Alam kong weird nito pero- HAHAHAHAHAHAHA yaan niyo na din!
Disclaimer: This part has an AU version on tiktok (tho puro narration lang rin naman siya, pero if you enjoy reading sa Tiktok you can check my account @shellswritez)
~
"Bye Kai!" Masiglang paalam sa akin ni Drea bago lumiko sa isang kanto malapit sa unibersidad na pinapasukan namin.
Uwian nanaman, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng estudyante na nag-aaral dito sa Maynila ako lang ata 'yung hindi masaya tuwing sasapit na 'yung uwian. Ewan ko ba, palagi kasing mabigat ang pakiramdam ko pag uwian na lalo na't naglilipana ang mga snatcher at holdaper sa mga eskinita.
Madalas naman ako lang mag-isa ang umuuwi, iba kasi ang way ni Drea dahil taga Tayuman lang naman siya at nasa Sampaloc lang ang school namin. So it means, isang sakay lang siya mula sa school, ako lang naman sa barkada ang taga Quezon City kaya kinkailangan ko pang sumakay ng LRT para makauwi.
Alas-singko na ng hapon ng makarating ako sa estasyon ng tren, dumaan pa muna ako sa isang printing shop na malapit dito para ipa-print ang mga kailangan kong hand-outs para bukas sa klase ko sa Rizal.
"Hi, Mang Temio! Pa-print po!" Masayang bati ko kay Mang Temio na suki na naming magbabarkada simula palang noong 1st year.
"Aba, Kai!" Nagulat pa nga siya. "Buti naman at nagawi ka dito ulit, ang tagal na nung huling pa-print mo dito ha?" Sabi pa nito, napakamot ako sa ulo.
"Oo nga po eh! Busy na po kasi sa acads, graduating na po kasi!" Sagot ko na lang.
"Ganon ba? Osiya, akin na 'yung USB mo at ng mai-print ko na." Inabot ko sa kanya ang USB ko at saka ako umupo sa waiting area na hindi naman kalayuan mula sa pwesto niya.
Napalinga ako sa paligid ng shop nina Mang Temio, may malaki kasi ritong portrait picture ng pamilya niya. Ang kwento noon Mang Temio, ang asawa niya talaga ang may gusto ng printing shop business, sakto naman daw noon na bagong gawa ang estasyon ng tren dito sa Legarda kaya nakahanap sila ng magandang pwesto na nasa sentro ng mga malalaking unibersidad.
"Nako, Kai! Madami pala 'tong ipapa-print mo." Reklamo ni Mang Temio.
"Opo eh, mga nasa 220 pages din po." Sagot ko.
"Medyo matatagalan ito, ayos lang ba sayo?" Tanong niya, tumingin ako sa relo ko.
Alas singko palang naman, hindi naman siguro aabutin ng matagal 'yung printing. Sabi ko sa isip ko.
"Ayos lang po, Mang Temio. 9 pa naman ang last trip ng tren eh!" Sabi ko, tumango naman siya tsaka bumalik sa harap ng computer niya.
"Mag-ingat ka lang diyan sa may estero mamaya." Napatingin ako sa kanya. "Nung nakaraang gabi lang may isang estudyante na na-holdup diyan. Nadaplisan ang kanang braso niya ng kustilyo." Kumunot ang noo ko at kinabahan ng bahagya.
Ito ang isa sa mga kinakatakot ko sa daan na ito kung nasaan ang shop ni Mang Temio, bukod kasi sa walang masyadong ilaw sa paligid, may mga sumusulpot talagang masasamang loob rito.
"Ganon ho ba?" Kabadong tanong ko.
"Pero wag kang mag-aalala dahil nahuli naman ang holdaper at naibalik doon sa estdyante ang mga gamit niya.
Pero kahit na! Nakakatakot pa rin 'yon!
Lumipas ang ilang oras, halos maubos ko na ang lahat ng videos sa tiktok sa sobrang tagal ng mga pinaprint ko. Nagka-aberya pa kasi ng kaunti ang printer ni Mang Temio at naubusan pa ng ink kaya humaba pa ang oras ng paghihintay ko, sumabay pa ang mga ibang estudyante na nagpapaprint rin.
BINABASA MO ANG
One Shots
Narrativa StoricaKoleksyon ng mga maiikling kwento na gawa-gawa ng imahinasyon ng author. One Shots Written by deidreamer
