I thought it's the last, it's the end. Akala ko hanggang doon nalang, hindi pa rin pala. Hindi pa pala siya tapos, hindi parin siya nag sasawa na gaguhin ako ng gaguhin.
Ilang beses ko pa ba siya kailangan patawarin? Ilan luha pa ba yung kailangan niya makita?
He is Sebastian Cy, the man who hurt me again and again. I prefered to call him, Seb.
I know that he's cheating behind my back. Hindi lang isang beses, hindi lang dalawa, sa sobrang daming beses ay parang hindi mo na gugustuhin pang malaman.
Hanggang kailan ako magpapatawad. I don't even know if yung Seb na nasa harap ko ngayon ay siya paba.
Yes, he is in front of me. I'm here, watching him kissing another woman. Ba't parang hindi na bago? Ba't parang okay lang ngayon?
Siguro, dahil best friend ko yung hinahalikan niya? O dahil nasanay na akong ginaganon niya?
Ang daming tanong, sobrang daming tanong.
I went home that night. Lord, isang sign pa, last na. Bibitawan ko na talaga siya. Maybe 'yon talaga ang gusto mo. At iyon ang matagal na niyang hinihingi.
Nakatulog na sa sobrang pag iyak, at gumising nang umiiyak. Even in my dreams he's there.
"Ate..." My little brother.
Inayos ko ang mukha ko bago tumayo. Tumikhim ako bago nagsalita, "Just a minute." dumiretso ako sa cr para maghilamos, mapagtakpan lang ang mga bakas ng sakit na nararamdaman ko.
"Yes?" sabi ko nang mabuksan ko ang pinto. 16 years old pero mas mataas pa siya sa akin. I smiled.
"Niloko kaba ulit no'n?" ang nakangiti niyang mukha ay unti unting naging seryoso. "He did that again, right?" pagkasabi non ay diretso siyang pumasok sa kwarto ko, akala ko ay titigil siya sa tapat ng kama ngunit diretso siya sa paglalakad hanggang makalabas siya sa teresa ng kwarto ko.
He tap the space beside him. Umupo ako do'n habang nakangiti parin, pero sa loob-loob ko ay kinakabahan ako kase hindi lang basta kung sino ang nasa harap ko and worst seryoso pa siya.
"Kailan ka matatauhan, Maze?"
"Hoy, ate mo ko, Ace. Ba't ba seryusong seryuso ka diyan?" kunyaring natatawa kong saad.
"I'm serious, ate. Kelan ka matatauhan? Ilang beses ka na niyang niloko ah, ando'n ka din sa bar na iyon kagabi hindi ba? Akala ko namalik mata lang ako ng makita kita, ngunit na kumpirma ko iyon ng makita ko ang suot mo lang yan."
Nagulat ako ng sabihin niya iyon, ibig sabihin Na andoon din siya ng oras na iyon, at mukhang nakita niya din ang nakita ko. "What did you do, Ace?"
"The right thing. And you... You will do the same thing." Hinawakan niya ako sa balikat bago mariin na tiningnan sa mga mata. "Hindi ka sinaktan ni daddy dito kahit isang beses, kaya walang silang karapatan para ganyanin ka. If you don't stop this shit this week, I'll make it for you but, not in an easy way."
After that talk. Nalaman ko na naaksidente si Seb kagabi. Nagmadali ako papunta sa hospital na ito upang i-check kung anong lagay niya.
And there, nakita ko ang itsura niya habang may mga nakakabit na mga aparato. "Ano daw po'ng nangyari, tita?"
"Na-aksidente daw, no'ng pauwi na kaninang pamaga, hindi ko alam hija kung paano lalakasan ang loob ko. Nabali ang isang braso niya at may chance daw na mawalan siya ng memorya." Nag-iiyak ng sabi ng mommy ni Seb.
"Tita, kaya nya yan. Sa sobrang lakas ng loob niyan, may mga nagawa siyang hindi niyo po nalalaman." Ngiti ko, itinatago ang sakit sa likod nito.
Tita smiled too while wiping the tears on her cheeks. Hindi ko alam pero parang wala na lang sakin, parang okay na sa akin na ganito lang yung pag-aalala na nararamdaman ko.
I wear scrub, mask and hairnet no'ng pumasok ako. And kung worst na yung nakita ko nung nasa labas ako mas worst pala pag mas malapit.
Halos mangitim ang mga binti niya, puro balot ng gauze, pati ulo niya ay merong balot. Ang braso niya ay nakasemento na din, kasi bali.
