CHAPTER SIX

20 5 2
                                    

CHAPTER SIX

"Hmm? Oo, mabait siya. Sobrang bait," sagot ko kay Leindrich na nagtanong tungkol kay Zyrelle. "Para sa akin ah. Para sa akin mabait siya."

"Is he naughty, too? Like other guys?" muli niyang tanong. Nginitian ko siya. "Alam mo na... 'yong maloko?"

"Yeah, sometimes naughty, pero iba ang pagiging maloko niya. Iyon iyong tipo na matatawa ka sa kalokohan niya pero mapapagaan ang loob mo."

"Ah, parang ang tagal niyo ng magkakilala, ah."

Tumango ako sa kanya. "Mula pa bata kami eh magkakilala na kami," nakangiting sagot ko.

"Mabuti't hindi ka mailap sa tao. You know... like those who got blinded by fame and money when they become a star..."

Pumailanlang ang katahimikan. Malamig ang paligid at masarap magpahinga. Tama lang ang sikat ng araw kaya magandang pagmasdan ang mga kabahayan.

"I am not a famewhore 'cause I don't need fame. I need money," I answered honestly. He looked at me, so I showed him a smile. "Hindi ako mailap sa tao? Tao rin naman ako. We're all fair in God's eyes so why would I act higher than our Creator?"

He laughed at me. "You're a woman full of principles."

"We all have our principles, but mine are meant for prominent things."

We remained silent as we eat our food and rest ourselves for a little while. Nandito kami ngayon sa isang exclusive village para i shoot ang huling mga eksena ng pelikula.

Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng kaunting hilo. Wala akong makapitan kaya mas pinili ko na lamang ipikit nang mariin ang mga mata ko.

"Anong nangyari sa'yo, Cass?"

I heard Leindrich beside me. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. I breathe in and out to compose myself. And when I felt that I don't feel dizziness anymore, I continued walking to the room.

"Just breathing some fresh air," I answered.

Nagtuloy na kami sa pagshu-shooting. It was focused on me dahil sa kwento ay ipinakita ang hilig ni Zylee sa literature na kahit pa English or Filipino literature ay kinahihiligan nito. Nakahiligan na rin ng dalaga ang paggawa ng mga istorya base sa mga nababasa niya. She's not using the plot of the stories she read. She creates stories base on the authors' life. The story of their life isn't detailed so as their love story at iyon ang napagpasyahang gawaan ni Zylee. She became too fond of authors—not only authors but also those people who marked the history. Her stories were purely all from her imagination. Ngunit dumating sa punto na she questioned, "What if Mark and Axelle are the one who are really meant to be?"

"Cassie are you okay?" That was Joshua who asked me. Huminga muna ako nang malalim atsaka ko siya nginitian nang malaki para hindi na siya magtanong.

"I'm pretty fine."

"But you look pale," he commented.

Ang kulit niya. Sinuklian ko siya ng pekeng tawa para ipakitang okay lang ako.

"Mas maputla ka pa sa singkamas na kinain ko kanina."

"Syempre naman! Ganyan lang talaga 'pag mestiza," biro ko pa.

Nasa kalagitnaan na kami ng eksena nang makaramdam na naman ako ng hilo. Kung kanina ay kaya ko pa, ngayon ay hindi na. Napaupo ako sa upuang nasa tabi ng study table at yumuko.

'Kaya ko 'to!' pagpipilit ko pa sa sarili ko.

"Zylee! Hindi kasama 'yang ginagawa mo! Anong nangyari sa 'yo?!"

Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon