.

"Alam mo, kung ako lang gusto ko talagang sumama. Pero kahit na pumayag si Mama ay nag-aalangan pa rin ako, kasi nga hindi ko siya kayang iwan ng tatlong araw. Masyadong matagal iyon," mababa ang boses na wika ko.

"Mahal na mahal mo talaga ang mama mo, ano?" mahinahong tanong niya, ngumiti naman ako bago tumango.

"Iniwan na kasi kami ni tatay, at wala namang ibang tutulong sa kanya kung hindi ako lang din," sagot ko.

"Wala kayong ibang pamilya o kamag-anak?" tanong ulit niya.

"Meron naman, pero madalas lang silang nagpupunta sa bahay kapag mang-uutang ng ulam," sagot ko at natawa pa. "Hindi naman namin sila maasahan na tulungan kami. Pero okay lang iyon. Pamilya pa rin naman kasi sila ni mama," dagdag ko pa.

"You're making me feel bad again," aniya na kinagulat ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon