CHAPTER TWENTY-NINE

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

It was sweet while it lasts. Tila ako isang hinatulan ng kamatayan na sinusulit bawat sandaling kausap at kasama ko si Zyrelle. Lagpas dalawang buwan na ang lumipas at nagiging maayos naman ang relasyon namin. It was not known by people. Heck, we were very lowkey, we were very private even to our friends, and I was afraid na sa oras na malaman ng kung sino ang kung anong mayroon kami ay malaman din nila ang pagmamakaawa ko kay Zyrelle. Ginusto ko ito, ngunit ayokong may makaalam kung gaano ako kadesperada.

Parang nakaw ang bawat pagkikita namin. Ginagawa lang kapag hindi siya busy at kadalasan pa ay sa bahay niya dahil hindi naman pwedeng sa bahay namin o ni Emerald. All of our dates… all of our romantic moments, it was spent in the four corners of his home, at kahit na ganito, ramdam kong akin siya. Ramdam kong kahit pansamantala ay naging akin siyang buo, pero sa kabila ng mga ito ay hindi ko maiwasang isipin ang kadalian ng pagpayag niya sa amin. What’s the reason? Pangungulila sa akin? Maging siya ba ay umaasa na kami talaga ang para sa isa’t isa?

We were lying in his bed, nakabalot ang kumot sa aming dalawa habang pumapaikot ang malamig na hangin sa buong kwarto niya. Nakayakap ako sa kanya, nakadikit ang pisngi sa kanyang dibdib habang siya naman ay nakapalibot din ang mga braso sa akin at paulit-ulit na gumuguhit ng bilog sa maliit na bahagi ng aking likuran. Walang paalam niya akong binuhat at ipinuwesto sa kanyang ibabaw; nagkatinginan kaming dalawa.

“I need to prepare.” Inilapit niya ang ulo sa aking leeg at nanatili roon, inuubos ang natitirang amoy sa parteng hindi pa nalalapatan ng kanyang labi. Dinampian niya ito ng maliliit na halik, at sigurado akong lahat sa side na ito ay nalagyan niya na. “Let’s stay like this for a while,” sabi niya nang maramdamang pinipilit ko ng umalis.

We cuddled for other minutes before he decided to go to the shower. Ako naman ay in-on ang phone at naghanap ng mapagkakaabalahan. Zyrelle went out from the bathroom with only a towel covering him, and every time he puts on his clothes in front of me, na walang hiya-hiya, ay nabibigla pa rin ako. This was all a dream in my head before, and they became true over time.

“Wala ka ulit gagawin ngayong araw?” he asked after wearing his shirt na siya ko namang inilingan. “Hindi pa rin ba nagtataka si Emerald kung saan ka pumupunta?”

Muli akong umiling. “I told her that I want to try different things on my own.”

He proudly smirked. “You’re getting good at lying. Baka pati sa akin ay nagsisinungaling ka na rin pala.”

Lumuhod ako sa dulo ng higaan niya, at mariin ko siyang tinitigan habang nag-aayos siya ng laman ng kanyang bag. Nang magtama ang tingin namin ay hindi ako umiwas. Seryoso akong nagsalita. “Baka ikaw nga ‘yon. Magsinungaling ka man ay hindi ko malalaman agad dahil sa galing mong umarte.” Ngumiti ako. “Have you ever lied to me, Zy?”

For the days that passed between us, none of us brought up about what happened. The chaos was like a dead person buried under the ground and waiting to be dug again. Kung titingnan ay para na lang talaga kaming mag-fling ngayon with some history, and deep inside, we both know that that history, once discussed again, could affect us. We’re delaying it. Alam ko sa sarili ko kung bakit, pero I want to ask him kung bakit and what makes him stay with me.

Zyrelle walked towards me and kissed me. Pinagdikit niya ang ilong naming dalawa at pinisil ito. “Kung ano-ano na naman pinag-iisip mo.”

Tinapos niya ang paghahanda at nagpaalam na sa akin. Naligo ako at nagpalit ng panibagong damit. Pinatay ko muna ang mga dapat patayin bago umalis para gumala na muna. Sa huli, nang matantong wala akong gustong gawin, ay napagdesisyunan ko na lamang na puntahan si Emerald sa kanyang shop. I was greeted by the mix scent of coffee and pastries. Sa papalubog na sikat ng araw ay kasabay nito ang pagbuhos ng mga pauwing estudyante. Mas nadagdagan ang mga bumibili at nananatili sa loob—ang iba ay para mag-aral, gumawa ng ibang gawain, o kaya ay may tambayan o pagkapehan lang talaga.

Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon