dear kuya sa fx

8 0 0
                                        

xviii. dear kuya sa fx
date written: september 23, 2016

~•~

Dearest Lee,

Low, Kuya!

Grabe, akala ko magiging walang kwenta ang una at sapilitang pagsakay ko sa FX, hindi ko talaga ginusto na sumakay dun, dahil nga mahal ang pamasahe. Nagtitipid kasi ako eh. Gusto ko kasing manood ng concert ng BTS. emerged!

Nung una palang, napatitig na ko sayo.. ang ganda kasi ng mata mo at shape ng lips mo, para kang babae promise! Ang bango mo pa! Akala ko masungit ka, dahil parang naiinis ka dahil sobrang traffic. Nakikita ko na palagi mong chine-check ang cellphone mo. May date ka ba?

Nasa passanger seat tayo. Nasa magkabilang-dulo ng bintana ng Fx ang pwesto natin, bale kapag umalis na si ate sa tabi natin, tayo na ang magkatabi. Kinilig ako sa inisip ko nun, kasi if ever, magkakatabi tayo.

Gustong-gusto ko ng paalisin si ate dito sa gitna, nakakaasar kasi ang ingay ng bunganga nya, tawa sya ng tawa at alam kong naiinis ka na nun, halata kasi sa mukha mo na badtrip ka na dahil sa traffic tapos sinabayan pa ni ate ng nakakarindi nyang tawa.

Gusto kong matawa sa itsura mo nun, literal kasi na magkasalubong na ang makakapal mong kilay, lukot na lukot na din ang noo mo. Nag-isip ko ng pwedeng gawin para makatulong sayo. Naghalungkat ako sa bag ko, nakita ko na dala ko ang earphones ng blockmate ko, tapos nakita ko din na nakasalpak sa cellphone ko ang earphones na ako na ang nagmamayari.

Naisip kong iabot sayo yun, nung una nahiya pa ko. Syempre, close ba tayo? Hahah. Pero nung inabot ko sayo yun,nakita ko na parang narelief ka.

"Lakasan mo na lang yung volume.." bulong ko na feeling ko naman narinig mo, dahil tumango ka.

Ako din ng lagay ng earphones at nagpatugtog na lang, mas okay ng mabingi sa kanta ng Bts, kesa naman sa tawa ni ate. Kakaasar lang.

Nasa Mendiola na tayo ng bumababa na si ate. At omg! Makakatabi na kita. Ng umalis na si ate napansin kong nakapikit ka at feeling ko natutulog ka. Hindi na lang kita pinansin at tinuon ko na lang ang pansin ko sa daan, na hanggang ngayon hindi padin umuusad ang mga sasakyan.

Ilang oras na ang lumipas, hindi ko namalayan nannaka-tulog na pala ako, nagising ako dahil sa kalabit mo. Unti-unti ng nagsisibabaan ang mga kasama nating pasahero. Tatlo na lang tayong natira (not included Manong Driver)

"Miss o, thank you." sabi mo saken at ngumiti. Grabe! Nakakatunaw!!!

Kaka-inlove ka, grabe talaga!

"Welcome, buti dalawa yung nadala ko." sabi ko sayo.

"Oo nga. Ang ingay kasi ni ate eh. Para syang takas sa mental, 'pag tumatawa.. hahahah!" at yung tawa mo, nakakainlove.

"Ah.. o-oo nga!" nauutal tuloy ako.

"San ang baba mo? I mean, saan ka pala baba." natawa ako sa unang tanong mo. Grabe lang.

"Sa Katipunan ako."

"Ah.. ang traffic noh? Feeling ko, bukas na makakauwi nito.." pagbibiro mo.

Ang traffic naman kasi talaga! Nasa kahabaan palang tayo ng Maynila. Wala pa tayo sa QC, at nagdadasal ako, na sana mas tumraffic pa. Wala na kong pake sa mga nagrereklamo, dahil ang saya mong kausap. Sarap mong i-uwi sa bahay. Joke.

Ako lang ata ang taong hindi nagalit sa tinde ng traffic. Kung bakit kasi sa dinami-dami pa ng sasakyan ko dito ko pa napili. Pwede naman tayong mag-LRT, mas madali dun. Kaya lang nakakatamad pumila. Nakakahilo pa.

One ShotsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon