Kianna POV:Isang buwan na ako dito na ninilbihan sa mansion ng kapatid ni sir syndrich. At masasabi ko na sobrang pinagpapasalamat ko na mababait yung tao dito. Maliban na may rules kami na kailangan sundin lalo na ako dahil bawal ako umalis sa bakuran o sa loob ng lupain ni sir syndrich at hindi ko alam bakit, dahil utos iyong ni sir syndrich ay sinusunod ko na lang. Halos lahat ng mga tauhan dito ay nakaclose ko na rin. Alam din nila yung pinandaanan ko at sobra ko na pinagpasalamat na hindi nila ako hinusgahan bagkus ay tinanggap nila ako.
“Van! nandito ka lang pala”
“Oh!Ano kailangan mo??? Jam-jam??”
Pagtatanong ko sa kanya habang hindi inaalis yung paningin ko sa tinatamin ko na Rosas. Dahil walang kakulay-kulay yung garden nila. Tinawag na garden pero bermuda grass lang yung tanim kaya naisipan ko na lagyan ng mga bulaklak.
“Ay! galit yarn???” pangiinis ni jam sa akin.
Naging close na din kami ni jam dahil halos siya yung palagi kong kasama noon unang pasok ko pa dito. Puro siya nga yung nagsasalita habang ako tahimik lang. At naintindihan niya ito. Laking pasalamat ko din sa kanya dahil isa siya sa dahilan bakit mas pinili ko magpatuloy sa buhay.
“Bakit ba kasi?Kita mo may ginagawa yung tao eh.” naiinis kong sabi sa kanya. Habang pinagpatuloy yung pagtatanim ko ng buto. Gusto ko kasi mapuno ng bulaklak tong garden nato. Dahil wala naman may gusto na magtanim ng bulaklak dito. Kaya ako na gagawa.
“Mmm, magtatanong lang kung ano gustong pasalubong pagbalik ko.Pupunta kasi akong bayan at dahil di ka pwede lumabas baka gusto mo bilhan kita ng pagkain na gusto mo. Kung gusto mo lang naman.Hindi kita pipilitin kong ayaw mo.” pagkukunwaring sabi ni jam.
Alam ko na kung ano yung tinutukoy niya para sa kaligtasan ko ay mas pinili kong hindi lumabas.Sobrang ganda na kasi dito sa lupain ni sir syndrich so hindi ko na kailangan umalis. At yung pera na sweldo ko ay iniipon ko dahil gusto ko magaral ulit.
“Yakult, pizza, shumai tapos pipino, saka iba't-ibang klase na chocolate, junk foods, at streetfoods na ano.” pagpapakyut ko kay jam. Na agad naman siya ngumiwi dahil sa dami ng sinasabi ko na pagkain.
“Woww Van wala ka naman siguro nalimutan sa pagkain na gusto mo no? Baka meron pa, wag ka na mahiya.” sarcastic niya sabi.
“Mmm wala na tama na yan sa ngayon.” nakangiti kong sabi sa kanya. At agad binalik yung atensyon ko sa pagtatanim. Habang si jam naman ay hindi makapaniwala sa ipapabili ko sa kanya.
“Grabe ka kumain Van, di na ako magtataka kung sino nakakaubos ng stock na pagkain.”
pangaasar pa nito.“Layas na busy ako, wag mo kalimutan yung pagkain ko ahh” pagtataboy ko sa kanya.
At tuluyan na natahimik yung paligid.Kaya tinignan ko si jam yun pala ay nakasakay na sa kotse nito palabas. Sana mabuhay tong mga tinanim ko. At kay jam din ako nagpabili ng buto para sa mga bulaklak. Inuna ko na tong garden sa kapatid ni, sir. syndrich. Isusunod ko naman yung garden ni sir syndrich.Para naman mabigyan ng buhay itong magandang mansion nila.
BINABASA MO ANG
Unknown Protector
Mystery / ThrillerWARNING:R🔞 Kianna Vanity Deborah ay isang anak mayaman ngunit naging alipin ng bagong asawa ng kanyang ama at anak nito. Akala niya matatapos na ang kanyang paghihirap pagabot niya ng kanyang labing walong kaarawan ngunit mas lalo pala hihirap ang...