Ramdam ko ang hapdi sa gilid ng labi ko mula sa pag kakasampal ng taong kumuha sakin.
I don't know them...
All I know is they are my man's enemy.
I can't even call her my man kase hindi naman naging kami. One sided love.
Nakagapos ako sa isang upuan na nakapwesto sa gitna ng abandonadong building na ito. Madilim, ngunit dahil sa liwanag mula sa buwan ay nagkaroon parin ng kunting liwanag dito sa loob.
Nanlalabo na ang mga mata ko, ilang araw na ako rito ngunit hindi niya parin ako natatagpuan. Walang kain o inom man lang, dahilan kung bakit ako nanghihina.
Bagsak nadin ang ulo ko, halos hindi ko na magalaw ang katawan ko. Hindi lang gutom ang inabot ko dito, kundi pati sakit sa katawan.
Walang araw o gabi na pinalampas ang tao dito na hindi ako saktan.
Kung hindi sampal at sapak ay tadyak ang naabot ko. They even tried to raped me, buti nalang may natanggap na tawag yung boss nila.
Nawawalan na ako ng pag-asa.
Magaling siya sa larangan ng laban, eh. Gamay din niya ang pagtrapped ng isang location, pero ba't di niya ako mahanap?
Agent siya, ah. He learned how to hacked someone's location, why he's not here now?
Nagulat ako ng may babae na sumisigaw. Unti unti kong inangat ang aking ulo upang makita kung sino iyon.
Ang nagtataka kong emosyon ay napalitan ng pagkagulat.
They have her too.
They got his girlfriend too.
Natigil sa pagsigaw ang babae ng maigapos na din siya sa upuan, malayo ng kaunti sa akin.
Nakatingin lang ako sa kaniya. I think she's okay, but we are not sure about that.
Nang magtama ang paningin namin ay halos mapanganga siya sa itsura ko, dungisin at mukha talagang pinahirapan.
Napatingala ako ng may biglang humigit sa buhok ko, hindi man lang ako nakasigaw o nakareact sa ginawa nila.
Kinalagan ako ng ibang tauhan. Okay, they're at it again. Nang bitawan ako ng lalake ay halos mapaluhod ako dahil sa panghihihina ng mga binti ko.
"Samantha..." Narinig kong sabi niya, ngunit hindi na ako nag abalang tingnan siya. Stay quiet if you still want to be safe and okay.
Naramdaman ko ang pwersa mula sa likod ko, padapa akong bumagsak sa malamig at alikabokin na semento.
Halos hindi ako makahinga sa lakas ng pagkakasipa niya sa likod ko.
"Don't! Stop that!" Ravi's girlfriend shouted. Napatingin ako sa kaniya, kahit hinang hina ay inilingan ko siya. Manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang saktan nila.
"Nakikita mo ba ito, magandang binibini? Ganito din ang gagawin namin sayo pag hindi dumating ang prince charming niyo." sabi ng tarantadong sumipa sa akin, sinamahan pa niya ito ng nakakabinging tawa.
Napaubo ubo ako ng parang may likidong gustong kumawala mula sa lalamunan ko. Kulay pulang likido ang lumabas mula sa bunganga ko.
"S-stop that, please." basag na boses ni Kelly, Ravi's girlfriend... My almost man's girlfriend.
"A-ahh," daing ko ng hilahin niya muli ang buhok ko upang makatayo. Umamba siyang sasapakin ako ngunit may humahangos na tauhan niya ang dumating.
"B-boss, nandiyan na ang inaantay natin." hinihingal niyang sabi sa pinuno ng grupo, napatingin ako sa kaniya. Si Ravi? Ang bilis naman niya ata? Kakarating lang dito ng girlfriend niya, ah.
