Chapter 6: Work

45 12 0
                                    

Jam POV:

Kahit gusto ko matulog ay agad ko hinanap yung impormasyon ng pinapahanap ni bossing.

Matapos ang ilang minuto ay agad ko nahanap yung impormasyon na kailangan ko.

Kianna Vanity Deborah anak ni Reymart Deborah na isang sikat na businessman at madami din illegal na business na pinapatakbo katulad ng human trafficking.

Minda Montague pangalawang asawa ni reymart na magmaltrato kay Kianna at nagbenta sa kanya kay chengdu.

Tracey Montague anak ni minda sa dating asawa at isa din sa nagpahirap kay kianna.

Ibang klase yung nangyari sa babae na si kianna kaya ngayon pa lang saludo na ako sa babae na ito. Sana makayanan niya yung nangyari sa kanya.

Agad ko tinawagan yung tauhan ko para gamutin yung binaril ni bossing. Hindi pwede na mamatay yung mga hayop na yun.Kailangan muna nila magdusa sa kamay nila bossing at sa tingin ko si boss drick yung magbibigay ng parusa sa mga iyon.

Buhay pa ba yung binaril ni boss?” pagtutukoy ko doon sa mga lalake na harap-harapan binastos si kianna.

Oo boss buhay pa.” sagot naman ng tauhan ko.

Good kailangan gumaling agad yan” nakangisi kong sabi.

Tiyak may bagong obra na naman akong magagawa.

Dahil tapos na ako sa ginagawa ko ay agad akong nagtungo sa bathroom para maligo. Ang lagkit kasi ng pakiramdam ko. Mula kanina sa bakbakan ay hindi pa ako nakaligo dahil sa dami ng nangyayari. Kaya kailangan ko maligo bago matulog. Ilang oras na rin yung itatagal bago sumapit yung umaga. At kailangan ko pa matulog kahit kunti para hindi ako magiging sabog kinabukasan.

Pagkatapos kong maligo ay agad ako dumapa sa kama. Hindi ko na kailangan magdamit kasi mas gusto ko yung nakahubad para maganda sa pakiramdam.

At dinalaw na nga ako ng antok.

**CCCCringggggggggggg**

Ay potahhh agad akong napasigaw matapos tumunog yung alarm clock. Mas matindi pa nahulog ako sa kama ko. Sanggalang buhay too.

Dahil oras na ay agad ako nagtungo sa cr para maligo at para fresh ako haharap kay boss drick kahit yung dala kong balita ay sobrang masama na alam ko hindi niya magugustuhan.

Matapos ang ilang minuto ay handa na ako kaya nagsimula na ako maglakad para bumaba ay kumain. Gutom na din kasi ako. Habang pababa ako ay sobrang tahimik ng paligid yung masasabi mo talagang ang sarap magbakasyon if ganito ka ganda na tanawin ang bubungad sayo.

Mmm asan si bossing?” tanong ko sa bodyguard na pakalat-kalat.

Hinatid si Lord Drick papunta sa airport” magalang na sabi naman ng isang bodyguard.

Mmm bakit kaya agad na umalis yun. Ay ewan, makakain na nga.

Nagsimula na akong kumain dahil ako na lang ata yung hindi pa nakakain.

Dahil masarap yung ulam ay ganado akong kumain.Habang sarap na sarap ako sa kinakain ko nang may biglang sumigaw sa itaas.

Tamaa naaaaa sigaw ni kianna.

Kaya kahit na hindi pa ako tapos sa pagkain ko ay agad ako tumakbo papunta sa itaas.

Wag kayong lalapit yan yung bungad sa akin pagpasok ko sa kwarto nyo habang yung dalawang bantay na nasa labas ng kwarto niya ay nasa isang tabi sinusubukan siya pakalmahin.

Unknown Protector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon