CHAPTER THIRTEEN

8 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Madaling araw na nang matapos ang party. Hindi pa agad kami nakauwi ni Zyrelle dahil nagpaalam pa kami sa mga kamag-anak niya. He looks slightly drunk. Namumula ang magkabila niyang pisngi at naniningkit ang mga mata pero maayos pa rin naman ang tindig niya habang nakikipag-usap.

Lumapit sa amin ang mga magulang niya. Hinaplos ni Tita ang buhok ko bago tiningnan si Zyrelle.

"Son, are you sure you can drive?" tanong ni Tita Michelle sa kanya na sinegundahan naman ni Tito Jake.

"Magpatawag na lang kayo ng taxi ni Cassie," ani Tito Jake sabay tingin sa akin. Hinubad na niya ang jacket ng suit at niluwagan ang suot na necktie.

Gumapang ang kamay ni Zyrelle papuntang bewang ko. Hindi na ako nag-abala pang alisin iyon. Kami-kami lang naman ang nandito at wala namang paparazzi. "Mommy, I can drive her. I'm not that drunk."

"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Tita. Zyrelle just nods at her.

Nagpaalam na kami sa kanila nang makarating sa parking lot. Pinagbuksan ako ni Zyrelle ng pinto ng kotse bago siya pumunta sa driver's seat. Ipinasok niya na ang susi at binuhay ang makina ng sasakyan.

Hinawakan ko siya sa braso para huwag muna paandarin ang kotse. "Huwag muna."

Tiningnan niya ako ng namumungay pa rin ang mga mata. "Bakit?"

"Hintayin muna nating makaalis sila," sabi ko sa kanya.

Bigla siyang nagpakawala ng isang ngisi na hindi ko inaasahang gagawin niya. Ang mga mata niya ay parang nanunudyo dahil lang sa simple kong sinabi. Ano bang meron sa sinabi ko? Bastos ba 'yon? Ba't ganyan siya makatingin? Kelan pa siya naging malisyoso?

"What are you planning to do, Sweetie?" Even his voice sounded husky.

Pinukol ko siya ng masamang tingin nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Inalis ko ang kamay na nakahawak sa kanya at hinampas siya sa braso. "Manyakis ka, Zyrelle!"

Niyakap ko ang sarili ko at tumingin sa kabilang direksyon. Bumunghalit naman siya ng tawa. Natawa na rin ako dahil alam ko namang hindi ako magagawang bastusin ni Zyrelle kahit pa nakainom siya. Ang kaso lang kapag nakainom siya ng alak, nagiging mapang-asar siya. Hindi pa rin siya tumitigil kakatawa. Kinurot ko siya sa tagiliran.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hinarap niya ako at huminto sa pagtawa. Nginitian niya ako. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. "Palit tayo, Zyrelle. Ako na magmamaneho."

Mataman niya akong tinitigan. "Para saan? Kaya ko namang magmaneho?"

Inirapan ko siya. "Alam kong kaya mo pero baka maaksidente pa tayo. Dadaan muna tayo sa coffee shop at 'pag nakainom ka na ng kape, ikaw na magmaneho. Deal?"

Sinuri niya ako ng tingin. Inaalam kung seryoso ba ako sa pinagsasabi ko. Napabuntong-hininga siya. "Fine. I'll let you drive us to a coffee shop."

Binuksan niya na ang pinto sa gilid niya at lumabas. Gano'n din ang ginawa ko at pumunta sa pwesto niya. Nang makaupo ako sa driver's seat ay pinaandar ko na ang kotse. Hindi na gaanong traffic kagaya kanina.

The drive to coffee shop is smooth. Nasa sampung minuto ang nakonsumo namin bago nakarating sa bibilhan. Without hesitation, I get out of the car before going to the shotgun. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang maunahan ako ni Zyrelle. His forehead is creased into frown when he opened it. He let out a heavy breath then leaned on the car.

"Ayos ka lang?"

Pinikit niya ang mga mata. Lumanghap siya ng hangin bago nagdilat. Nagtama ang paningin namin. "I feel bad that you have to drive the car just because I was tipsy."

Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon