TINDA

0 0 0
                                    

"Uwi na tayo." Sabi ng kapatid ko sakin. Galing kami mula sa pagtitinda ng mga kakanin, at dahil sabi ng nanay ko na wag kaming uuwi hangga't hindi panauubos ang paninda ay inabot kami ng gabi.

"Hindi pa ubos itong paninda, bunso." Hindi kami pwedeng umuwi dahil parehas lang din kaming masasaktan. Mas gugistuhin ko pa ngang dito nalang kaysa sa bahay na yun.

"Pero gutom na ako..." sabi niya.

"Pero lalo kang magugutom pag umuwi tayo, hindi na naman tayo panigurado papakainin." pag papaintindi ko sa kanya.

Nakinig naman siya, kaya ng matapos at maubos na ang paninada ay umuwi na kami.

Sobrang dilim na sa paligid. Sobrang lalayo nang agwat ng mga street lights. Sobrang hina pa ng linti.

Magkakadikit man ang bahay ay halos walang buhay. Puro bunsol ang ilaw ng bawat bahay kaya halos sa labas ay wala din.

Bawat bahay ay may makikinig kang nag sisigawan, bawat kanto ay may nagiinoman. Pero lahat ng tao na nasa paligid mo ay walang pakialam sayo.

Ilang minuto pa ang layo namin mula sa bahay. Hawak hawak ko ang kamay ng nakababata kong kapatid. Madami kaming magkakapatid pero hindi ko alam kung bakit ako lang ang nagtatrabaho.

"Wow, ubos na ba ang paninda niyo, bata?" humigpit ang hawak ko sa kamay ng kapatid ko ng may tatlong lalakeng lumapit sa amin.

"O-opo, ubos na po" gumaralgal ang boses ko. Lasing ang mga taong to, mas delikado pa ito kaysa sa mga taong nag aaway.

"Dito muna kayo," sabi nong isa, hinawakan niya ako sa balikat.

"A-ah, hindi po. Gutom na po kasi yung k-kapatid ko." sabi ko, pilit na umuunahan pero mahigpit nilang hinawakan yung balikat ko.

"A-ate..." miski ang kaptid ko ay natatakot na din.

"M-manong, kailangan na po naming umuwi eh," pilit kong inaalis ang hawak niya sa akin habng hawak ko ang kamay ng kapatid ko.

"Sabi nang..." halos manginig ang katawan ko ng bigla niya akong sikmuraan. Nabitawan ko ang kapatid ko.

"A-ate," tiningnan ko siya.

"A-alis na, kaya ko 'to. Umuwi kana, kumain ka a-agad." sabi ko habang bahagya siyang itinutulak.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hawak nila ako sa braso ko. Hindi to pwede, pero alam kong wala, walang maglilugtas sakin dito at kung tatakbuhan ko ang mga ito ay mapapahamak ang kapatid ko.

Pilit akong nagiisip ng paraan pero pinapangunahan ako ng takot.

"Uuwi na ako,pakiusap." Sabi ko ng makita kong nakalayo na ang kapatid ko.

"Saglit lang naman ito, ineng." Sabi nong isa.

Pilit akong umiiling, itinayo ko ang sarili ko. Nag hahanda na akong magpumiglas ng bigla nila akong higitin sa kantong walang makakakita, walang liwanag at walang dumadaan.

Nagpupumilit akong binatawan nila ako. Isang sampal ang nakuha ko nang sipain ko ang nasapagitan ng mga hita nang taong nasa harapan ko.

"W-wag!" Sigaw ko ng higitin nila ako sa buhok. "W-wag po, pakiusap."

"Maayos ka naman naming kinausap kanina, pagbibigyan mo lang naman kami." nagsisimula ng manlabo ang mata ko dahil sa luha.

"W-wag,pakiusap." ngunit nginitian niya lang ako. Lumapit siya akin at hinawakan ako sa braso.

Halos mapaatras ako nang lumapat sa balat ko ang palad niya.

"Wag ka ng lumayo, magugustuhan mo din ito." sabi niya, pilit na inaamoy ang leeg ko.

"Tulong! Tulong! Pakiusap, tulungan niyo ko!" sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig.

Pilit akong kumakawala sa mga hawak nila. Isang suntok na naman sa sikmura ang naramdaman ko. Napaupo ako sa lupa,nang bitawan nila ako. Hindi ko na kayang tumayo. Sobrang sakit na ng tiyan ko.

Halos wala na akong makita, wala na din ako marinig. Basta ang alam ko lang kung saan saan nila ako hinawakan, tinanggal nila lahat ng saplot ko sa paraan nang pagpunit.

Hindi na ako makagalaw, isang nakakalokong ungol ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.

...

"Isang katawan ng babae ang nakita sa tabi ng ilog, dito sa Baranggay ng San Andres. Walang saplot at wala nang buhay. Mapula ang tagiliran at ang mga hita nito. Ang konklusyon ng mga tao na nadito ay marahil isang biktima ito ng panggagasa. Hanggang ngayon ay hindi parin napapangalanan ang biktima. Hindi din nila malaman kung sino ang pamilya." sabi ng reporter sa isang telebisyon sa isang karenderya.

"Nakita din kaninang umaga ang mga damit ng biktima na lumulutang sa ilog malapit sa baybayin, inaaksyonan na ito ng mga pulisya, walang makitang senyales sa katawan ng biktima kung sino ang mga suspect... Nagbabalita, Mj Benites."

---

One-Shot Short StoryWhere stories live. Discover now