CHAPTER NINE

15 3 0
                                    

CHAPTER NINE

"Isang gabing nag-uumapaw sa kagandahan ang aking bati, mga minamahal naming manonood!"

"At isang panibagong gabi na naman ang ating pupunuin ng kaalaman tungkol sa mga naggagandahang aktres at nagsisiguwapuhang aktor!"

The energy of the hosts can be compared to the audience's hype as they exchanged pleasantries with the viewers and introduced who will be theit guests for tonight.

"May hula ba kayo kung sino ang dadalaw sa atin, mga Star checker?" Boses iyon ng host na nakilala ko bilang si Mareng Dai Bu Dai.

"Hindi lang sino ang huhulaan ninyo! Kung hindi, sino-sino!" dagdag ng host na Kirei ang pangalan.

"O sige, sige. Ang dalawa ay parehas na single. Pero hindi ang relationship status ang isyu dito mga ka-checker! Atin ng kilalanin ang loveteam na pangalan pa lang ay panalong-panalo na! Isang malakas na palakpakan para sa loveteam ng JosAng Couple! Joshua Sumandal and Angeline Samson!"

Angeline breathed out hard before she stepped to walk. Joshua offered his hand which was gladly accepted by Angeline. Malakas na palakpakan ang naririnig ko mula rito sa backstage nang sa wakas ay makapasok na ang dalawa. May iba pang hiyawan ng JosAng. Nawiwirduhan talaga ako sa pangalan, pero ayos na rin kaysa sa maging JosGel o kaya AngHua. Natawa na lang ako sa mga naiisip ko.

"Kita naman natin hindi ba kung gaano kabagay ang dalawa? Naku, love is in the air na talaga lalo na't papalapit na ang Araw ng mga Puso!"

"Tama ka dyan, Mare! Mga nang-iinggit ang dalawang 'to palibhasa'y bagay sila!"

"Pero siyempre, Dai, hindi lang tayo ang maiinggit! Iinggitin din nila ang dalawa pa nating bisita kaya dapat ay ipakilala na natin sila!"

"Tamang-tama ka r'yan! Ladies and gentlemen, let's all welcome, Cassie Lopez and Leindrich Santos!"

I saw Leindrich offered his hand but I refused his offer. "Let's not fool around, Mr. Santos," I formally said.

His face crumpled at my statement. Ako na ang naunang lumabas sa backstage at idinisplay ko ang pinakamatamis na ngiti na kaya kong ibigay.

"Oh, 'di ba?! Ngiti pa lang ng tunay na maganda, pamatay na!"

"Eh kung ikaw, Mare, ngiti mo pa lang mamamatay na!"

The audience laughed at them. I sat beside Angeline and next to me is where Leindrich positioned. He had also his killer smile like he was some kind of toothpaste endorser. Namatay na ang background music at naupo na rin ang dalawang host sa upuan na katapat ng amin.

"Good evening, ladies and gentlemen!"

"Good evening po!" bati naming apat sa kanila.

"Ako si Mareng Kirei!" pagbati ng isang babae na palagay ko ay nasa edad thirty plus na.

"At ako naman si Dai Bu Dai!" pagpapakilala naman ng isa.

"And tonight, kayo ang mga nagniningning na artista na idadaan namin sa Star Check!"

"JosAng, kay gandang pangalan hindi ba? Singganda niyang kasama mo, Joshua!"

Napatawa si Joshua sa sinambit ni Dai. "Oo nga po. Singganda ni Angeline na bagay sa kagwapuhan ko!"

Natawa rin kami sa sinabi niya. Lakas makahangin.

"Wew! Ang mga langgam nagsusulputan!"

"May nakita kang langgam, Mare?"

"Siyempre wala! Ang linis-linis ng studio natin ta's lalanggamin?"

"Eh ba't sabi mo, nagsusulputan ang mga langgam?"

Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon