"Ano pupuntahan mo ba ang hayop na iyon?" Inis na tanong ko sa kaibigan ko.
Nakakainit ng dugo na wala akong nagawa sa kaniya. Kung ako ang masusunod ay hindi ko ipapaalam sa ama ng batang dinadala niya ang tungkol sa bata. Hindi siya deserving sa bata na yan.
"Wala pa akong pera," bulong ni Raine.
"Wag mong isipin ang pera, ako ng bahala doon. Isipin mo yang batang yan." nais ko siyang sabunutan. Sabi ng hindi ma pagkakatiwalaan yung lalake na iyon.
Nakaupo siya sa sofa habang nakatungo. Pilit nilalabanan ang luha.
Nalaman namin na buntis siya kanina, kung hindi pa siya nahimatay kaninang umaga sa school ay hindi namin malalaman na buntis pala siya.
"Ilang araw mo na yang alam?" tanong ko. Dahil mukhang hindi na siya nagulat kanina nang sabihin ng doctor na buntis siya, 5 weeks.
"Nung nakaraang linggo pa..." bulong niya.
"Noong isang linggo pa pala eh, ba't hindi mo sinabi agad?!" bwelta ko sa kaniya. Kung wala lang itong bata sa sinapupunan ay paniguradong nasapok ko na ito. "Matagal mo na palang alam eh, ba't hindi mo sinasabi diyan sa lintik mong jowa?!"
"Natatakot ako,"
"Ano?! Eh, kung tadyakan kita! Sa kaniya ka pa natakot? Magkasama niyo yang ginawa, tanga ka ba?!" Umupo ako sa harap niya matapos ang tanong na iyon.
"H-hindi ko na siya nakikita nung isang buwan pa." patuloy nang nagbagsakan ang mga luha sa kaniyang mata.
"Ano..." hindi ko alam ang sasabihin ko ng marining ko iyon. "You mean... After that night you two did that, right?" hindi siya sumagot patuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya. "Raine, ano?! Simula nong gabing iyon, hindi ba?!"
Ano pagkatapos nun wala na? Pagkatapos magawa yun, aalis na? Eh, gago pala iyon.
"Magdesisyon ka ngayon, gusto mo bang malaman niya ang tungkol diyan o hindi?" inis pa ring tanong ko.
"I want to try, but I still don't have money. Ubos na ang allowance ko, at next month pa magpapadala sakin." Mahinahon niyang sabi. Tumigil na din siya sa kaniyang pag-iyak.
"Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko, Raine." tiningnan ko siya sa mga mata.
"Gusto kong sabihin sa kaniya, nagtitiwala pa din ako na pananagutan niya ako... Kahit wala na kaming komunikasiyon." umiwas siya ng tingin sakin.
"Hay, awan sayo, Raine." tumayo ako at kumuha ng tubig sa kusina.
Lakas din naman ng loob ng lalake na iyon. Ewan nalang kung hindi siya makakatanggap sakin ng sakit ng katawan pag hindi niya pinanagutan si Raine.
Pag labas ko ng kusina ay nandoon parin siya, nakatungo. "Pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga. Wag mo ng isipin kung ano mang iniisip mo. May anak kana, yan ang unahin mo."
Unti unti siyang tumayo habang nakatungo parin. Kulang nalang ay ilapat niya ang noo niya sa sahig sa pagkakatungo.
Napapabuntong hininga akong tinawag siya. "Raine..." inilahad ko ang braso ko nang lumingon siya. Mabilis pa sa alas kuwatro na pumunta siya sa akin at niyakap ako.
Ang kaninang paghagulhol ay ibinigay na niya ngayon. Umuuga ang kaniyang mga balikat sa pagiyak sa balikat ko.
Hindi ako umimik niyakap ko lang siya pabalik. Ilang minuto din ay kusa siyang umalis sa pagkaka-ub-ob sa balikat ko.
"Ayos lang yan, kaya yan." simple kong sabi habang hawak siya sa balikat. Ngumiti siya sa akin bago tumalikod at nagpatuloy sa pag akyat sa kwarto.
---
