Third-Person Point Of View:
Nang tuluyan makatulog si Kianna ay siya rin pagbuntong hininga ni sydrick dahil sa nangyari sa airport ng kaibigan niya. Halos mawalan siya ng hininga ng bigla may humarurot na sasakyan papunta kung saan tatawid sana si Kianna.
Kaya agad niya tinawagan yung taong may-ari ng Airport na pinaglalapagan niya.
“Yow bossing.” masiglang bati ni jam sa kabilang linya.
“Tsk, check everything in your airport a while ago before it turned into ashes.” pagbabanta naman ng binata na si Sydrick.
Dahil alam nito na nakarating na kay jam yung nangyaring kaguluhan kanina sa airport.
“I already working on it as of the moment.” seryuso nito sabi. Nawala na yung pala biro na jam. Dahil ayaw niya na may isang napahamak sa bisita niya lalo na pinili nito na sa airport niya lumapag. Hindi niya ito palalagpasin na lang. At kaibigan niya pa yung muntik na mapahamak.
“Make sure you do it right a way, I want it within 5 minutes.” malamig na pahayag ni Sydrick habang inaayos yung pagkakayakap ni Kianna sa kanya.
“Got it” nakangising saad ni jam.
“Look what i found drick, yung matagal na natin pinaghahanap, siya mismo ang lumapit sa atin.” di makapaniwalang pahayag nito. Dahil yung may-ari pala ng sasakyan na muntik makasagasa kay Kianna ay tauhan ni Zong.
“Tsk” saad naman ni sydrick.
Hindi na niya naaasikaso yung tatlo na kaaway niya dahil mas inuuna niya yung pamamalakad sa Familia lalo na ngayon na minamadali ng lolo niya yung kasal ni lang dalawa ni Kianna. Pero dahil sa nangyari kailangan na niya itong patahimikin para na rin sa kaligtasan ni Kianna.
••••••••••••••••••
Sa kabilang banda naman ay nasa mansion sila Laxus, Vin, Ryujin dahil si dei yung natalo sa pustahan kaya ito yung kumuha kay sydrick sa airport.
“Ang tagal naman ni dei.” reklamong saad ni Vin na kanina pa natatakam sa pagkain na nasa dining hall.
“Tigilan mo yang pagmumukha mo Vin, mukha kang aso na naglalaway dyan.” nandidiring saad ni Ryujin na dahan-dahan kinukuha yung isang lumpia sa may paanan niya. Pero agad niya itong binaba ng makita niya matalim na titig nagmumula kay Laxus.
“Sabi ko nga na hintayin natin sila.” alinlangan na pahayag ni Ryujin.Kaya kumuha na lang siya ng isang ubas para maibsan yung gutom niya. Di kasi sila pwede mauna kumain dahil si Kianna yung nagluto ng lahat.
Agad naagaw yung atensyon ni Ryujin at Vin na kasalukuyan kinakain yung prutas na nakikita nila sa lamesa. Yung biglang pagtunog ng cellphone ni Laxus.
“What is it?” malamig na pahayag ni Laxus.
Habang yung dalawa naman ay nagmamasid sa reaction nito. Mula sa pagiging malamig ay napalitan ito ng biglang pagalala na siya kinakunot ng noo ng dalawang chismoso.
“What?” biglang saad ni Laxus. Kaya hindi na nakatiis yung dalawa.
“Woi laxus ano yan.” pangiintriga ni Vin.
“Kianna almost hit by a car in the airport.” mariin na pahayag ni Laxus pero bakas pa rin yung pagalala sa boses nito. Hindi man sila magkasundo ni Kianna dahil palagi siya nitong inaasar ay inaalala pa rin niya yung kalagayan nito. Sapagkat tinuturing niya itong nakakabatang kapatid.
BINABASA MO ANG
Unknown Protector
Mystery / ThrillerWARNING:R🔞 Kianna Vanity Deborah ay isang anak mayaman ngunit naging alipin ng bagong asawa ng kanyang ama at anak nito. Akala niya matatapos na ang kanyang paghihirap pagabot niya ng kanyang labing walong kaarawan ngunit mas lalo pala hihirap ang...