CHAPTER FOUR

29 5 4
                                    

CHAPTER FOUR

The vibration of my phone caught my attention. I picked it up. "Hello Shane?"

Shane is my sister studying in a university as a high school student near us.

"Saan kayo bukas?" she asked without any greetings.

"Malapit kami sa South Turn. Bakit?" sagot ko sa kanya.

"Kila Raven? San kayo do'n?"

"Oo, kila Raven. Sa may school doon. Bakit ba?"

"Tingin mo nandoon si Angelo?"

My eyes widened, surprised. "Shane Caereel!"

"What?" sagot nito sa inosenteng tono.

I slapped my forehead. "Shane Caereel Milan Lopez! Baka nakakalimutan mong pinsan natin si Angelo?"

"Yeah, yeah! I don't care! He's tall, dark, and handsome and smart and a basketball player. Omo! Nasa kanya na ang lahat~"

"Caereel," banta ko sa kanya. She hated it when I call her by her second name. Nakasanayan niya na lang na ang ginagamit kong pangalan niya ay ang Caereel kapag oras na para magseryoso.

She chuckled. "I was just kidding. Patola ka naman, ate. Pwedeng sumama bukas?"

"Available ka ba bukas?"

"Club day lang naman," aniya. "Anong oras la bukas?"

"2 o'clock."

"Sama ako, ah?" paniniguro niya.

Tumango ako kahit pa hindi niya naman ako nakikita. "Sige, ipapaalam kita kay Bridge."

Nang mag-shooting kami nang hapon ay ipinagpaalam ko si Shane. Fortunately, they allowed me to bring her to the set.

Habang papunta ngayon sa pagshu-shootingan ay tinawagan ko si Shane para ipaalam na papunta na ako. Susunduin ko siya bago pumunta sa set.

"Wala ka bang klase?" I heard the screams coming from the call. I looked at my phone to make it sure that I called the right person. "Where are you now?"

"LIT Building," sagot niya. "Sa'n ka na ba ngayon?"

"I'm on my way. Patapos na ba?"

"Patapos na, so you better hurry kung ayaw mong maraming makakita sa'yo mamaya."

"Namblack-mail ka pa! Iwanan kit—"

"Walang iwanan, sis! 'Pag ako nakidnap yari ka!"

"Sinong tinakot mo?! Laki-laki na kasi, 'di pa rin marunong umuwi!" sabi ko habang nagmamaneho. "I'll hang up."

"Pfft. Ang laswa pakinggan ng 'I'm coming mo!' Da—"

I ended the call knowing my sister will add baloney talks. Dumaan muna ako sa coffee shop ni Emerald para bumili ng makakain mamaya. Ibang staff ang sumalubong sa akin. I didn't know them, so I lowered down my cap. May pasok nga pala ang mga katrabaho ko kaya nga pala pare-parehas kaming nasa night shift.

Almost 1 o'clock in the afternoon when I arrived at the parking lot of their school. I laid my back and stared at the front. Inabala ko na lang ang sarili na suriin ang lugar mula sa pwesto ng kotse. When out of nowhere, a student appeared to my sight. His face was kind of familiar like I have seen him somewhere before. Due to the distance, I cannot properly see who that person is.

Pagtingin ko sa relo ko ay halos limang minuto na 'kong nag-aantay. Ayoko namang ma-suffocate sa loob kahit pa nakababa ang bintana kaya napagdesisyunan kong lumabas na lang. Nag-suot muna ako ng cap. Kinabit ko rin ang earphones ko sa cellphone ko at nagpatugtog.

Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon