“Done, let's go bayaran na natin to.” nakangiting pahayag ni Lady Kianna hays isa lang masasabi ko sa kanya isa siya moody na babae.
Agad kami pumunta ng counter. At naglinya.
“Doon na lang kayo sa labas,ako na dito.” pagtataboy niya sa amin.
At dahil medyo mahaba ang pila ay dumiritso na kami sa labas para doon maghintay.
“I'm going to the comfort room, make sure that Kianna will not leave here without you.” paghahabilin nito sa akin agad naman ako sumaludo sa kanya.
Ako naman ay naghintay ng ilang minuto dito sa labas. Buti na lang may upuan sa labas ng store kaya agad din akong umupo para doon maghintay. Ang pangit kaya maghintay ng nakatayo. Tapos medyo mahaba pa yung linya doon sa counter kaya medyo matatagalan si Kianna doon. Habang naghihintay ay nanood muna ako ng Anime sa Cellphone ko. Para hindi ako mabored at mainip.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Kianna bitbit yung pinamili niya. Kaya agad kong kinuha yung bitbit niya para hindi na siya mahirapan.
“Asan yung masungit mong kasamahan dei.” biglang sabi ni Lady Kianna habang umupo sa inuupuan ko kanina.
“Ah si Laxus, nag cr lang.” pahayag ko sa kanya.
“Tagal naman, kain muna tayo dei gutom na bulati ko sa tyan.” nakanguso niya sabi.
Ng biglang tumunog yung tyan niya.
“See gutom na sila.”
“Oo na kakain na tayo. Saan mo ba gusto?” pagtatanong ko sa kanya habang nagsimula na kami maglakad para maghanap ng pwede kainan.
“Sa jollibee na lang tayo.Sabihan mo din yung iba para sabay-sabay na tayo kumain. Alam ko gutom na din sila.” pagtutukoy niya sa tatlo na nasa grocery store.
Pagkatapos ko masend yung message kay janelle at laxus ay dumiritso na kami sa third floor ng Mall. Kung nagtatanong kayo bakit kay janelle ako nagsend ng message dahil yung dalawa ay hindi uso sa kanila magbasa ng messages dahil sa dami ng babae nila. Kadalasan pag may inuutos si Boss Sydrick ay tumatawag ito. Isa din kasi yun si Boss Sydrick na di mahilig sa text. Si Laxus naman alam ko may tinatakasan yun. Yung mga babae kaya ang tagal dumating. Madalas kasi hinahabol sya ng babae kahit sa cr kaya probably nililigaw pa niya yung mga nabihag sa kanya.
Pagkarating namin sa jollibee ay agad na pumila si Lady Kianna sa counter. Habang ako naman ay naghahanap ng mauupuan namin. Dahil medyo madami yung kumakain ay sa second floor ng Jollibee ako pumunta.
.
.
.
.
.
.
.
Makaraan ng ilang minuto ay nakarating na yung dalawa. Si Vin at Ryujin.“Asan si janelle bat hindi nyo kasama?”nagtatakang tanong ko sa dalawa.
“Nasa counter tinulungan si Lady Kianna sa order na gusto nila.” habol hininga saad ni Vin.
“Nangyari sa inyo?” para kasi sila hinabol ng sampong tigre.
“Ito kasi si Ryujin pinagtripan si janelle kaya ayon gumanti si janelle. Pinagsigawan ba naman doon sa grocery store na naghahanap kami ng magiging asawa.” nakangiwi na saad ni Vin. Habang pinaypayan yung sarili gamit ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Unknown Protector
Mystery / ThrillerWARNING:R🔞 Kianna Vanity Deborah ay isang anak mayaman ngunit naging alipin ng bagong asawa ng kanyang ama at anak nito. Akala niya matatapos na ang kanyang paghihirap pagabot niya ng kanyang labing walong kaarawan ngunit mas lalo pala hihirap ang...