CHAPTER SEVENTEEN
Trigger Warning: Physical abuse, suicidal thoughts
Sometimes, it is where you prayed for your day to be peaceful when the exact opposite actually happens. Ang gusto mo lang naman ay makapagkape nang tahimik o 'di naman kaya ay makapagpahinga nang matiwasay, pero may mga bagay talaga na sumasalungat sa gustong mangyayari. Kapag dumating sa puntong 'yon, ipagdarasal mo na lang na sana ay may dumating na magandang bagay para gumaan ang pakiramdam mo dahil sa mga pangit na ganap. Hindi lahat nangyayari. Hindi lahat ng gusto natin nasusunod. Hindi lahat ng hinihiling natin ay matutupad gaya na lamang ng sa akin ngayong araw.
"Suprise!" Humalakhak si Papa na parang tuwang-tuwa at nasurpresa kami sa biglaan niyang pag-uwi pati na rin sa kanyang dala. "Where's your mom?"
"Anong ginagawa mo rito, Pa?" tanong ni Shane nang makabawi.
Nang akala ko ay tapos na ang mga nalaman namin patungkol sa pamilya namin, may dadagdag pa pala ngayong araw. Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit na pinipigilan ko na lang lumabas.
"Umuwi ka na, Pa," mahinahong wika ni Kuya sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom para pakalmahin siya kahit ako sa sarili ko, hindi sigurado kung kaya ko pa bang tumayo lang dito at panoorin ang harap-harapang paglalandian ng tatay ko at ng babaeng dala-dala niya sa mismong pamamahay namin.
"May family reunion pala." Ngumisi si Papa at napailing. Naglakad siya papunta sa amin.
Sa pagkabigla sa nangyari ay gumilid ako pati ang mga kapatid ko, hindi alam ang gagawin. Umakyat si Papa sa ikalawang palapag at huminto sa tapat ng kwarto ni Mama. Tila natauhan kami nang makitang nag-aabang si Mama sa itaas.
"What are you doing here?"
Nagmamadali kaming umakyat sa hagdan. Tinapunan ni Mama ng tingin ang babaeng kasama ni Papa.
"Ma," I called to stop her from doing anything.
"Pa, umalis ka na," pakiusap namin.
"Umalis ka na, Sherwin," saad ni Mama.
"Paano kung ayaw ko?"
"Umalis ka na."
"Huwag mo 'kong simulan," pambabanta ni Papa. Naalarma kami ni Kuya. Humakbang siya palapit kay Papa at tumabi kay Mama.
"Pa, tama na, please!" pagsusumamo naming magkakapatid.
"Tumabi ka r'yan, Colleen."
Pero hindi sumunod si Mama. Nagsukatan sila ng tingin.
"Matapang ka talaga!"
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Isang kamao ang dumapo sa pisngi ni Mama. Napatili kami maging ang kabit ni Papa. Si Kuya ay agad na kwinelyuhan si Papa at binigyan ng isang malakas na suntok. Dinaluhan ko si Mama na nakahiga sa sahig.
"Isa ka pang bata ka!" Gumanti ng suntok si Papa kay Kuya. Hindi nagpatalo ang aming lalaking kapatid at sinuntok din si Papa.
"Walang hiya ka, Pa! Kung babalik ka lang din naman dito para magdala ng babae, dapat hindi ka na umuwi! Hindi ka namin kailangan!"
"Hayop ka!" Isang suntok ang muling tumama kay Kuya. Napasigaw ako sa nakita.
Kwinelyuhan ni Papa si Kuya at inangat sa sahig. Ang babaeng kasama ng tatay namin ay nagtititili. Nakita ko si Shane na hawak ang isang vase at inihampas sa ulo ni Papa.
"Bitiwan mo si Kuya!"
Nabasag ang paso at nahulog ang mga piraso nito sa sahignNawalan ng balanse si Papa at kumalas ang kamay na mahigpit ang pagkakasakal sa kapatid namin kanina. Galit siyang bumaling kay Shane dahil sa ginawa nito. Napaatras sa takot ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Behind the Stars (Celestial Series #1)
General FictionWhat is hidden behind the stars? Do you know what a star is? Really? Maybe, you do know. What you don't know is that aside from the stars you are thinking, there are other stars I am referring. Stars. Sweet Cassie Milan Lopez, a 23-year old grad...