Hello, guys! Uploaded na rin po ang hanggang Chapter 15 ng story na ito sa ating YT Channel. Mas nauuna po ang update sa YT kaya sana po mag-subscribe din kayo. Just search for King BL Stories (@blstoriesPH). Or click niyo lang po ang link sa profile ko, hehe. Nasa comment section din po ang link! Sana po makapag-subscribe kayo sa channel natin. Maraming salamat po!
lovelots,
Chapter Fourteen
Mabuti na lang at hindi na ulit nagsalita pa si Cass patungkol sa cheaters. Nang matapos naman kami kumain ay nagpahinga lang si Alyana saglit bago nagpaalam na aalis na. Gusto pa nga niya na sumama si Levi sa paghatid sa kanya, pero hindi pumayag si Levi. Ngayon naman ay masaya kaming nag-iinuman na naman sa poolside kahit na mainit ang sikat ng araw. Ngayon lang ako parang naging masigla ulit, ngayong wala na si Alyana.
Lumipas pa ang mga oras at medyo nakakarami na sila ng inom. Maging si Sasha nga ay uminom din ng konti, kaya naman nahilo siya agad at nanahimik na lang na nakaupo. Pinagtatawanan siya ng iba dahil doon. Medyo kinabahan tuloy ako. Kapag kasi nahalata nila na nahihilo na rin ako ay baka pagtawanan din ako.
"Kaya pa girl? Pahinga ka na muna kaya? Meron pa naman mamayang gabi," ani Cass kay Sasha.
"Matutulog muna ako..." sabi naman niya.
"Jas, pakihatid naman siya sa kuwarto," ani Cass sa akin tapos ay kumindat pa na parang may plano. Ngumiti naman ako bago tumayo at nagpasyang alalayan at ihatid na si Sasha sa kuwarto nila ni Cass. Nang makahiga na siya sa kama ay agad niyang niyakap ang isang unan kaya natawa ako.
Pagkalabas ko sa kuwarto ay agad kong nakasalubong si Levi. Kinagat ko ang ibabang labi ko at bababa na sana pero mabilis niya akong hinila papasok sa master's bedroom. Hindi niya sinara ang pinto, pero pinasandal niya ako sa pader tapos ay agad na hinalikan sa labi. Napahawak naman ako sa matipuno niyang dibdib dahil doon.
"Sorry kay Alyana kanina," malambing na bulong niya sa akin kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Sinundan mo ba ako rito? Baka magtaka sila," may halong pag-aalala na sabi ko.
"Inutusan lang ako ni Cass na kunin ko daw ang phone niya," sagot naman niya kaya napangiwi ako.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ko kaya agad kong kinuha iyon at nakita na si Cass ang nag-chat. Take your time. Alam ko na kanina niyo pa gustong mag-usap. Sabihin niyo na lang hinanap niyo pa ang phone ko. Iyon ang laman ng mensahe. Napanguso naman ako tapos ay pinakita iyon kay Levi.
"Nakita daw niya na hinalikan mo ako sa Jacuzzi..." mahinang wika ko kaya napangiti siya.
"Okay lang iyon, at least may isang nakaka-alam kahit na papaano. May isang tutulong sa atin, gaya nito," sagot naman niya kaya marahan akong tumango. Kinuha ko iyong dalawang keychain na nasa bulsa ko, tapos ay agad na binigay sa kanya iyong isa na may pangalan niya.
"Binili ko kanina. Ikaw kasi ang una kong naalala," mahinang wika ko.
"Ang cute naman," malambing na bulong niya tapos ay pinagdikit ang tungki ng mga ilong namin, napapikit ako kasi ang akala ko ay hahalikan na naman niya ako, mahina pa siyang natawa dahil doon. "Akala mo hahalikan kita? Addict ka na rin ba sa labi ko?" dagdag pa niya.
"H-Hindi kaya!" depensa ko tapos ay nag-iwas ng tingin.
"Sa 'yo dapat ito," aniya bago binalik sa akin ang keychain na may pangalan niya. "May puso kasi sa dulo ng pangalan ko, kaya parang ito ang puso ko. Kaya sa 'yo dapat ito, tapos sa akin iyong may pangalan mo," paliwanag niya kaya muli na naman akong napangiti dala ng labis na kilig.
BINABASA MO ANG
Paper Planes (BL Story)
Ficción GeneralWe often feel like we're paperplanes, trying to fly high with hopes. But just like paperplanes, we easily get broken as we land at the surface of grief.