Hindi ko alam kung lalapit ako, natatakot akong baka pag lumapit ako ay imbis na siya ang masaktan ko ay ako ulit ang masaktan niya.
Kaya sa huli hindi na ako lumapit, siguro mga limang hakbang ang layo ko mula sa paanan ng kama. May dalawang nurse sa tabi ng pinto at isa sa tabi ng kama.
"Gumising kana, kailangan ka ng mama mo. Hindi siya pwedeng magkaroon ng too much emotions, makakasama yun sa kaniya." Simpleng sabi ko. "H-hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," binuntunan ko pa ng mahinang tawa 'yon. "Sa tingin mo ba, tama pang bigyan ka ng pangalawang—ahm, no, hindi na siya pangalawang pagkakataon."
Unti unting namumuo ang luha sa mga mata ko, "Alam mo bang umiyak na naman ako kagabi, and it's because of you... again." Huminga ako ng malalim. "P-paano kung sabihin ko sayong pagod na ako? Paano kung wala na talagang chance?" Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
Iniyuko ko ang akin ulo, "Bakit ba ang hirap mong mahalin, ang hirap mong buuin. Kase imbis na sakin mo hanapin yung kulang, nag-e-effort ka pang humanap ng iba. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pag-intindi sayo. Seb, durog na durog na ako. Pilit kong binubuo yung relasyon natin but, you always choose the wrong things."
Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin, nagulat ako nang makitang gising na siya. Pinuasan ko ang luhang nasa mata ko. "Nurse..." Tawag ko sa nurse na nagmadaling lumapit. Diretso nitong pinindot yung red button sa uluhan nito, tiningnan nila ang mata nito, the pulse, and heartbeat.
I-ni-check nila ang pasyente. Pilit akong pinalabas ng nurse, mag-antay daw muna sa labas dahil kailangan i-check pati ang memories nito.
Pag katagkal ng scrub, medical mask and hairnet ay nilapitan ko si tita at niyakap. Hindi ko siya nalapitan kahit gising na siya. Hindi ko siya kayang lapitan kahit tulog siya.
Nang makalabas ang doctor ay nilapitan namin iyon, at doon namin nalaman na nakakaalala naman daw, pero tinanong niya kung sino ako. 'He have a mild amnesia.'
"Doc, gusto daw pong makausap nang pasyente yung babae kanina." nagkatinginan kami ni Tita Feya. Tinanguan niya ako bago ako tinapik sa balikat.
"Sige na, hija. Kaya mo yan." She smiled
Huminga ako ng malalim at nagsuot ulit ako ng mga dapat suotin bago pumasok doon.
"Uhm, hi?" Nag-aalangan kong sabi.
"Who are you, really? Why are you crying kanina?" Diretso niyang tanong. Napasinghap ako nang tingnan ko ang kanyang mga mata, kaguluhan, lito at pagkainis ang mababasa doon.
"I'm just nobody, sir." Sabi ko habang nakangiti. Masakit, matapos niya akong saktan ay kinalimutan niya ako bigla. Sana ako nalang iyon, sana ako nalang yung nakalimot nang mga ginawa niya. Sana ako nalang.
Actually, noon ko pa hiniling na sana ako nalang, na sana ako nalang lagi.
"So, why? You are talking about 'relationship' kanina, what do you mean by that?" seryuso parin siya.
"Nothing, I just want to say na hindi mo na ako kailangang saktan patalikod, kase tinatanggalan na kita ng karapatan." Bumuntong hininga ako. "Yes. Oo, binigyan kita ng karapatan na saktan ako no'ng oras na pinasok natin parehas ang relasyon na ito, pero bakit kailangan mong abusuhin. Bakit kailangan mo kong durugin? I'm setting you free, you are free to enjoy your clubbing while kissing a girl, you are free to do whatever you want kahit ginagawa mo na yun dati pa." I smiled. "We both deserve 100 percent at hindi ko deserve na 50 percent lang ang ibigay mo sakin."
Naguguluhan niya akong tiningnan. Parang gusto niyang tingnan ang laman ng utak ko.
"Seb, hanggang dito lang ang kaya ko. Sana pag naalala mo na ulit ako, maunang pumasok sa isip mo kung paano mo ko niloloko... ng paulit-ulit." After that, I left the room. Iniwan ko siya sa loob no'n kasabay nang pag iwan ko sa mga sakit na pinaranas niya.
