Chapter 4

3.2K 156 5
                                    

RAYOS was enjoying her coffee when her twin sister, together with Nicha and Jillian arrived. May sariling sundo si Jillian kaya nauna na ito na umuwi sa kanilang tatlo.

"Tagal naman ng driver natin!" reklamo ni Nicha.

Bahagya na hinila ni Vyrlle ang dulo ng buhok nito. "Kapag narinig ka ni Kuya Laur, lagot ka talaga."

She hummed softly, agreeing to her twin. Lumingon sa kanya si Vyrlle at matiim na tiningnan ang kape na iniinom niya.

"Saan ka bumili niyan?" she asked.

"Bigay. Gusto mo?" Inabot niya ang hawak na kape sa kambal.

Imbes na kunin 'yon, lumapit lang sa kanya si Vyrlle at sumipsip ng kaunti bago bumalik ang atensyon kay Nicha na panay ang reklamo. Kanina lang ay mahihimatay raw ito sa gwapo ng teacher nila, ngayon naman ay nirereklamo na niya ito.

"I can't believe it! Bakit sila nag assigned ng teacher sa isang subject na walang alam sa subject na 'yon? What was that reasoning? So we can learn together?" Nagkamot si Nicha ng ulo.

"Nicha, first day pa lang naman. Give your handsome teacher a break, a benefit of doubt. There's a reason why majors are existing, and there's also a reason bakit siya ang in-assigned na teacher sa subject na 'yon. Ayaw mo noon? Sabay kayo matututo. Lamangan mo na lang ang mga kaklase mo para ikaw lagi ang mapansin." Pang-uuto niya sa pinsan.

Rayos playfully winked at her twin. Alam na nito ang gagawin para tumigil ang bunganga ni Nicha.

"Don't worry, yung mga possible points ko sa recitation sa subject niya? Sayo na 'yon. Babawi na lang ako sa written exams."

Nicha's eyes widened and covered her mouth as she looked at her twin. "Totoo?" she asked.

Tumango lang si Vyrlle at tumawa sa reaction nito. Nicha was too happy that she hugged her twin while jumping like a kangaroo, nasasakal na nito ang kambal niya pero dahil sa sobrang saya nito hindi nito 'yon napansin.

"That's enough. Kuya Laur is here…" humina ang boses niya nang makita ang crush ni Vyrlle sa shotgun seat. "Kuya Light too."

Napansin niya na agad namula ang pisngi ni Vyrlle. Rayos sighed and glared at Nicha, warning her not to tease Vyrlle in front of them. Vyrlle was not confessing for a reason. At kapag nalaman 'yon ng manhid na Kuya Light nila, who knows what will happen to her twin.

Nicha raised her hand and pretended she's zipping her mouth.

"Siguraduhin mo, Nicha." Pagbabanta niya sa pinsan.

Nicha nodded her head aggressively. Ngumiti siya sa pinsan at umirap lang ito sa kanya.

"How's your first day, girls?" asked Laur.

Si Nicha ang pang bato nila sa kwentuhan kaya hinayaan nilang dalawa ni Vyrlle na ito na lang ang magsalita. Hindi rin naman ito nauubusan. Rayos was sitting comfortably and the cake was on her lap when she felt someone was staring intently at her.

That kind of stare na parang may ibinabaon na pako sa ulo niya. And no one can give that kind of stare to her aside from her twin.

"Where did you buy that cake? May sarili tayong Café, Cay."

Pasimple siyang napalunok nang marinig na tinawag siya nito gamit ang second name niya. She always called her 'Ion', maliban na lang kapag naiirita siya or seryoso. Same with Vyrlle. Vice versa.

So, she doesn't have any choice but to answer her honestly.

"Binigay rin," she answered in a low voice. Ayaw niya na marinig siya ng Kuya Laur nila dahil sigurado na makakaabot 'yon sa overprotective nila na kapatid. Tsismoso pa naman ang pinsan nilang lalaki.

Cay's Zodiac (Completed)Where stories live. Discover now