Chapter 10

2.8K 140 12
                                    

AS MUCH as Leo loves watching Vraiose being competitive, hindi rin niya maipagkakaila na nami-miss na niya ang dalaga. Ang huling matagal na pag-uusap nila ay noong ipakita niya ang mga scores kay Vraiose.

She was beaming with happiness but when she saw his papers, bigla na lang nag-iba ang ekspresyon nito sa mukha. She was pouting and her eyes were sporting with competitiveness. As if she was asking herself if her efforts were enough.

And as for him, he studied hard dahil ayaw niya na mapahiya ito kay Vraiose. She's smart and Leo was different from her. His mind was occupied with so many things that listening to their teachers was not enough for him to understand their lessons.

So he spent the whole semestral break to study, instead of going out and help in their Café.

"Leo? Hindi ka pa raw kumakain…" Pumasok sa loob ng kwarto niya ang kapatid at may dala itong tray na may lamang pagkain.

"I'll eat that later, Ate. May ginagawa lang ako," aniya.

His sister only sighed at his stubbornness. Ilang beses 'yon na naulit simula nang magsimula ang second semester nila. His daily routine changed, abruptly.

Magiging sa umaga. Mag-aayos papasok sa School. He'll study while he's in his way. Debating with Vraiose in every subject na may recitation. He'll ace the exam dahil alam niya na mas lalong gaganahan si Vraiose. Uuwi. Haharap sa computer niya para gawin ang trabaho and later on study until dawn. Repeat.

He seldom eats and drink. Kahit ang dinadala na pagkain ng kapatid niya sa kwarto niya ay hindi nagagalaw. Pisces was worried and mad at him at the same time but Leo did not heed his sister any attention.

Leo was aware of how bad his new routine. But he doesn't care.

Sa school, he always wanted to talk to her. Pinipigilan niya lang ang sarili, he was afraid that Rayos will rejected him. Isa pa, palagi rin ito na may suot na earphones.

"Leo, kumain ka naman oh!" His sister begged him. May dala itong tinapay na galing sa café nila at isang mineral bottle.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan nila at tamad na pumasok bago kunin ang tinapay at tubig na binigay ng kapatid niya. Leo sighed as he felt his body weakened. Pumikit siya at isinandal ang ulo sa upuan.

"Ate, yung air-con…" reklamo niya.

"Why? Malamig ba masyado?" Kunot ang noo na tanong nito sa kanya. "Wait… Leo what the hell!" sigaw ng kapatid niya pagkatapos nitong ilapat ang likuran ng kamay sa noo at leeg niya.

Leo clutched his head and groaned. His head was throbbing badly. He could hear his sister panicking because of his loud groans. Ang kapatid na niya ang naglagay sa seatbelt niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

He just found himself lying on his bed with his sister taking care of him while nagging him. As if her, nagging him, will help her make his fever go down.

"I need to study…" Leo weakly said.

"No! Rest will you?" Pisces pushed him back to his bed. "Hindi ka mamamatay kung hindi ka mag-aaral ngayong gabi, pero pwede ka mamatay kung susubukan mo ulit na tumayo dyan!" pananakot ng kapatid niya sa kanya.

Salitan ang kapatid at Mommy nila sa pagbabantay sa kanya. When morning came, kusang gumalaw ang katawan niya at nag-ayos para pumasok sa school. His sister saw him and nagged him nonstop.

Leo turned to face her and said, "I can walk. I can manage, Ate. Kailangan ko pumasok. Don't worry, kakainin ko ang baon ko at iinom ng gamot." He assured his sister.

Walang nagawa ang kapatid niya sa kakulitan niya. Leo wore a hoodie and covered his head. He's cold. Pero hindi niya 'yon pinahalata sa kapatid niya dahil baka imbes na sa School siya nito ihatid, idiretso na lang siya bigla sa hospital.

Cay's Zodiac (Completed)Where stories live. Discover now