CHAPTER TWENTY-SEVEN
Ever since Shane found out that I'll be staying here for good, and I'd be with Emerald until I have a place to stay—which I think would be for months dahil mukhang ayaw din akong paghanapin ni Emerald—my sister decided na gawin na lang ding pansamantalang bahay ang bahay ng kaibigan ko. Akala mo talaga ay dormitory. Ginagawa pa minsang taga-hatid-sundo si Emerald lalo kapag malelate na siya. Madalas naman nga pala siya ma-late kaya madalas din siyang ihatid. Em never complained about it. She enjoyed having me pati na si Shane dahil nagkakaroon siya ng mas batang kapatid na hindi niya na talaga naranasan.
My sister was still the same as she was before I left. She might have missed me, pero hindi no'n mababago ang katotohanan na hindi expressive ang kapatid ko. That time when she cried on my shoulders might be the first and the last for a while. She didn't like to tell people how much they meant for her. If there's a thing na mas mataas pa kaysa sa height niya, it's her pride.
Simula rin nang mag-stay ako kasama sila ay kahit minsan ay hindi pa nabanggit ang pangalan ni Zyrelle. Mukhang tinatantya pa nila kung anong magiging epekto no'n sa akin, at alam ko ring nag-aalala pa sila kung gaano nga ba kalala ang naging dulot niya sa akin, ngunit hindi rin nila sinubukang sabihin. Ramdam ko na gustong-gusto na ito i-open up ni Shane, pero kapag nakikita niyang nakatitig ako sa kanya ay ititikom niya na lang ulit ang bibig niya. Kahit sa panonood ng mga palabas sa TV ay binabantayan din nila ako. They were trying to not let me watch any of his shows, and when his advertisement shows up, ililipat agad nila ang channel at maghihintay pa ng ilang segundo bago ibalik sa palabas. These two girls were so lovable!
That thing had been going on for almost two months. I was grateful for it, yes, but a closure was needed for the wound to fully heal. Parehas silang hindi papayag sa oras na sabihin kong gusto kong kausapin si Zyrelle, ngunit kailangan ko talagang gawin para mabigyan ng katahimikan ang sarili ko. Kahit pa nasagot niya na ang mga tanong ko dati, paulit-ulit pa ring may bumubulong sa akin na walang totoo sa mga 'yon, at bawat gabi, parang nadadagdagan ang mga tanong sa utak ko na ilang taon ko ng inaalam kung kailan masasagot o may pag-asa pa bang masagot.
I've been trying to find a way to have a communication with him. His social media accounts would obviously be hard to reach, yet I sent a direct message on his Instagram. Impossible as it seems, but the chance for him to reply would lead to zero if my attempts were also zero. Kahit gaano kababa ang tyansa, kahit gaano kaimposible, umaasa ako.
Ilang araw na ang lumipas at wala pa rin akong natatanggap na sagot. Wala na akong alam na ibang paraan para makausap siya kung hindi ang puntahan siya mismo sa bahay niya. That seemed desperate, and I wouldn't go that low... yet. I would still look for a way to chat with him.
"Anong pinagkakaabalahan mo?" Emerald spoke from behind the sofa; my heart nearly jumped out of ribcage. "Wow, gulat na gulat. May kausap kang lalaki?"
My forehead creased. "Mukha bang interesado ako ngayon sa lalaki?"
She shrugged. "How would I know? Ang tagal mong nawala."
Natawa ako sa tono ng pananalita niya. "Wow, nagtatampo pa rin."
Every time she finds a chance para maisingit ang panunumbat niya, she'd go for it. Naiintindihan niya ang ginawa ko dati, at naiintindihan ko naman kung bakit nagtatampo pa rin siya.
Tumayo ako para yakapin siya. "Babawi ako sa 'yo, promise. Pati sa mga regalo na binigay mo sa akin taon-taon. Babawi ako, swear."
She just tapped my hands away and rolled her eyes. "Huwag ka lang umalis ulit nang walang paalam. Sapat na 'yon."
Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. "Hindi na, promise. Mamatay man ako."
Umalis na siya sa pagkakayakap ko at dumiretso sa laundry room. "Parang ewan."
Nights came when I couldn't sleep because of overthinking. Kagaya ngayon, naglalakbay ang isip ko sa kung saan. How would I be able to talk to him?
I clicked the call icon. Magkatitigan kami ng mga numero, at tila may sariling utak ang mga daliri ko at nagtipa at tinawagan ang nakalagay na numero. Nag-ring ito. Hindi ako umaasang may sasagot dahil ang tagal na nito, pero maya-maya ay may nagsasalita na.
"Hello? Who's this?"
It's him. This was definitely his voice. Kilalang-kilala ko ang lalim ng boses niya at ang paraan niya ng pagbanggit sa mga salita.
Napakabilis ng tibok ng puso ko sa simpleng sinabi niya. Pakiramdam ko ay makikilala niya ako kung magsasalita na 'ko. Kinakabahan ako.
Ni-lock ko ang kwarto ko. Wala ngayon si Shane dito dahil nasa sala siya para mag-aral. Ilang segundo pa akong nag-isip kung sasagutin ko ba siya.
"Zyrelle," sa huli ay usal ko. Napaupo ako sa kama, nanghihina sa mga posibleng kahinatnan ng pag-uusap na 'to. "It's me."
Nakakabingi. Puro paghinga lang ang namagitan sa linya naming dalawa.
"Sweet."
There it was. That name that makes me weak kapag siya ang tumatawag sa akin.
"How are you?"
I cleared the lump in my throat. "I'm fine. Thank you for asking." What a shame to lie to the person who knows me well. Or, used to know me. Kabisado niya pa rin kaya ako? "Ikaw?"
"I'm also doing good."
Dead air. Wala na bang mas o-awkward pa sa usapan namin ngayon? Isang tanong, isang sagot. Dalawang taong nangangapa kung magsasalita pa ba o hindi na, marahil ay takot na maging hanggang doon na lamang ang usapan.
"I see that you haven't change your number," puna ko para magkaroon man lang ng pag-uusapan. "Hassle din kasi kapag nagpalit."
"Oo," pagsang-ayon niya.
Binasa ko ang labi kong nanunuyo na sa kaba. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa.
"May sasabihin ka pa?"
I puffed air inside my cheeks and blew it slowly. "Can we talk some time? Kung kailan ka free."
"Let me check my schedule."
"Take your time."
Don't take your time. Make it quick! I've been anxious for forever, and I badly wanted this to end. Gusto ko na ng kapayapaan. Gusto ko ng gabing hindi ikaw ang laman ng utak pati mga panaginip ko. Gusto ko ng araw na hindi ako mababagabag sa mga katanungan lalo na ng kung ano sana tayo ngayon kung ako ang pinili mo.
"June 15, I'm free from six in the evening. Let's have dinner at the Oceanside Savory. Is that good for you?"
'Yes. See you."
He wasn't hanging up, and I wasn't neither. We looked stupid waiting for something to happen where both of us didn't want to do it. However, I guessed this was really how it is.
"Bye."
And he dropped the call.
_____________________________
End of chapter. Any thoughts or comments?
BINABASA MO ANG
Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1)
General FictionWhat is hidden behind the stars? Do you know what a star is? Really? Maybe, you do know. What you don't know is that aside from the stars you are thinking, there are other stars I am referring. Stars. Sweet Cassie Milan Lopez, a 23-year old grad...