Chapter Fifteen

191 15 1
                                    

Hello, guys! Uploaded na rin po ang hanggang Chapter 15 ng story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!

lovelots,

Chapter Fifteen

"Are you okay?" tanong sa akin ni Levi pagkaparada niya ng sports car niya sa tapat ng bahay namin. Alas nueve na iyon ng gabi at wala nang mga tao ang nakatambay sa harap ng tindahan namin.

Kaninang mga bandang alas otso kami nakauwi sa kanila mula sa Tagaytay, tapos ay nag-dinner muna kami sa bahay nila at ngayon naman ay hinatid niya ako pauwi. Medyo nakakalungkot lang na ang bilis lumipas ng araw, pero masaya pa rin kasi naka-bonding ko sila, tapos ay napunta pa kami sa ganitong stage ni Levi.

"Oo naman," sagot ko at tipid na ngumiti kahit na ang totoo ay pagod ako at inaantok na. "Salamat sa paghatid sa akin," dagdag ko pa.

"Hatid na kita hanggang sa loob. Gusto ko ring magpakita sa mama mo, baka lang magkaroon ako ng pogi points sa kanya kapag alam niya na consistent ang paghatid at sundo ko sa 'yo," sabi niya kaya mahina akong natawa.

"Ikaw ang bahala," sagot ko tapos ay sabay na kaming bumaba sa sasakyan niya.

Pansin ko na mapupungay na ang mga mata niya, feeling ko ay pagod at inaantok na rin siya pero pinilit pa rin niya akong ihatid dito sa bahay. Ang ideyang iyon ay parang mainit na bagay na humahaplos sa puso ko. Sino nga bang mag-aakala na ang mayabang at tigasin na si Levi ay ganito kalambot pagdating sa akin ngayon?

Hindi ko alam kung deserve ko ba ito. O baka naman niligtas ko ang buong mundo sa nakaraang buhay ko kaya binibiyayaan ako ng ganito kagandang regalo ngayon. Bago kami bumiyahe pauwi ay nag-text ako kay mama at sinabi na baka maeydo late na kaming makakarating ngayon, kaya hindi na ako nagtaka nang hindi naka-lock ang gate at pinto ng bahay namin. Pero naabutan pa rin naman namin sa sala si mama pagkapasok namin.

"Mano po, ma!" sabi ko agad.

"Mano rin po, tita. Magandang gabi po!" bati rin ni Levi at nagmano kay mama pagkatapos ko. "Hinatid ko lang po si Jas," sabi pa niya.

"Salamat hijo. Nag-enjoy ba kayo doon?" nakangiting wika naman ni mama.

"Opo ma!" masayang sagot ko naman.

"Maupo muna kayo at magpahinga saglit dito. Gusto niyo ba ng kape o mainit na gatas?" sabi pa ni mama.

"Kape na lang po sa akin," sabi naman ni Levi.

"Ako na po ang gagawa ma!" sabi ko naman tapos ay agad na nilapag sa upuan ang dala kong travel bag, dumiretso na rin ako sa kusina para makagawa ng kape para sa amin ni Levi. Nang matapos ay agad ko naman silang binalikan ni mama sa sala.

"Ang dami pong hinandang pagkain, pero naunang naubos iyong binigay niyong kalamay. Balak nga po ng mga kaibigan namin na pumasyal dito minsan para lang po makikain ng kalamay," narinig kong sabi ni Levi kaya napangiti ako.

"Binili ko lang naman iyon sa bayan, pero sabihin niyo kay Jas kung kailan nang makabili ulit ako," sabi naman ni mama. Umupo na ako sa tabi ni Levi pagkalapag ko ng mga kape sa maliit na lamesita.

Nagkuwentuhan pa sina mama at Levi. Pansin ko na parang ang gaan ng loob ni mama sa kanya na siyang nakakatuwa. Hindi nagtanong si mama kahit na minsan tungkol sa kasarian ko, pero gaya nang sinabi ko ay kilalang kilala niya ako. At kahit na wala siyang sabihin ay alam kong ramdam niya kung ano talaga ako. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ayos lang ba na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Levi. Ewan ko. Bahala na siguro.

Paper Planes (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon