CHAPTER SIXTEEN
Trigger warning: Marital rape, sexual harrassment, rape, kidnapping, murder intention
After the dinner with Zyrelle, the days passed by smoothly. Pareho kaming abala sa kanya-kanyang palabas. I made up my mind about partnering with Emerald on her business. Nakapag-set na kami ng schedule kung kailan namin ulit 'yon pag-uusapan. As for the business I'm planning to do, I've chosen between a manufacturing, merchandising, or service business. Manufacturing is time consuming and needs a lot of manpower although I planned when I was a child to open up a bakery. Kapag naman service, kailangan ang kukuhanin kong employee ay may expertise sa bubuksan kong negosyo kahit pa pumasok sa isipan ko na magtayo ng Computer shop or Internet Cafe at salon. For me, merchandising fitted me more. The clothing shop is a good idea.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay namin ay may naririnig na akong sigawan. Sinarado ko ang gate at pumasok sa loob. Wala sila Mama at Shane sa unang palapag. Sinundan ko ang ingay na nagmumula sa kwarto ni Mama.
"Ma, buksan mo 'to!"
Nasa labas ng kwarto si Shane at katok nang katok pero hindi pa rin pinagbubuksan.
"Shane, anong nangyari?"
She faced me with her swollen eyes. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon kaya basang-basa ang pisngi niya. She pointed her finger to our mother's room and cried harder. "Si Mama, ayaw buksan 'tong pinto. Kinakabahan na 'ko kasi narinig kong may mga nabasag kanina."
I glanced at the door and sighed. Tiningnan ko ang kapatid ko. "May ginawa ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman," sagot niya sa akin. Suminok siya. "Pag-uwi ko kanina ay ganito na."
Lumapit ako sa pinto at itinapat ang tenga. I can hear nothing. Sobrang tahimik sa loob na mas nakapagpakaba sa akin. Paulit-ulit kong kinatok ang pinto.
"Ma! Buksan mo 'to!"
Shane knocked with me, but our mother didn't open the door.
"Ma!"
My heart is beating so fast. Nagsimula ng tumulo ang luha ko sa mga naiisip.
"Ma!" muli kong tawag sa kanya. Binalingan ko si Shane. "Dito ka lang, kukunin ko duplicate."
Tumango siya sa akin. Kinatok niya ang pinto at makailang beses na tinawag ang nanay naming nasa loob. Nang makuha ang susi ay dali-dali akong umakyat para buksan ang pinto. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagay sa butas ng doorknob ang susi.
"Ate..."
I know Shane is worried, too. Both of us are worried because of what our mother might have done to herself.
Pagkapihit ng susi ay sabay kong pinihit ang seradura. Malakas kong tinulak ang pinto at inilibot ang tingin sa buong kwarto. Magulo ang loob at nagkalat ang mga gamit niya. May ilan ding bubog na nasa sahig.
I spotted our mom sitting silently at the edge of the mattress. Nakatingin lang siya sa kawalan. Tumakbo ako papunta sa puwesto niya at lumuhod sa harap niya.
"Ma..."
Hindi man lang siya nagtapon ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nanginginig. When I raised my head, that's when I noticed how tears started falling from her eyes. Shane sat beside her and hugged her shoulders.
"Ma, anong nangyari?"
Hindi ko mapigilang umiyak. Seeing how messed this room is meant that something happened and I don't have a single idea what it is.
BINABASA MO ANG
Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1)
Genel KurguWhat is hidden behind the stars? Do you know what a star is? Really? Maybe, you do know. What you don't know is that aside from the stars you are thinking, there are other stars I am referring. Stars. Sweet Cassie Milan Lopez, a 23-year old grad...